CHAPTER 41

855 17 1
                                    

JENNIE




Ngayon na ang araw ng aking kasal halong kaba at saya ang nararamdaman ko. Kaba dahil hindi ko alam kung anong buhay ang naghihintay sa amin after nito at saya naman dahil sa wakas magiging legal wife na ako ang tagal kong hinintay ang araw na ito na sa wakas masasabi ko ng tunay akong asawa at may karapatan ako pero minsan natatakot ako na paano pag kinarma ako at ako naman ang pagtaksilan siguro mapapatay ko si Lisa. Pero dapat ay hindi ko muna isipin ang mga ganoong bagay dapat ay masaya lang naligo na ako dahil maaga dumating yung make up artist may pictorial pa kasi bago ang kasal.





"Light make up lang ang ilagay mo sa akin ha ayaw ko kasi noong makapal" sabi ko sa make up artist pag upo ko sa harap ng salamin.




"Don't worry Mam maganda naman na kayo konting make up na lang po ito" sabi niya habang pinapahiran ng primer ang mukha ko.




"Alam mo Mam nakakainggit ka kasi nahanap mo na ang true love mo ako ata kahit ibalandra ko ang katawan ko sa daan walang papansin" sabi niya.




Yung make up artist ko rin kasi ay galing ng pilipinas nirefer ito ni mommy sa akin ito raw kasi ang make up artist niya.




"Ano kaba nauna lang ako susunod ka rin naniniwala ako na lahat ng tao ay may nakalaan na pagibig at kung para sa iyo ay para sa iyo talaga" sabi ko sa kanya.




"Todo hugot ka naman Mam para namang ang lungkot ng love life mo" biro niya.




"Hindi kasi naging madali bago ko narating ito akala ko nga hindi ko na mararating ehh pero naghintay ako at salamat naman at nagbunga ng maganda ang pagiintay ko" sabi ko sa kanya.



Mga ilang minuto pa ay natapos na rin ang pagaayos sa akin pagtingin ko sa salamin ay nagulat ako dahil sobrang ganda ko, charot lang ..  at maganda ang pagkakalapat ng make up ko, tama nga si Mommy magaling siya.




"Thank you" sabi ko sa make up artist sabay yakap sa kanya.



"No problem po lilipat lang po ako sa kabilang kwarto para ayusan si Madame " sabi niya at niligpit ang gamit niya bago umalis, siya namang dating nila Rosé, Irene at Solar pagpasok pa lang ay mangiyakngiyak na si Rosé.



Kaya agad ko itong niyakap.



"My gosh Jennie ikakasal kana I'm so happy for you sa wakas may legal wife na sa atin" sabi niya habang yakap yakap ako.



"Susunod na rin kayo don't worry" sabi ko sa kanila ngumiti lang sila bilang tugon.




"Speaking of susunod ano itong naririnig ko na kayo na raw ni Seulgi ha Irene?!" tanong ko kay Irene nabalitaan ko kasi na sila na raw naikwento lang sa akin ni Solar dahil narinig daw niya minsan si Irene na kausap ito sa telepono at ngayon nga ay tatanungin ko kung totoo nga.




"Ano kasi paano ko ba sasabihin " tarantang sagot niya.



"Ano kaba ok lang iyon kung magkagirlfriend kana ng iba total hiwalay naman na kayo ni Bogum" sabi naman ni Solar.



"Wag nyo na nga pilitin si Irene at tsaka it's your day Jennie dapat nakafocus tayo sa iyo" Singit ni Rosé sabay akbay kay Irene.



"Mga Mam tara na po kailangan na po kayo sa pictorial sa baba" putol ng photographer sa aming kwentuhan.



Agad naman kaming nagready na at bumaba tumagal din siguro yung pictorial ng mga isang oras bago ako tuluyang pumunta kung san gaganapin ang kasal namin nauna na nga si Lisa doon dahil mas maagang natapos ang pictorial niya.





The LIfe Of Mistress (Jennie, Rosé, Irene And Solar)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن