Chapter 44

37 2 2
                                    

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa tunog sa ni set na alarm ni Eakysha. Mabilis ko naman itong ni off at napatitig sa kawalan.

Kabila niyon ay may kakaiba rin akong narinig. Parang ang daming taong naglalakad sa aking paligid. Eh nasa kwarto lang naman ako at napaka tahimik nito kung iisipin.

Parang kakaiba ang araw ngayon ah?

Lalo na iyong panaginip ko.

Napaka random naman non.

May nasaksihan daw akong aksidente. Kumbaga ay parang nanonood ako ng isang palabas pero ang pinagkaiba lang noon ay napaka lapit nito sa'kin. Kumbaga ay wala pa sa isang metro mula sa'kin ito naganap.

May naaksidenteng babae habang ito ay pauwi galing sa kaniyang trabaho. Galing pa daw ito sa isang Airport at kakalapag lang nila kung kaya ay galinh pa ito sa nakakapagod na flight at kahit pagod na pagod at inaantok na ay pinilit pa rin nitong makauwi. Kaya ang ending, nakatulog daw ito habang nagmamaneho sa kaniyang sariling sasakyan at naaksidente.

Pilit ko namang sinilip ang mukha ng babaeng iyun ngunit wala talaga, parang sinadyang ipa blurred.

Ang shunga niya naman sa part na yun! Inaantok na pala siya pero hindi man lang nagpalipas ng gabi. O hindi kaya ay nagpasundo nalang? Tsk.

Anyways, Eakysha and I are going to spend our sunday together.

Binalingan ko naman ang babaeng natutulog sa kama ko. She looks peaceful and happy. Parang nawalan ng tinik. Napaka amo ng mukha nito. Napaka ganda rin ng ilong nito na napaka perpekto tignan. Ang labi din nito ay napaka liit. Siguro ay napaka soft nito.

Wala sa sariling napamulahan ako ng mukha. Pano ba naman kase eh naaalala ko kung gaano kami maghalikan dati.

Tama na nga! Baka ma late pa kami nito.

"Hey love... I mean Eakysha." Mahinang tapik ko sa kanya.

Nangunot naman ang noo nito. How adorable.

"Wake up! Magsisimba pa tayo." I softly said.

Bumangon naman ito. Akala ko ay maliligo na ito kaya ganon nalang ang panlalaki ng mata ko ng hinalikan niya ako sa noo. Napalunok ako at palihim na kinurot ang sarili.

Naririnig niya kaya kung gaano kalakas ang tibok ng puso ko ngayon?

She touch my face and sigh. Tinitigan niya ako ng matagal at malungkot na ngumiti.

"Bakit?" Nag-aalalang tanong ko.

Hindi ako sinagot nito at niyakap nalang. And for the last time, she kissed my forehead and went to the bathroom.

Hinayaan ko nalang siya kahit nagtataka ako.

Something's weird..

I went to the kitchen and prepared our breakfast. Maaga pa naman kaya may oras pa kaming kumain. I just cook some bacon, egg, and toasted bread.

Walang kibo si Eakysha at nakatitig lang sa mukha ko habang kumakain kami. Naiilang tuloy ako kaya ilang beses akong nabilaukan.

Kakaiba yung itsura niya ngayon, she looks relieved and... hurt?

Pagkatapos kumain at maghugas ng pinagkainan namin ay nagpaalam na siyang uuwi muna sa kanila para maligo kaya naghanda na rin ako. I took a shower and wear a white puff sleeve dress.

I just put some simple make up and wear my cute baby heels.

I was about to leave my room but Eakysha entered it. She looks... perfect. Napaka pogi nito, akala mo hindi babae.

Accursed Series 1: When I Met YouWhere stories live. Discover now