Chapter 5

120 6 0
                                    

Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko.

6:10

"Magandang umaga Haring araw! Ang ganda ko." Sabe ko habang nag-uunat.Kinuha ko yung suklay at lumabas sa kwarto.

Habang naglalakad ay inaayos ko yung buhok ko at pumasok sa Cr. Para mag hilamos at mag toothbrush.

Ang lamig ng tubig.

Hinayaan kong dumaloy sa mukha ko yung tubig at tinitigan yung mukha ko sa salamin. Cute pointed noice, kissable pinkish lips, brown eyes, thick eye lashes, thick eye brows, round eyes, and almond shaped face.

Ang ganda ko...

Pero suki ng mga manloloko.

Kainis. Naalala ko nanaman yung dati kong manliligaw. Sa ganda kong to? Pinagsabay niya ako? Hayup siya. Akala ko ako lang yung nililigawan may iba pa pala! And lima pa kami.

May pa sabe sabe pa siyang "Hihintayin kita kahit gaano pa katagal." Pero may sideline ang loko.

Sa ugali na nga lang babawi... hays.

Hindi lang siya yung lalaking dumaan sa buhay ko na sinubukang kunin ang aking bitter na Oo. Marami sila, hindi ko na mabilang. Yung iba nakilala ko through online, sa school, classmate, friends of friends, and many more. Pero lahat sila, hindi naka pasa.

Anyways ayokong masira ang umaga ko kaya stop muna sa pag-iisip sa kanila. Hindi nila deserve na maisip ng isang diyosang katulad ko.

***

Pagkatapos kong kumain at mag hugas ng pinggan ay naisipan kong diligan ang mga collection kong mga bulaklak.

I love Flowers, specially nature. Nakakagaan sila ng pakiramdam habang minamasdan.

Hindi masakit yung araw ngayon ah... presko.

Tinigil ko muna ang pagdidilig at pumikit para mas damahin ang preskong hangin.

Hmmm bigla atang bumango?

Ganon na ba talaga kabango yung mga bulaklak ko? Sabagay namumukadkad na nga sila.

"Are you sleeping or something?"

Hala! Nagsasalita yung bulaklak? Ang swerte ko naman. Pero bat ganon? Parang pamilyar yung boses.

Unti unti kong binuka ang aking mga mata habang may ngiti sa labi at handa na sanang sagutin ang bulaklak kaso biglang napawi ang aking mga ngiti nang makita ang taong biglang nagsalita sa harapan ko.

"E-eakysha?" Nauutal kong sabe sa kanya.

Pero ang bruha nakangisi lang habang pinag mamasdan ako.

Malapit kase sa gate yung mga bulaklak kaya nasa labas siya habang nasa loob ako.

"Akala ko nag sleep walking ka." Bigla nitong sabe kaya napa iwas ako ng tingin.

"Dinadama ko lang yung hangin! Wag kang ano." Naka simangot kong usal.

"Para ka kaseng baliw na nakangiti
habang naka pikit."

"Whatever. San ka ba pupunta? Sabe ko habang pinag mamasdan siya.

Nakasout siya ng malaking black na hoodie and gray na short. Habang naka lugay ang buhok. Cute.

"Maglilibot."

"Kabisado mo na ba yung lugar?"

"Nah. Dito lang naman and i t-tour mo ako remember?"

"Kapag hindi busy, staka mamaya pa tayo pupunta sa beach. Wag kang excited." Napag usapan kase namin na mamayang 2PM aalis kase nga may order pa akong inaasikaso at gusto ko rin mag relax before i tour si eaky.

"Yeah right. Una nako." Sabe niya bago umalis.

Dali dali akong pumasok sa bahay at pinitik ang sariling noo dahil sa nakakahiyang ginawa ko nanaman sa harapan ni Eaky kanina.

Nakakahiya ka talaga Azeiana.

Hays. Maliligo muna ako bago mag b-bake.

Fighting!

Nakatuwalya akong lumabas sa Cr pagkatapos maligo at pumunta sa kwarto para mag bihis. Wala kase akong sariling Cr sa kwarto.

Black over size t-shirt and short. Ang simple ko tignan pero maganda pa rin. Pinagmamasdan ko ang aking sariling repleksiyon sa harap ng whole body mirror bago napag desisyonang lumabas sa kwarto at simulang magluto.



***

Nag b-bike ako pauwi matapos makipag meet sa isa sa nag order sakin. Medyo malapit lang kase.

I d-deliver ko nalang yung kay tita Yna and Eaky and then mag r-ready para pumunta sa private beach resort nila Lolo and lola. Napag desisyonan ko kaseng dun nalang muna i pasyal si Eaky. Swerte nga niya eh kase mga kaibigan at pamilya ko lang yung dinadala ko dun.

Malapit nako sa bahay ng bigla kong narinig ang aking napaka gandang pangalan kaya napatigil ako sa pag b-bike at binalingan kung sinong masamang nilalang yung nag sabe non. Tumigil talaga ako. Ako yung bida eh.

"Alam niyo mga mare duda talaga ako sa mag kapatid na si Zryll at Azeiana eh! Duda ko may relasyon yung dalawang yun!" Madaldal na wika ng napaka paburito kong kapit bahay na walang iba kundi si aling peling.

Note my sarcasm honey.

"Ha? Pano mo naman nasabe mare?" Tanong naman ng tropa niyang isa ring chismosa.

"Kase nakita mismo ng dalawang mata ko na hinalikan ni Zryll yung ate niya sa pisnge! At alam niyo ba? Tinawag niya pa ito ng babe." Siguradong sabe pa ni Aling peling.

Seryuso ba talaga sila? Hah!

"Ay talaga ba aling peling? Ano pa yung nakita niyo?" Sabat ko bigla kaya nanlaki ang mga mata ng kapwa niya chismosa.

"Ay nako! Nakita ko p-"

Napatigil siya sa pagsasalita nang mapagtanto niya na ako yung nagtanong sa kanya.

"A-ay i-ikaw pala A-azeiana..." Nauutal na sabe ng matanda.

"Pwede ba aling peling? Wala kang karapatang bigkasin ang maganda kong pangalan at isa pa pwede bang sariling buhay niyo nalang yung pagtuonan niyo ng pansin? Buti pa yung mga basurero nakatulong pa sa bansa habang kayo putak ng putak kaya mas nangangamoy lansa yung hangin." Mataray na sabe ko sa kanya bago magsimula uling pumadyak at nang lingunin ko kung sino yung pamilyar na mukha yung nasa gilid ng kalsada ay nakita ko si Eakysha na nakangising nanonood sakin. Halata sa mukha niya na nag pipigil ng tawa.

Habang yung tropa naman ni Aling Peling at pati siya mismo ay masamang nakatingin saakin.

Wala akong pake blehh.

Sa ganda ko pa namang to natural lang talaga na pag-usapan.

L.A

Accursed Series 1: When I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon