Chapter 8

71 5 0
                                    

Nagising ako dahil sa bigat na bagay na nakadagan sakin. Nang tignan ko kung ano yung nakadagan sakin nanglaki ang mga mata ko.

Si Eaky pala, nakayakap sakin at nakatanday habang mahimbing na natutulog. Napabuntong hininga ako at bumangon. Muntik na akong mapamura dahil sa sakit ng ulo ko.

Shitspie hindi na talaga ako iinom.

Nanlaki ang mga mata ko nang maalala na uminom nga pala ako kagabi. Medyo malabo na yung iba pero unti unti kong naalala.

Shuta inaya ko pa si Eaky na makipag body shot. Nakakahiya ka azeiana.

Nang makaupo sa higaan napasinghap ako ng makitang wala na akong damit kaya dali dali kong kinapa ang akin sarili. Yung damit ko lang pala yung nahubad pero yung skirt ko pati underwear nasa katawan ko pa. Salamat naman.

Wala naman sigurong mangyayari samin ni Eaky diba? Hindi naman siya tibo, sa ganda niyang yan?

Pinulot ko yung damit na nasa sahig staka pumasok sa cr para maligo.

Shutang ulo to, sarap tanggalin.

Medyo umayos yung pakiramdam ko matapos maligo. Lumabas ako sa cr na sout yung dress ko na yellow. Nang makalabas, nakita ko na may kausap si Eaky sa pintuan at may pagkain na rin sa mesa.

Nag order ata siya.

"Good morning." Nakangising bati niya saakin. Nakaalis na pala yung kausap niya.

"Morning."

Umupo na kami sa mesa at nag simulang kumain. "So... wala ka bang naalala kagabi?" Nakangising tanong niya.

Napalunok naman ako bago sumagot. "Nalasing ako? Teka bat ako nakahubad?"

"Kase hinubad mo?" Patanong na sagot niya.

"Ha? Bat ako nag hubad?" Hindi ko na kase maalala kung bat ako naghubad. What the hell.

"Kase mainit. Tsk ang ingay mo pala kapag laseng." It's true, hindi lang ito ang unang beses na nalasing ako. Sabe nila napaka ingay ko raw. Nakakahiya.

"A-ano pang ginawa ko?"

"Wala naman." Nakangising sagot niya. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabe niya."

"Buti nam---"

"Sumasayaw ka lang naman sa harap ko at kinakanta yung theme song sa Frozen mula hallway hanggang sa kwarto. 'Yung iba 'di ko na sasabihin para hindi mo hilingin na kainin ng lupa." Sabe niya at ngumiti bago pinagpatuloy yung pagkain.

Napabuntong hininga naman ako at tinakpan yung mukha. Ramdam ko ang pag-iinit ng dalawa kong pisnge.
Ilang kahihiyan pa ba ang magagawa ko sa harap ni Eaky? Nakakabanas ng kaastigan ah.

Pagod akong umupo sa higaan ko at napabuntong hininga. Sa wakas nakauwi rin. Nang matapos kami sa pamamasyal kanina for the last time at kumain sa isang cottage na nasa dagat ay umuwi na kami at heto ako ngayon, lihim na pinagsasabihan ang aking sarili. Aalis kami mamaya kaya kailangan ko ring magpahinga.

Wala akong naabutan na tao sa bahay. 1PM na at wala sila Zryll at Ice sa bahay.

Nanonood ako ng palabas nang pumasok si Zryll habang nasa bisig niya si ice at may dalang dalawang box ng pizza sa kaliwang kamay.

"Yoe ate, kamusta?" Sabe niya sabay halik sa'king pisnge at inabot si ice sakin.

"Okay lang." Sabe ko at itunoon ang buong atensyon sa aso. Habang si Zryll naman ay dumiretso sa kusina para ilagay ang isang box at bumalik dito sa sala at tumabi sakin at binuksan yung Pizza.

Ewan ko ba sa batang yan at napaka adik sa Pizza. "San kayo galeng?" Tanong ko at inamoy si Ice. Panigurado pinaliguan niya ito kanina kase mabango pa ang baby.

Accursed Series 1: When I Met YouNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ