Chapter 27

44 5 2
                                    

Pagkarating ko sa Mansion ay sinalubong ako ng mahigpit na yakap ni mama at papuri. "You look so gorgeous. Nag mana ka talaga sa akin." Sabe niya na may ngiti sa mga labi.

"Yeah right." I chuckled.

She looks like a goddess with her elegant dress. Kahit na may 19 at 17 years old na siyang mga anak eh ang ganda ganda niya pa rin. Siguro ganon talaga ang magiging resulta kapag may maalaga kang asawa. Blooming.

Pagkatapos naming magbatian ay inalalayan niya ako papasok sa mansion nila lola.

"Ma, andyan na ba si Mommyla?" I whispered.

"Yep, actually kahapon pa siya dito. And dito din siya nag stay."

I nodded.

Tinignan ko ang kapaligiran ng bahay at napangiti. The interior design is not that pompous. Just like our families behavior. Simple but elegant.

Yung tipong kahit gaano karaming milyones ang kinikita ng aming pamilya ay hindi mo makikita ang pagiging makasarili at mapagmataas.

Marami na akong nakasalamuhang mayayamang pamilya at masasabe kong malayong-malayo ang aming pamilya sa kanilang pamamalakad at pag-uugali.

Napakapit ako kay mama ng mahigpit nong nakita ko ang likod na pigura ng kakambal ni lola. It's not that she have a intimidating look but, the way she stares at you? Jesus! Nakakatakot! Well bata pa naman kase ako nong huli kaming nagkita.

Balak ko sanang magpaalam kay mama para kunyare ay mag c-cr ngunit tinawag ako ni Zryll.

"Hi ate! You look great." Bati niya.

Thank you for the compliment but gustong gusto kitang tirisin. I smiled fakely. "Yeah you too." Napalingon naman ako sa mga tao doon na ngayon ay nakatingin na sakin. Isa-isa ko silang nginitian at binati. Saka ko lang din napansing wala si tita Zcharena.

Asan kaya yun? Baka nasa kusina at nagluluto.

Nakipag beso ako sa mga tao dun at nong kaharap ko na ang kakambal ni lola ay tinaasan niya ako ng kilay saka nakipag beso.

"You look stunning." Bulong niya.

Napangiti naman ako at nagpasalamat. Pagkatapos ko makipag batian ay umalis na'ko. Grabe din kase makatitig si Mommyla, parang hinuhukay ang buong pagkatao ko.

Nasa labas ako ngayon at nagpapahangin ng makatanggap ako ng messages galing kay Eakysha.

'Enjoy, don't forget to rest hmm? I love you.'

Damn. This woman, napaka simple lang ng sinabe pero para na akong mamamatay sa kilig.

'Yeah, I will baby. I love you more😗'

Ilang minuto akong naghintay ng reply niya pero wala akong natanggap.

Siguro busy lang...

Napalingon ako sa lalaking umakbay sakin at hinila ako papasok sa Mansion.

"Kakain na daw ate."

Kumakain na kaming lahat ngayon at ako naman ay nanatiling tahimik at nakikinig. Parang bigla akong nawalan ng gana. Ilang beses kong sinisilip ang aking cellphone pero wala talaga. Walang reply galing kay Eakysha.

Ang arte ko talaga. Busy lang ata siya, bat ba para akong nagtatampo?

Eh bat kase... kaka send niya palang ng message sakin tapos nong nag reply ako, hindi na siya nag reply? At nakasanayan ko na nagpapaalam siya sakin kapag may gagawin. Saka tapos na exam niya.

Baka nakatulog.

Sabagay, siguro pagod siya.

Napabuntong hininga ako.

"Okay ka lang ba?" Bulong ni Zryll.

"H-ha? Ofcourse! haha."

He shrugged and continue eating.

Pinilit ko nalang din na ubusin kung ano ang nasa pinggan ko. Bute nalang at unti lang ang nilagay ko.

Nakalipas ang ilang sigundo at tapos na kaming lahat kumain. Nasa sala kami ngayon at nag-uusap. Hiwalay ang mga kababaihan at mga lalaki. Kasama ko sa sala sina Mommyla, Lola, Mama, Aerial, and tita Zcharena. The twins mother is not here. Ang mga kalalakihan naman ay nasa labas, may pool kase dun kaya dun sila nakikipag-inoman.

Kanina pa kami nag k-kwentuhan nang biglang tumayo yung kakambal ni lola. Mommy Eleanor Vitale is seriously looking at our great great grandmother's portrait. Her mom. Lumapit sa kanya si lola at tinapik-tapik ang kanyang balikat na para bang pinapahatid niya na 'nandito lang ako'.

Me on the other hand is confused.

"Zcharena, Azeiana, and Aerial... Babaeng babae ang pangalan pero magkakagusto rin sa kapwa nila babae." Sabe bigla ng kakambal ni lola at lumingon sa amin.

Nanlaki naman ang mata ko ganon din si Aerial.

"Oh darling, shocked?" She chuckled. "Siguro, hindi pa kayo nagkakagusto sa kapwa niyo babae pero dadating din yan, hintayin niyo lang." Sabe niya at sumeryuso. "And please, be careful." She bite her lower lip. "Kase baka magaya kayo sa akin. Matandang dalaga." Lumungkot ang mga mata niya. Wala na sa itsura niya ang kinakatakutan kong babae kanina.

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nagpaalam na siya sa amin at siya daw ay matutulog na. Kaya napag desisyonan ko nalang ding umuwi dahil uuwi na din sila mama.

Nakarating ako sa bahay na ang buong pagkatao ay nagtataka. Ang daming tanong sa aking isipan.

Ano ba talaga ang nangyari noon?

Ano ba talaga ang ibig sabihin ng kakambal ni lola?

Ano ba talaga ang nais niyang iparating?

Sinubukan kong magtanong kay mama ngunit hinalikan niya lang ang noo ko at sinabeng 'wala lang yun'.

Bakit ba ayaw nilang sabihin kaagad? Nakakaloka.

Alas diyes na ng gabi at di pa rin ako makatulog. Kanina pa ako nag o-overthink! Kanina, about kay Eakysha, ngayon naman ay tungkol sa aming pamilya.

I decided to watch a movie. Sinilip ko ulit ang aking cellphone at napabuntong hininga. Nag text ako kanina kay Eakysha na nasa bahay na ako ngunit wala pa din akong natatanggap na reply niya. Tulog na nga talaga.

Ilang oras na ang lumipas ay bigla akong napabalikwas dahil sa gulat ng may narinig akong katok sa pinto.

12 AM

Ano nanaman to?!

Baka si Zryll... may naiwang gamit. Pero hindi naman ata pupunta yun dito dahil lang dun? Tamad yun eh. O baka inutusan ni mama kaya heto siya ar tinatakot ako.

Doon siya nagkakamali. Humanda talaga sakin yung batang iyon!

Pero anong oras na ah? Sabagay ilang oras din ang byahe papunta samin at kila mama.

Hininaan ko ang volume ng tv at dahan dahang naglakad para kunin arnis ko. Hindi naman to masyadong masakit eh, pero magtatanda siya dahil dito.

Panay katok pa rin ang tao sa labas kaya dahan dahan pa rin ang aking kilos at hinanda ang sarili saka ko binuksan ang pinto. Papaluin ko sana ang taong nasa labas ngunit bigla akong natigilan at nanlaki ang mga matang nakatingin sa kanya.

"E-eakysha..."




L.A

Accursed Series 1: When I Met YouWhere stories live. Discover now