Chapter 40

22 2 3
                                    

"How's our baby ice?"

"Okay na siya, ata."

"Umiyak ka daw sabe ni April."

"Pano mo nalaman?"

"Dyan kase kami galing kanina, nag crave kase yung isa ng brownies. Sakto din at gusto kong kulitin ka kaso wala ka. Hmp." Mahabang litanya ni Jeanie sa kabilang linya.

We're currently talking in a phone right now.

"Gala nalang kayo ulit bukas." Nakangiti kong sabe.

"Nakalimutan mo atang may flight bukas?"

"Weh? Di mo sure. May bagyo pa. Alam mo namang safety first yung Airlines namin." Kahit na ilang araw pa na ma delay ang flight ay wala talagang magagawa ang mga pasahero. Kung papipiliin ka, oras/araw ang masayang o ang buhay mo? Hindi lang buhay ng isa ang manganganib kung ganon.

That's why our Airlines became famous. In terms of safety, napaka hands on nito. Since it's our top priority.

Syempre marami din kaming kamag-anak o pamilya na nag t-trebaho doon. At isa na ako dun.

"Sabagay, kaya nga diyan ako nag apply." As if kaya niyang makipag hiwalay sa'kin.

"Sige, kwento mo yan eh."

Tumawa naman ang nasa kabilang linya. "Oh sige na, alam kong miss mo na ako pero aasikasuhin ko muna itong kasama ko. Napaka kulit eh."

"Sige, ingat kayo."

"Byee!"

Gabi na noong napagdesisyonan kong bisitahin ulit si ice. Medyo natagalan dahil ang daldal ni Adi.

Mag-isa nalang ngayon si Eakysha nang dumating ako.

Mahimbing pa din na natutulog ang aso.

"She's awake earlier." Sabe ni Eakysha na parang nababasa ang iniisip ko.

Tango nalang ang tinugon ko.

"Then I'll be going now."

Aalis na sana ako kaso...

"Pwede ba tayong mag-usap?"

Nilingon ko siya. "Aren't we?"

"Pilosopa," Sabe niya at lumabas.

Napairap naman ako at sinundan siya. Tinaasan ko siya ng kilay nang makitang bahay ko ang binubuksan niya.

"What do you think you're doing?"

"Opening the door?" Aba gumaganti!

Pumasok naman siya at feel at home na pumunta sa taas.

Teka! Sa kwarto ko yun ah!

"Hoy! Ano bang balak mo ha?" Laking pasasalamat ko na di ako nauutal.

"Mag-uusap." Sabe niya ng hindi lumilingon.

"Eh ba't sa kwarto ko pa?" Nandito na kami sa kwarto ko ngayon at nakaupo siya sa sofa.

"Kase gusto ko?" D*mn you! "Ayoko sa baba. It seems to formal."

I scoffed. "At sa kwarto ano?"

She just smirk. "Why? Are you nervous?"

"Mukha mo nervous." Sabe ko at naupo sa kama.

She chuckled.

Naninibago talaga ako sa babaeng to.

"Who's that Adi?" Seryusong tanong niya.

"Luh? Boy abunda yarn?" Ang random mo naman ngayon. Parang kanina lang eh nakikipag landian ka sa ka live in mo.

"Boyfriend? I thought you're single?" Sabe niya at nag-iwas ng tingin. Pinagmamasdan ang paligid ng aking kwarto.

Accursed Series 1: When I Met YouWhere stories live. Discover now