Chapter 17

59 6 0
                                    




"Done." Sabe niya at inipon yung buhok ko at ipinatong sa kanang balikat ko. Maya maya pa ay naramdaman ko na yung labi ni Eaky sa leeg ko. I close my eyes and bite my lips. She's kissing my neck and sniff. "Hmm... you smell so good." Then she suddenly lick it. Gulat akong napamulat ng mata at biglang humarap sa kanya.

"W-what are you doing?" Nauutal na sagot ko. Ang lapit lang kase ng mukha namin. Ilang pulgada nalang ay maaari nang lumapat ang aming mga labi.

I blushed when I saw her staring intently at my lips. I gulped and look at her eyes, it's full of lust and desire.

Napabuntong hininga si Eakysha at pumikit ng ilang sigundo. "Nothing." She said and then she kiss my forehead, down to my nose, and to my lips. "Let's sleep. Goodnight." Sabe niya at pumwesto na sa kama.

Napapikit naman ako at pinakalma ang aking sarili. Para na kase akong mauubusan ng lakas sa ginawa niya. Napabuntong hininga ako at dahan dahang tumayo at tumabi sa kanya.

Nakatagilid siyang nakahiga at nakaharap sa'kin habang ako naman ay nakaharap sa kisame. I can feel her hot stare.

Ewan ko ba pero naiilang talaga ako sa kanya kapag magkatabi na kami sa kama at the same time i feel peaceful, and safe.

"Can I hug you?" Sabe niya bigla kaya napatingin ako sa kanya.

I gulped and then nod. "Sure." And with that, she slowly come close to me and hugs me tightly like she's afraid of losing me nor someone is trying to get me. I smiled with that thought and hug her back. Pinikit ko ang aking mga mata at hinayaang lamunin ng antok.

*•*

Nagising ako dahil sa naramdaman kong parang may dumidila sa mukha ko. Kinusot ko ang aking mga mata at tinignan ang may gawa non. It's Ice. "Hi baby." Sabe ko at niyakap siya. Napatingin ako sa katabi ko at wala na ito. Umuwi na ata.

Napatingin ako sa bandang pinto ng biglang tumikhim si Zryll. Naka cross ang mga braso sa harap ng dibdib niya at seryusong nakatingin sakin.

Anong problema neto?

Tinaasan ko siya ng kilay. "Oh?" Sabe ko. Mukha kase siyang may kailangan.

"Anong meron sa inyo ni ate Eakysha?" Sabe niya kaya bigla akong kinabahan. Ganon ba yun ka obvious?

Napalunok ako bago sumagot. Trying to calm my self. "Ha? W-wala naman." Calm down Azeiana! Chismoso lang talaga yung kapatid mo. Malisyoso pa.

"So... bakit kayo naging close bigla? And she's sleeping with you? Eh may bahay naman yung tita niya and may sarili siyang kwarto dun." Alam kase ni Zryll na may guest room si tita Yssa, alam namin yun pareho kase dati kapag bored kami palage kaming tambay dun.

Kakagising ko palng at may Q&A na nanaganap. Tsk.

"We're just friends." I lied. Well yun naman talaga yung tama. Baka isumbong niya ako kay mama at papa edi baka pauwiin ako sa'min.

Tumatango naman siya pero parang hindi kumbinsido sa sagot ko. "Pero bakit nga bigla kayong naging close? You didn't let Jeanie sleep with you and JEANIE IS YOUR BESTFRIEND and now... you're sleeping with that Eakysha? Weird." Shit. Matalino talaga tong kupal na to.

"Alam mo Zryll... andami mong alam." Inirapan ko siya. "Di ba pwedeng naging close lang kami kase lage niya akong kasama? And besides pariho naman kaming babae? Bawal ba maging kaibigan?" Sabe ko at tumayo na bitbit si Ice. "Nahahawa ka na siguro kay aling pileng." Sabe ko bago siya inismiran at pumunta sa kusina para kumuha ng tubig sa ref.

Kailan ba ako naging sinungaling? Well... white lies naman to eh. There's nothing wrong with that. Ginawa ko lang yung tama.

Patangu-tango akong pumasok sa cr para makapag hilamos. Nadaanan ko si Zryll at napansing nakatingin sakin kaya nginisihan ko siya. "Ikaw siguro yung nawawalang anak ka ni aling peling." Sabe ko kaya bigla niya akong hinabol. Tawa-tawa naman akong pumasok sa Cr at dali daling ni lock yun.

"Gross!" Sigaw niya sa labas at sinagot ko lang siya ng tawa. Ang arte talaga.

Hapon na at niyaya ako ni Zryll na mag laro ng Mobile Legends. Naaawa na raw kase siya sa Rank ko. Aba minsan lang kaya ako maglalaro!

"Ate open mic." Sabe niya bigla kaya hindi makapanelawang napatingin ako sa kanya.

Baliw.

Open mic eh magkatabi lang kami. Tss.

Pero ni open mic ko pa rin. Bat ba? I think masaya yun no. Nagsimula na ang laro at pa chill chill lang si Zryll na naglalaro habang ako naman ay nanginginig ng kunti.

Kaming dalawa lang sana ni Zryll yung nag-iingay ng biglang may isang ka team namin na nag open mic rin. Babae.

Kaso nainis ako kase ipet yung boses. Tsk. And it's obvious that she's trying to flirt with my brother. Epal. She's following with Zryll.

Girl ako yung ka duo ng kapatid ko sapakin kita.

Yung kapatid ko naman, gaya sakin ay naiinis rin siya. Mag kapatid nga kami.

Natapos ang laro and panalo nga kami. Gaya ng inaasahan ay ni follow siya ng babae.

"Akala ko lalaki lang yung lumalande, meron rin palang mga babae." Sabe ni Zryll at umirap. I chuckled. Ayaw kase ng kapatid ko yung mga babaeng nag f-first move sa kanya. Kase para sa kanya ang mga babae yung dapat nililigawan, hindi yung sila mismo yung nangliligaw o naghahabol. Again, magkapatid nga kami.

Napailing-iling nalang ako habang ino-open yung social media account ko. It's been a while. Ilang araw na rin akong di nakapag online or should I say na hindi binabasa yung mga nag chat sakin? Gusto ko rin kase na iwasan si Jai. He keeps on me messaging me pero hindi ko tinitignan yung message niya at ngayon... He's online. Nag dadalawang isip ako kung babasahin ko ba o hindi.

Ako na yung lumayo kase alam ko na may nararamdaman pa siya sa Yellow niya pero siya yung chat ng chat sakin. Mga lalaki nga naman.

Siguro napansin niyang online ako kaya biglang naging typing siya.

And then it pop-up. Nagulat ako sa ni chat niya sakin. Hindi ako makapaniwala.

"Azeiana, pinapapunta ka ni tita dito." It says.

What the hell?

Siguro napansin niyang mali yung na i chat niya kaya nai unsent niya agad pero huli na. Nakita ko na. Then i tap on our convo. Letting HER know that i saw HER message.

Sa mga araw na hindi ako online o hindi kami magkasama ay may mga chat siya kung kumain na ba ako, good morning to good night , kung anong ginagawa ko? At marami pang iba.

Jai:

I can explain...

Hindi ko alam kung ano yung mararamdaman ko. Magagalit ba ako kase hindi niya sinabe na siya yun? O malilito kung bakit ginawa niya yun.

Kaya pala... ayaw niyang magpakilala.

Halo halo ang emosyong nararamdaman ko ngayon. Siya lang pala yung dahilan ng lahat. I got drunk because of her knowing that she already have a Yellow. Psh. At siya rin yung dumamay sakin kaya heto kami ngayon at naging mag jowa dahil sa nangyari.

Napabuntong hininga ako at hinanda yung sarili ko na pupunta kila tita Yssa.

L.A

Accursed Series 1: When I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon