Chapter 41

24 3 3
                                    

"May taong nagbigay po sa'kin nong araw na yun at pinapaabot sa'yo." Nakangiti niyang sabe. "Napaka thankful ko sa kaniya. Pariho kaming nakatitig sa'yo sa panahong iyon. At wala sa sariling sinabe ko na ilang araw ka ng ganyan. Kaya kinausap niya ako at ipinabibigay sayo yung panyo."

"Sino yun? Naalala mo pa ba yung mukha niya?" Kinakabahan kong tanong.

"Hmmm," Naningkit ang mga mata nito. At nanlaki ang mga matang napatingin sa'kin."Ay hala! yung kapitbahay mo po na Veterinarian? Siya po yun. Napaka ganda niya po noong panahong iyon at nag-aalalang nakatingin sa'yo kaya mahirap kalimutan hehe." Sabe niya at nagpaalam bigla dahil may customers na dumating.

Pagkatapos naming mag-usap ay sakto namang dumating yung sundo ko, si Zryll.

Kanina niya pa ako kinukulit ngunit para akong wala sa sarili. Hanggang sa dumating na kami sa pupuntahan namin at nakipag meet sa mga businessman na ibinilin ni lolo sa amin. Pinilit ko nalang ang aking sarili na makipag usap sa kanila kahit kanina pa kumakatok sa'king isipan ang sinabe ni April kanina.

Bakit? Bakit hindi siya nakipagkita o pinuntahan man lang ako?  Kung totoonv siya yun... bakit hindi niya ako hinarap?

Nakikipaglaro ba siya ng tagu-taguan?

Ilang buwan ko siyang hinahanap tapos malalaman kong andun lang pala siya sa isang sulok at nakatingin sa'kin.

Bakit mas pinili niyang manahimik kaysa magpaliwanag? Maiintindihan ko naman.

Natapos ang meeting at laking pasasalamat ko na naging successful ito. Malaking tulong din si Zryll sa pakikipag negotiate sa kanila.

"Kanina ka pa wala sa sarili, ate." Seryusong sabe niya. Pauwi na kami at siya ang nagmamaneho.

"May iniisip lang."

Tango lang naman ang sagot nito. Kilala niya na ako. Alam niya kung kailan ko gustong pag-usapan ang problema o hindi.

Pagdating namin sa bahay ay sirado na ang Shop. Umalis na din si Zryll dahil gabi na din.

Ang dami kong gustong itanong ngunit hindi ko alam kung saan ko sisimulan. Pagod na pagod ako kahit wala naman akong masyadong ginawa.

Nakakaubos pala ng energy ang mag-isip ng subra?

Hindi pa man ako nakalapit sa may pinto ay bumungad na sa akin ang seryusong mukha ni Eakysha.

"Saan ka galing?" It's Eakysha.

Tinignan ko naman ito mula ulo hanggang paa. Naka pantulog na ito ngunit nasa labas pa din.

"Eakysha, alam mo bang ilang buwan kitang hinanap?" I asked, out of nowhere.

Bahala na.

Hindi ko alam kung saan ko humugot ng lakas para mag tanong sa kaniya. Ever since the day that she arrive, I didn't ask her anything about our past.

Napayuko naman ito. "Yes,"

"Then why? Bakit hinayaan mo akong mangapa sa dilim?" My tears fell. "Ilang beses kong sinubukan na hanapin ka, hinintay kita. Kase hanggang ngayon, nahihirapan akong makalimot kase hindi ko alam kung anong nagawa ko dati para bigla mo akong iwan at pagtaguan."

Accursed Series 1: When I Met YouWhere stories live. Discover now