Chapter 15

67 4 0
                                    

Nagising ako sa ingay ng tahol ng aso. Nakanguso akong umupo sa higaan at pinakinggan ang tahol ni ice at tinignan ang katabi ko pero wala na ito. Napaka aga pa para manghingi ng pagkain si baby Ice at bago ako umalis kahapon ay pinakain ko siya. Mabaet naman yung aso ko na yun at mas mahilig siyang matulog kaysa sa maglaro.

Ilang oras ko nga lang nakakalaro yun at susuko na kaagad yun para matulog.

Nagtataka akong bumangon. Para kaseng nasa sala si Ice. Dumating naba si Zryll? Pagkabukas ko sa pintuan ay nakita ko si Eakysha na nilala ro si Ice sa sala. Kaya pala...

Hindi pa pala siya umuwi? Babaeng to talaga nawili na sa bahay. Binati ko sila ng mapalingon sila sa'kin. "Goodmorning baby Ice, morning Eaky." Sabe ko at dumiretso sa Cr. Hindi ko nakita yung mukha ko sa salamin sa kwarto noh. Nakakahiya kung may muta ako sa mata at gulong-gulo buhok ko.

Naghilamos na ako sa cr at nag toothbrush at ng makuntento ay lumabas na ako. Marami pa akong gagawin. Magluluto, magwawalis, magpapakain ng aso, at magdidilig ng mga bulaklak.

Pagkalabas ko sa cr ay dumiretso na ako sa kusina para makapag luto. Napatingin ako sa mesa ng may nakita akong pagkain dun. Fried rice, hatdog, and ham.

"Ako nagluto nyan. Sorry kung pinakialaman ko yung ref mo." Sabe ni Eakysha. Nakasunod pala siya sakin.

"It's okay." Sabe ko total di naman na siya naiiba sakin eh at medyo nabawasan trebaho ko at isa pa may itatanong rin ako sa kanya.

Inaya ko siyang kumain at nagsimula na kaming kumain. Hinintay niya pa talaga ako.

"Eaky, about kahapon... what do you mean label?"

"Oh, hindi mo alam?" Sabe niya at tumigil sa pagkain.

"Magtatanong ba ako kung alam ko?" Pamimilosopa ko sa kanya.

"Tsh. It means mag-on na tayo." Sabe niya habang nakangiti. Mas lalo tuloy siyang gumanda.

Wait... sabe niya ba mag-on? It means kami na? Pano nangyari yun? "Ha? Ano? So t-tayo na?" Maang kung tanong.

"Oo."

Ganon lang? Walang ligaw ligaw?! Hah! In my 19 years of existence may naging karelasyon ako na hindi dumadaan sa Panliligaw?! Ano to budol?

"Ano? Walang ligaw-ligaw?" Hindi makapaniwalang sagot ko.

Amusement was painted on her face while staring at me. "Gusto mong ligawan kita?"

Natigilan ako sa sagot niya. "Ah h-hindi naman sa ganon."

"Too late, tayo na eh and besides pumayag ka kagabi, wala ng bawian." Sabe niya bago pinagpatuloy ang pagkain.

Ako naman ay nakanguso siyang tinignan bago nagpatuloy tin sa pagkain. Ang sama niya.

"Wala ka bang boyfriend?" Tanong ko sa kanya nang matapos kaming kumain at nagliligpit ng pinagkainan. Sinabe ko na sa kanya na ako na pero ayaw niya magpatalo. Tumulong pa rin pero pumayag naman siya na ako yung maghuhugas kase siya yung nagluto.

"Hindi naman ako makakarating sa ganitong set-up kung meron." Sabe niya at tumingin sakin pagkatapos ilapag yung mga plato sa lababo.

Oo nga naman. Pero malay mo diba? Hindi ko pinangarap na maging kabet.

Nagsimula na akong maghugas habang siya naman ay nagpaalam na uuwi para makapag ligo at babalik nalang daw mamaya.

Dahil sa sinabe ni Eakysha kanina ay para akong wala sa sariling naghuhugas ng plato. Totoo ba? Na kami na? Ito yung plano ko eh pero... hindi sa ganito. Plano kung mahulog sa isat-isa bago maging kami. Hindi yung... kami nga pero wala namang nararamdaman para sa isat-isa.

Wala nga ba? Tanong ng utak ko.

Well... may nararamdaman akong kakaiba sa kanya pero enough na ba yun para masabing gusto ko siya?

Eh si Eakysha kaya? May nararamdaman rin ba siya sakin? O baka naaawa lang siya sakin kaya niya ginagawa to o baka naman nakukunsensya siya? O baka... pinaglalaruan niya lang ako?

Anak ng cookies wag naman sana. Maghahanap talaga ako ng mangkukulam.

Napatigil ako bigla sa babanlaw ng baso ng may maalala ako. Sila mama... matatanggap ba nila ako? Kami? Yung mga taong nasa paligid ko... matatanggap ba nila kami? Yung parents ni Eaky pati sila tita.

F-ck.

Napabuntong hininga ako at tinigilan ang mag-isip isip ng mga bagay at tinuon ang atensyon sa paghuhugas ng plato. Unti lang naman sana yung hinunhugasan ko pero antagal kong matapos. Ganito naba ako kalutang?

Pagkatapos maghugas ng plato ay nagwalis na ako sa labas ng bahay at nagdidilig ng mga halaman. Pagkatapos ay pumasok na ako sa loob para maligo.

Tinitigan ko ang sarili kong repleksyon sa harap ng salamin. Kakatapos ko lang maligo at tanging tuwalya lang ang nakatakip sa buong katawan ko.

Hay nako Azeiana... ano ba tong pinasok mo?

Napabuntong hininga ako bago napagdesisyonang lumabas sa Cr. Napadaan ako sa sala at nagulat nang makitang nandun na si Eaky at nakatingin sa Cellphone. Napaangat ang tingin niya sakin at napatitig sa mukha ko bago pinadasahan ako ng tingin boung katawan at tumigil sa dibdib ko at dinilaan ang labi.

Dali dali akong umayos ng tayo at tinakpan yung dibdib ko. She's weaein a sandu and shorts. First time ko siyang nakitang naka sandu at napaka sexy niya tignan.

Tumikhim ako bago nagsalita. "Ah magbibihis muna ako." Sabe ko at dali-daling pumasok sa kwarto.

Ramdam ko kung gaano kainet ang dalawa kong pisnge. Nakita naman niya yung buong katawan ko na walang saplut kahit isa at hindi lang nakita! Natikman pa pero laseng ako nun. Nahihiya na nga ako kahit naka towel ako pano nalang kaya kung wala?

Napasandal ako sa pinto ng kwarto ko at wala sa sariling napalingon sa higaan ko. Napalitan ko na ng bed sheet mula nong nagising ako pagkatapos sa nangyari para hindi masyadong maalala yung nangyari samin pero kahit ganon ay napaka presko parin neto sa utak ko.

Bigla akong nang-inet bigla. What the hell! Anong ginawa ng babaeng yun saakin? Dali dali akong nag-isip ng ibang bagay at nagbabasakaling makatulong ito para maalis ang inet na nararamdaman at nagtagumpay naman ako.

I decided to wear my Jersey t-shirt and short para presko bago lumabas sa kwarto. Naabutan kong nakatingin pa rin si Eakysha sa Cellphone niya at parang nag-aalala ito or what. Kaya tinanong ko siya. "Anong problema?"

Napalingon naman siya sakin bago sumagot. "Nothing."

Tumango naman ako bago umupo sa tabi niya bago tinignan siya sa mata. "Eakysha... can I ask a favor? Since tayo na like what you said, pwedeng... isekreto muna natin to? I mean hindi pa naman tayo sigurado or what about sa nangyari eh diba? Isa pa napaka bilis ng mga pangyayari. Hindi natin alam kung ano ang magiging reaksyon ng mga taong nakapaligid satin." Mahabang litanya ko at nanalangin na sana ay pumayag siya.

Mahihimatay ata si mama kapag ipakilala ko sa kanya ang una kong magiging jowa, babae pa.

Ilang segundo ang nakalipas bago napabuntong hininga si Eaky bago sumagot. "I understand. I will be your little dirty secret then." Sabe niya bago hinalikan ang noo ko.







L.A

Accursed Series 1: When I Met YouWo Geschichten leben. Entdecke jetzt