CHAPTER 1

2.9K 51 5
                                    

SOLAR

Katulad ng napagusapan sa senado amin pong ipatutupad ang mga batas hinggil sa pambubugbog at panggagahasa sa kababaihan.....


"Tingnan mo tong si Sen. Lisa akala mo kay bait bait at walang milagrong ginagawa" saad ko habang umuinom ng kape.



"Manahimik ka nga mamaya may makarinig sayo makarating pa sa asawa niya yan!" tugon naman ni Jennie habang tutok na tutok sa telebisyon.



"Balita ko war freak daw yung asawa nya lalo na at naghihinala na raw na may kabit si Senator Manoban" wika naman ni Rosé.



"Ano namang balak mo Jennie di kaba natatakot na baka mamaya isang araw sugudin ka nalang ng babaitang asawa nya?" wika ko habang pinapanuod ang video sa phone ko ng pagwawala ng asawa ni Senator Lisa.




"Hindi naman remember ginagawa naman namin ni Lisa ang lahat para maitago ang meron kami dahil siguradong pag iyon pumutok pati ako sabog" wika nya sabay patay ng tv.



Yes tama kayo, si Jennie na kaibigan ko ay kabit ng nagiisang Senator Lisa Manoban.




Di pa nga pala ako nakakapagpakilala ako nga pala si Yong Sun Kim my friends call me Solar but you can call me honey if you want...




Nandito kami ngayon sa bahay ng kaibigan naming si Rosé habang pinapanuod ang video ng mahaderang asawa ni Senator Lisa na nagiiskandalo sa Office ng asawa niya dahil akala nya yung secretary nito ay ang  kabit ni Lisa, hindi nya alam nasa ibang bahaging building lang ang kabit ng asawa nya...





Kung sabagay napakagandang babae itong si Jennie di na sya lugi pero hot din naman kasi si Senator Lisa kaya naman itong friend ko ehh talagang bumigay kahit na may sabit na si Lisa.



"Grabe friend muntik na makalbo yung secretary ni Senator dahil sa asawa nyang war freak siguradong sayo nanaman uuwi si Senator nito dahil magkaaway nanaman sila ng magaling nyang asawa" wika ko ulit.





"Kaya baka wala ako sa mga susunod na linggo kasi siguradong nasa Ilocos nanaman ako para paamuhin nanaman si Lisa at pahumapain ang galit at isyu ng asawa nya" wika ni Jennie naks may booking ang kabit hahahha.




"Ehh ikaw ba kamusta kana" tanong sakin ni Rosé.



"Ok lang naman I'm happy... Satisfied and happy" wika ko sabay lagok ng kape na iniinom ko.





☆☆☆
This is it!
Sana magustohan niyo guysss
Lalabas ang pagkabakla ko dito
🤘

The LIfe Of Mistress (Jennie, Rosé, Irene And Solar)Where stories live. Discover now