Chapter 13

59 4 1
                                    



"P-pano mo nagawa sa'kin to?! Minahal naman kita ah! Binigay ko naman lahat! Bakit?! bakit?!!"

"I'm sorry..."

Umiiyak ako habang sinusubo yung junkfoods sa bibig ko. Nanonood kase ako ng movie sa laptop at nagloko yung lalaki dun at nahuli nong babae.

Required ba talagang maging durog muna bago magkarun ng happy ending? Hindi ba pwedeng walang bumitaw sa kanilang dalawa? at patuloy lang sa pagkapit hanggang sa mamatay sila pariho? hehe dun naman talaga yung totoong ending eh.

Hapon na at napag-isipan kong manood ng pilekula total wala na akong magawa sa bahay. Si Zryll kase ay gumala nanaman. Kaya mag-isa lang ako sa bahay at walang kumukulit sakin ngayon.

Ilang oras ang nakalipas at natapos ko na rin yung pinapanood ko. Sila yung nagkatuluyan. Sanaol.


I strech my arms while walking when I heard a knock from my front door. Hay nako! Sino kaya to?

Binuksan ko yung pinto at bumungad sakin ang nakasimgaot na mukha ni Zryll. "Ang tagal mo namang mag bukas ate." Sabe niya at pumasok sa loob. Aba! May nakalimutan nanaman ata.

"Hi ate Azeiana!"

"Sup ate!"

Napalingon ako sa dalawang lalaki na nasa labas ng gate at nginitian sila pariho. Mga tropa mo Zryll. "Woah! Ang lalaki niyo na ah? Dalagang dalaga na talaga." Nakangisi kong sabe sa kanila habang papalapit sa kanila.

"Ah, ate it's binata." Sabe ni Clint at diniin talaga yung word na binata.

"Oh? Eh mga dalaga ko naman talaga kayo ah?" Sabe ko sa kanila at tumawa.

Napailing iling naman si Ryu at ginulo yung buhok ko. Napasimangot tuloy ako. Mas matangkad kase sila sakin. Wait lang nila na maging 5'6 ako! Nasa lahi namin yun eh.

Nakipagkwentuhan ako sa kanila hanggang sa dumating sila Zryll kaya umalis rin sila at pumasok na'ko sa bahay. Mababaet naman yung mga batang yun, pero maloko lang talaga. Playboy din.

Wala na akong gagawin at na b-bore nako kaya lalabas nalang ako! Date ko sarili ko. Total minsan lang may bakasyon, pa chill muna.

Highwaist short and croptop at nilugay ko lang yung buhok ko. Kunting liptint and then go! Ang ganda ko shems.

Syempre di muna ako umalis agad. Picture muna hehe kaya natagalan. 6pm na Azeiana, grabe. Dun nalang ako sa labas maghahapunan total wala naman si Zryll dito.

Nag l-lock ako ng gate ng biglang may nagsalita sa gilid ko. Si Eaky pala. "Where are you going?" Takang tanong niya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Naka sweater siya and pajama.

Tinignan ko rin siya mula ulo hanggang paa, aba! "Mall?" Patanong kung sagot. Hindi rin kase alam kung san ako pupunta. "Ikaw?"

"Dito lang sa inyo. Wala rin naman kase akong kilala dito. Sama ako ha?"

"Hakdog." Sabe ko at inirapan siya.

"Sungit" bulong niya habang sumusunod sakin.

Di ko na siya pinansin at nag drive na. Wala naman siguro siyang pake sa sout niya. Well malinis naman tignan and napaka soft niya tignan, sarap yakapin. Choss ang harot.

Pagkarating palang namin dun ay maraming lumilingon na mga lalaki sa gawi namin or shoul I say sa'min talaga? Mga lalaki talaga kahit may kasama ng jowa grabe pa rin makatingin! Ang lalagkit. Kailangan kong maligo after neto.

Ang pakay ko lang talaga dito ay ang kumain, yun lang. Ewan ko nalang sa kasama ko.


"Hoy babae anong plano mong gawin? Nagugutom na kase ako eh." Sabe ko habang nakatingin sa sout kong relo.
Six thirty five na pala.

Accursed Series 1: When I Met YouTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang