Chapter 9

65 6 0
                                    

Buong gabi kong ka chat si Jai at puro pambabara lang yung ginawa ko sa kanya.

Tinanong ko siya kung anong gender niya pero hindi niya sinabe kaya natulog nalang ako. Maaga pa kami bukas.

Nagising ako sa ingay ng aking alarm clock.

3:00 am

Bumangon na ako at pinatay yung aircon at kinuha yung jacket bago bumaba.

"Good morning, eia."  Sabe ni mama habang umiinom ng kape. Naka handa na 'yung mga gamit nila na nasa sala.

Lumapit naman ako sa kanya at hinalikan siya sa pisnge. "Good morning, ma. Where's papa and Zryll?" Tanong ko ng napansin ko na wala si papa at si Zryll sa kusina at sala.

"Nagbibihis yung papa mo, pero si Zryll tulog pa." Umiiling na sabe ni mama. Sabagay 3 am pa.

"Gisingin ko nalang po."

Bumalik ako sa itaas at pumasok sa kwarto ni Zryll. Tulog pa nga. Napangisi ako ng may naisip akong kalukuhan.

Kinuha ko sa bulsa yung Cellphone at tinapat sa mukha niya at kinunan ng litrato bago siya ginising.

"Hoy senyurito, gising." Sabe ko at tinatapik ang pisnge niya.

Umungot naman ito at tinakpan yung mukha niya.

Ah ganon?

"Hoy tanghali na! Nakaalis na sila mama." Dali dali naman siyang bumangon at pumunta sa baba.
Tawa-tawa ko naman siyang sinundan.

Nang makarating sa kusina ay masamang ang tingin ni Zryll sakin habang basa yung mukha.

Naghilamos ata.

Dun ko naalala na hindi pa pala ako naghilamos kanina kaya naghilamos ako bago umupo sa tabi ni Zryll at ininum yung gatas na inihanda ni mama para sa'kin. Naibuga ko sa mukha ni Zryll yung gatas ng malasahan ko ito.

Shuta nilagyan niya ng asin!

Natatawa siya kahit na may tumutulong gatas sa mukha niya kaya kahit na masama yung loob ko ay napatawa rin ako sa hitsura niya at pati sila mama ay pinagtawanan kami bago pinagsabihan.

Baka raw araw-araw may gyera sa bahay kapag dun na mag stay si Zryll.

Niyakap kami ng mahigpit nila mama at papa habang nasa airport. Aalis na kase sila. "Ingatan niyo yung mga sarili niyo ha? Tsaka ikaw Zryll wag matigas masyado ang ulo, tumulong ka sa mga gawaing bahay at bantayan mo 'yang ate mo." Bilin ni mama sa'min.

Nang pumasok na sila mama ay umuwi na rin kami ni Zryll dun sa bahay ko. Nag impake na rin kase siya kanina bago namin iniwan yung bahay.

Pasalampak siyang umupo sa sofa nang makarating kami. Habang ako naman ay dumiretso sa kusina para magluto ng pagkain. Rice, egg, beacon, and hotdog. Yan lang yung niluto ko kase tinatamad ako. Tinawag ko muna si Zryll bago kami nagsimulang kumain.

"Ate pwede ka nang mag-asawa." Sabe niya habang kumakain.

"Salamat, at dahil dyan ikaw ang maghuhugas ng plato." Nakangiti kong sabe. Aangal sana siya kaso napabuntong hininga nalang at tumango habang nakanguso.

Pagkatapos kong kumain pumunta nako sa kwarto at nag cellphone.

Jai:

Azeina? Tulog kana ba?

Goodnight, sweetdreams.

Oo nga pala, hindi ako nakapag paalam kay Jai kagabi. Nakakainis rin kase, ayaw niyang sabihin yung gender niya.

Jai:

Goodmorning.

Me:

Goodmorning.

Jai:

Kumain ka na? Anong ginagawa mo?

Me:

Oo. Nakahiga.

Kahit itanggi ko man ay medyo nagtatampo ako kay Jai. Bakit ba kase ayaw niyang sabihin yung gender niya? Trip niya ba ako?

Jai:
Galet ka ba? Azeiana I swear to Heaven that I'm not playing around. I wanted to know you more. Sorry if na c-creepyhan kana sakin.

Me:

Nah. It's okay. Hindi ko rin kase mapigilan yung kuryuso ko so i hope you understand.

Jai:

I'm sorry azeiana but i can't tell you about myself, not now.

Me:

Okay, understand.

After those conversation, naghanap ng way si Jai para gumaan yung mood between sa'min. Nagbabatuhan kami ng mga banat and corny lines.

Ilang araw palang kaming nag c-chat pero nawiwili na ako sa kanya. Samevibes, witty and marami kaming magkapariho. Like favorite foods, songs, places, at marami pang iba.

Naghuhugas ako ng pinggan ng nag reply si Jai sakin. Gosh hindi ako makapaniwala sa aking sarili na gagawin ko to sa isang tao. Naghuhugas ng pinggan while nag c-chat? Seriously azeiana? Siguro crush ko siya? Kase di naman ako mag e-effort kung wala akong nararamdaman sa kanya...

Okay lang naman siguro yun. Staka crush lang naman. Paghanga. Kaya okay lang yun.

Jai:

Mas mahilig akong manood ng anime and webtoon, and also p*rn.



Wtf?

Tinanong ko kase siya kung ano yung hubby niya and then... woah.

Jai:

Kidding.


Naghugas muna ako ng kamay bago siya nireplyan.

Me:

Aside from cooking, playing guitar and singing. Suma-sideline din ako sa pagpapatay ng tao, lalo na kung hindi matino kausap.

Jai:

So... napatay muna yung sarili mo?

Me:

HAHAHAH sarap mo namang patayin

Tinapos ko na yung paghuhugas ng plato bago lumabas ng bahay.

Eight am. Grabe ang aga talaga ng araw ko. Napagdesisyonan kong lumabas ng bahay at mag walis. Tapos na rin kase akong maglinis sa loob. 5 am akong gumising kanina para simulan ang trebaho at mag bake. Ngayon, oras na para mag walis.

Iniwan ko muna sa sala yung cellphone bago ako lumabas ng bahay dala ang walis at dustpan at nagsimulang magwalis.

Sa kalagitnaan nang pag wawalis ay nakita ko si Eaky na nakangiti sa cellphone habang naglalakad.

Inlove ang bruha.

Napailing iling naman ako bago pinagpatuloy ang pagwawalis. Hindi naman kase makalat kaya madali lang akong natapos.

"Azeiana." Nanindig ang aking mga balahibo ng marinig ang boses ni Eaky. Dalawang araw na rin kase kaming hindi nag uusap.

Nilingon ko siya at nginitian. "Oy? Anong kailangan mo?"

"Ikaw." Seryusong sabe niya kaya  napangiwi ako.

"Umayos ka nga! Parang tanga." Pano kung k-kidnapin niya ako? Tas papatayin? at ibebenta yung lamang  loob sa black market? Kawawa naman yung crush kong si Jai. Kinikilig tuloy ako.

"Napadaan lang, bat nga pala walang tao dito after nating umuwi?" Tanong niya.

Oo nga pala. Hindi ko nasabe kay Eaky na pupunta kami kila mama.

"Ahh umuwi kase kami sa bahay."

Tumango naman siya. "Ganon ba? Sige mauna na ako." Sabe niya at akmang aalis ng pinigilan ko siya at hinawakan sa braso.

"Hoy wag, bata ka pa." Nag-aalalang sabe ko sa kanya kaya pinitik niya yung noo ko.

"Aray! Masakit ah!" Sabe ko habang masamang nakatingin sa kanya.

"Baliw ka kase." Sabe niya habang nagpipigil ng ngiti at umalis. Naiwan naman akong nakanguso.







L.A

Accursed Series 1: When I Met YouWhere stories live. Discover now