CHAPTER 8

1.1K 23 3
                                    

ROSÉ


Kauuwi lamang nila Jennie galing dito sa amin every Sunday kasi ay nakaugalian na namin na magbonding.



Nakakatuwa nga yung mistress ni Bogum ehh halatang inosenteng inosente, kaya hindi mo masisi si Bogumi. May something sa mukha ni Irene na parang hinihila ka niya para mahulog sa maamo niyang mukha pero don't get me wrong ha.. Namimiss ko na si Mark Baby ko.



Speaking of the devil hindi pa nagpaparamdam yung isa na yun sa akin ahhh, kahit ni ho at ha walang text pag siya hiniwalayan ko bahala siya, hahaha wait nga text ko nga ang demonyo.



"Hey Baby" text ko rito kahit na alam kong baka sa susunod pa na linggo magreply yung isa na yun at bantay sarado rin ito ng asawa niya na si Miyeon.



Pero nagulat ako ng bigla ng tumunog ang phone ko. hudyat na may nagtext aba mabilis ata ang daga wala siguro ang pusa.



"Yes what do you need?" reply niya aba, aba ang galing ng lalaki nato akala ata pera lang ang habol ko sa kanya excuse me kahit wala siya sa tabi ko kaya ko isustain ang lifestyle ko.



"Wala nagpaparamdam lang malapit na kasi kitang ipagpalit" Biro ko sa kanya.



After mga ilang segunda ay bigla na lamang tumunog ang telephone sa sala ko kaya agad ko itong sinagot.



"Yes hello whos this?? " bungad ko lagi sa phone tuwing may tumatawag minsan kasi padabog ko itong sinagot pagkatapos parents ko pala ang tumatawag hahahah.



"Anong ipagpapalit umayos ka Rosé baka nakakalimutan mo na noong pumasok ka sa buhay ko ay wala ka ng kawala pa" singhal niya sa kabilang linya. Hahaha hindi talaga ako kayang iwan netong si Mark my Baby.




"Chill baby I'm just joking ok, alam mo naman na hindi kita kayang iwan" sabi ko sa kanya na alam kong naghihilot na yun ng sentido dahil sa bwiset sa akin.




"Ok ok whatever nga pala magkita tayo sa sabado I have
something to discuss" Sambit niya pero alam kong wala naman talaga siyang sasabihin alam kong gusto lamang niya akong ikama sa sabado well wala naman akong magagawa kaya umoo na lang ako at miss ko na din ang loving loving namin.



"Sige sige... I need to go na may gagawin pa ako" paalam ko sabay baba ng telepono at di na iniintay pa ang sagot niya.




Sa dami ng nasabi at nagawa ko di pa pala ako nakakapagpakilala ako si Rosseane Park my friends call me Rosé dahil ayaw kong tinatawag ako sa firstname ko masyadong mahaba saka parents ko lang ang tumatawag saken ng fullname ko pag galit sila. Hehehe.




Mayaman ang parents ko actually may sarili kaming kompanya kaya, kaya ko isustain ang lifestyle na meron ako ngayon pero bakit mas pinili ko pa rin na maging mistress ng isang businessman na kagaya ni Mark?.




Ganito kasi yan, noong una palang napilitan lang ako kasi magkakilala na kami since college alam ko na medyo umaaligid aligid na siya sa akin noon pero hindi ko siya binigyan ng atensyon ko.




Tapos after non mga ilang taon ang nakalipas nabalitaan ko na ikakasal na siya sa asawa niya ngayon kay Miyeon at dahil half Chinese sila Mark magtatayo siya ng sarili niyang negosyo at doon nagtagpo ulit ang landas namin dahil isa ang pamilya ko sa mga tumulong sa kaniya to enhance his business.



Hanggang sa lumaon nilandi ako ng bugok at sinabing ako raw ang suwerte sa negosyo niya kaya lumago nabalitaan ko rin na ang bugok pala ay leader ng isang gang kaya sa takot ko noon sa kanya pumayag ako maging mistress niya kahit na labag sa loob ko dahil si Miyeon is a good friend of mine noong college even though hindi kami ganung kaclose.



The LIfe Of Mistress (Jennie, Rosé, Irene And Solar)Where stories live. Discover now