CHAPTER 45

845 13 1
                                    

SOLAR


Kauuwi ko lamang dito sa aking condo galing sa mall kasama ang tatlo kong kaibigan actually ngayon na lamang ulit kami nakapag bonding ng ganoon dahil sa dami ng gawain na kinaharap namin nitong mga nakaraang linggo.



Sobrang saya ko para kay Jennie noong kinasal na siya sa wakas kay Lisa kahit papaano ay may naging legal wife sa amin at so far wala ng kabit sa amin.



Habang inaayos ko ang mga pinamili kong bagong damit ay biglang tumunog ang aking phone kaya agad ko nitong sinagot.



"Hello Solar handa na ang ticket mo makakaalis kana sa susunod na araw sigurado ka na ba na igagrab mo na ang offer ng company ang tagal ka ng gustong ipadala roon tapos lagi kang umaayaw buti at nagbagk ang isip mo" sabi ng boss ko sa kabilang linya.




"Wala lang Mr. Hernandez naisip ko lang na baka para roon talaga ako kasi tingnan mo hanggang ngayon wala ka pa ring nakikitang ipapalit sa akin sa offer mo" pagmamayabang ko sakanya.




Matagal na akong gustong ipadala ng kompanyang pinagtatrabahuhan ko sa America nagtayo kasi sila ng branch doon ng business nila at gusto nilang ako ang magmanage dahil sa akin daw sila nagtitiwala at matagal na rin naman ako sa kompanya pero lagi ko itong tinatanggihan dahil ayaw ko nga na mahiwalay kay Byul noon kaya naman ngayon na hiwalay na kami ni Byul ay naisip kona igrab na ang proposal nila ito na rin siguro ang way para nakamoveon on ako sa lahat ng sakit na naramdaman ko rito sa pilipinas at para na rin mas mapalalim ko pa ang pagmamahal ko sa sarili ko, natutunan ko kasi na sa pagmamahal kahit mahal mo ang isang tao dapat ay magtira sa iyong sarili at iyon ang hindi ko nagawa kaya siguro it's about time para mahalin ko naman ang sarili ko.





Hanggang ngayon kahit papaano ay may naiiwan pa akong pagmamahal kay Byul hindi rin naman kasi madaling mawala iyon lalo na at matagal din siyang naging parte ng buhay ko at gusto ko mawala na iyon ng tuluyan para makamove forward na ako at magagawa ko lamang iyon kung malalayo ako sa lahat ng nagpapaalala sa akin kay Byul.





Itong condo na tinitirhan ko ay bigay ni Byul pero sa akin ito nakapangalan at lahat ng papers nito ay nasa akin kaya naman ang unang hakbang para tuluyan ko ng mapakawalan ang damdamin ko kay Byul ay ang ibenta ito bibili na lamang siguro ako ng bahay pagbalik ko rito sa pilipinas.





Hindi alam ng mga kaibigan ko na aalis ako gusto ko kasi sabihin sa kanila bago ang araw ng pagalis ko para hindi na rin masyadong madrama alam ko kasi na malulungkot lamang kami pare-pareho dahil nasanay na kami na laging nandiyan para sa isa't isa actually ngayon ko lamang narealize na sila lamang ang tunay na nagmamahal sa akin yung hindi ako tinitignan at minamahal dahil dala lamang ng init ng laman pero well ayaw ko man silang iwan kailangan kong gawin dahil kailangan, sayang din kasi ang offer dahil malaking pera rin ang kikitain ko doon.





Kinabukasan ay tinext ko sila na magkita kita kami sa bahay ni Rosé tutal doon naman talaga ang lagi naming tambayan.




"Anong meron" Tanong ni Rosé pagdating naming lahat.




"Ewan ko rito kay Solar siya ang nagpatawag ng bonding na ito" sabi naman ni Irene sabay harap sa akin.




"Wala gusto ko lamang kayo makabonding" sabi ko sa kanila at pilit ngumiti kasi sa deep inside naiiyak na ako akala ko kasi madali ko lamang masasabi mga kaibigan ko na aalis ako pero hindi pala.




"We know you Solar kami pa ba ang gaganyanin mo ang tagal na natin magkakaibigan so ano ngang meron" sabi ni Jennie sa seryosong mukha kilalang kilala talaga niya ako.




"I'm leaving" sabi ko sabay yuko ayoko ko kasing nakita ang reaksyon nila.




Tahimik lamang ang paligid pagkatapos kong sabihin iyon at ilang sandali rin ang itinagal noon bago ulit ako nagpatuloy.




"Nagoffer ang company na pinapasukan ko nagopen kasi sila ng bagong branch sa America at gusto nila na ako ang magmanage actually matagal ng offer sa akin ito hindi ko lamang tinatanggap dahil kay Byul pero ngayon na wala na kami at open pa rin naman ang offer kinuha ko na naisip ko kasi na baka eto na rin yung chance para makamove on ako ng tuluyan kasi kahit naman papaano ay may natitira pa akong pagmamahal para sa gago na iyon" pagpapatuloy ko at tuluyan ng bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.




Narinig ko na may humihikbi sa aking harapan at nakita ko si Rosé na papalapit sa akin kahit kelan talaga iyakin ito.




"Alam ko na hindi ka nanamin mapipigilan at hindi ka rin naman papapigil kaya ang sasabihin ko sa iyo ay magiingat ka, tandaan mo kung kailangan mo ng kausap don't hesitate to call us lagi kaming handang makinig sa iyo" sabi nito sabay yakap niya sakin.




"Bakit ngayon mo lang naman sinabi?" tanong naman ni Irene na mukhang nagpipigil lang din ng iyak pero mukhang isang kalabit na lang ay bibigay na rin.




"Ayoko kasi na magalala kayo at ayoko ng mahabang drama alam ko kasi na pagsinabi ko sa inyo ito ng maaga kukulitin nyo lang ako lagi" paliwanag ko sa kanila.




"Kelan ba ang alis mo?" tanong naman ni Jennie.



"Tomorrow morning" sagot ko sa kanya.



"Ihahatid ka namin bukas at I don't take no for an answer" utos ni Jennie na mistulang batas kaya tumango na lamang ako.




"Kaya pala napakarami mong pinamiling damit kahapon aalis ka na pala" maktol ni Rosé na hanggang ngayon hindi pa rin bumibitaw sa yakap.




"Bumitaw ka na nga para kang unggoy eh, buti mahal ka pa rin ni Jisoo kahit muka kang chipmunk" biro ko sa kanya.




Alam na namin ang tungkol sa kanila dahil ang lola niyo nagchat agad sa amin kagabi noong sinagot na niya si Jisoo hindi naman na kami tumutol dahil alam naman namin na mabait ito at hindi nito gagawin ang ginagawa ni Mark kay Rosé.




"Bahala ka nga!" sabi nito at mas lalo pang hinigpitan ang pagyakap sa akin.



Nagkulitan at nagkwentuhan lang kami maghapon nagpaorder din kami ng mga pagkain padespedida ko na rin para sa pagalis ko. Ininvite na rin nila ang mga Jowaers nila kaya naman sinimangutan ko sila dahil ako lang ang walang jowa mga hitad talaga pero hindi naman ako naiinggit dahil alam ko na may nakalaan din para sa akin hindi ko pa lamang siya nakikilala sa ngayon at sana pagdumating siya ay siya na talaga.






☆☆☆

The LIfe Of Mistress (Jennie, Rosé, Irene And Solar)Where stories live. Discover now