Chapter 3

193 9 1
                                    


Susungkitin mga bituin
Para lang maka hiling
Na sanay maging akin Puso mo at damdamin
Kung pwede lang kung kaya lang akin ang mundo
Ang lahat ng ito ay iaalay ko sayo.

Preskong hangin, hindi masakit ang sinag ng araw dahil napapalibutan ang paligid ng mga matataas na puno at tahimik na kapaligiran na tanging ang aking pagkanta at mga huni ng mga ibon lamang ang maririnig.

Peace.

Mapayapa talaga ang aking pakiramdam kapag bumibisita ako dito sa bahay este Mansyon nila lolo at lola. Sila lang rin kase yung mga tao dito kasama si tita kaya napaka tahimik.

Pagkatapos kong i-deliver yung mga gawa kong brownies malapit dito ay napagpasyahan kong dumaan muna dito saglet.

Ang ganda talaga dito... parang munting paraiso.

Sa likod ng Mansyon ni lola ay makikita mo ang mga naglalakihang puno, sari-saring mga bulalaklak na napaka bango, tree house, at pool.

Nakakahanga na kahit ilang taon na ang nakalipas ay napaka ganda parin ng mansyon. Inaalagaan kase ito ni tita.

"Azeiana?." Matiim akong pinagmasdan ni tita na para bang sinisigurado kung ako nga ba ito o namamalikmata lang. Hindi pa kase kami nagkikita tsaka ilang minuto palang rin naman akong nandito. Hindi kase ako pumasok sa manyon kase dumiretso nako dito sa lilod.

"Tita Zcharena." Tawag ko dito at nakipag beso. Simple lang ang kanyang damit pero napaka elegante niya pa ring tignan. Siya ang bunsong anak nila lolo at lola. Sa ganda niyang yan ay nagtataka talaga ako kung bakit hindi pa siya nag-aasawa o may pinapakilalang kasintahan sa pamilya.

Mahaba na rin pala ang kanyang buhok na abot bewang.

"What are you doing here? Where's Zryll?"

"Napadaan lang po, staka ako lang po mag-isa."

Pagkatapos naming magkamustahan ay inaya niya ako papasok na magiliw ko namang tinanggap.

Tita Zcharena is one of my favorite person. She is so pretty and elegant. A famous model pero napaka humble. Kahit successful na sa buhay ay mas pinili niya pa ring mag stay sa Mansyon at hindi nag bago ang kanyang ugali. Strikta si tita pero sa tamang paraan. That's why I like her.

"Azeiana, darling." That's my lola. Sa kanya namana ni tita ang pagiging elegante. Sa edad niyang yan ay napaka ayos pa rin ng kanyang tindig at napaka ganda niya pa rin.

"Lola, it's been a while pero ang ganda niyo pa rin." Nakangisi kong sabe dito.

"And ang liit mo pa rin." Sabe nito na ikinatawa ni lolo habang papalapit saamin.

"La... 5'4 kaya ako and hindi ako maliit, cute lang." Nakangusong sabe ko. Dahil sa pagiging payat ay napagkakamalan akong maliit.

huhu sakto lang naman yung height ko ah? Kasalanan ko bang nasa 5'6 sila?

Hindi pa rin sila nagbabago. Si lola may pagka madaldal pa rin lalo na si lolo na palageng may ngisi sa labi.

Mayaman sila lolo at lola. Kaya nagtataka yung ibang tao kung bakit napaka simple lang ng buhay namin. Si mama teacher sa isang Elementary school while si Papa ay isang Police. Napaka simple lang kaseng tao ni mama kaya mas pinili niyang hindi masyadong bongga yung pamumhay namin and hey! Yung mga bagay naman na gusto naming gawin or what is nakukuha namin. Si papa naman ay may kaya rin ang mga magulang.

Accursed Series 1: When I Met YouWhere stories live. Discover now