Chapter 6

87 6 1
                                    

"Albert! Yung order pala ni tita Yna." Abot ko kay albert sa cookies na order ni tita. "Nga pala nandyan ba si eaky?" Tanong ko pa. Nong nakarating nako sa bahay dumiretso kaagad ako dito para ibigay yung order ni tita Yna tas Eaky. Tsaka 1PM na malapit na kaming aalis. Mabuti na ang handa.

"Nasa kwarto si ate Eakysha, pasok ka muna ate." Sabe ni albert habang inaabot sakin yung bayad at pinapasok ako sa kanilang bahay. "Nasa second floor ate, left side, yung ikalawa." Turo niya kung saang kwarto si Eaky.

"Pwede naman akong mag hintay dito." Sabe ko. Okay lang naman kase na dito muna ako staka mamaya pa yung alis namin.

"Nako ate kung hindi ka papasok hindi yun lalabas staka kahit tawagin ko pababa si ate Eakysha useless pa rin lalo na at sout niya yung headphone niya."

Napabuntong hininga ako at walang choice kundi pumunta sa kwarto ni Eaky. Napaka tamad rin kase ni Albert.

Bat di niya nalang akyatin at katukin sa kwarto diba? Tss.

Nakasampong katok na ako at ilang beses na tawag kay eaky pero di niya pa rin ako pinag buksan.

Ano bang klaseng sounds yung pinapakinggan niya? Yung rock ba?

Sinubukan kong pihitin ang door knob at nagulat ako ng hindi naka lock yun at binuksan.

Nagulat ako sa nakita sa loob. Si Eaky naka tuwalya habang
nakasout ng headphone.

Seryuso ba siya?

Naramdaman niya ata yung presensya ko kaya bigla siyang lumingon sa akin at hinubad yung headphone. Habang di ko naman alam kung saan ako titingin.

"Ahh a-ano y-yung order mo." Sabay lapag sa cookies dun table na malapit sa pinto. "Sa baba lang ako." Sabe ko at dali daling lumabas.

Shitspie! Ang tanga tanga ko talaga huhu.

Dahan dahan akong naglalakad habang pinapakalma ang sarili.

Marami naman akong nakikitang naka towel na babae ah? Pero bat nakaramdam ako ng kakaiba nong nakita ko si Eakysha sa ganong itsura.

What the hell is happening to me?

"Ate Azeiana? Why are you blushing po?" Nagtatakang tanong ni Yssa nang makasalubong ko siya sa sala.

"N-no baby... mainet lang kase." Hot naman talaga.

You mean, Eakysha?

Sabe ng utak ko. What the hell?

"Okay po, play muna ako nila baby doll. Babye ate." Paalam ni Yssa at humalik sa pisnge ko bago pumasok sa kwarto.

Para mas makalimutan ang nangyari kanina ay napag desisyonan kong mag cellphone muna.

Nong ni on ko ang data ay nagtaka ako sa tadtad na chat galeng kay Jai.

Ano bang kailangan ng taong to?

Active 30min Ago...

Jai:

I'm glad you're not mad.

Good morning, wake up sleepy head!

Hey love, I'm wondering what keeps you busy.

Hey?

You look beautyful when you smile. Keep smiling.

It's already 12:00 in the afternoon. I hope you get some rest and eat already.

Hey love, you're so brave huh?

Nagtataka ako sa mga ni chat niya.

You look beautiful when you smile...

Accursed Series 1: When I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon