~ SPECIAL CHAPTER (ROSÉ) ~

893 16 3
                                    



Nandito ako ngayon sa mall para bumili ng regalo para sa inaanak ko na si Luca anak nina Jennie at Lisa 3pm pa ang celebration at 1 pm palang sinadya ko talagang maaga pumunta para makapaglibot dito sa mall para sa baby boy ko.





Tatlong taon na ang nakalipas at magtatatlong taon na rin kami ni Jisoo at eto nga mukhang siya na talaga ang makakasama ko sa panghabang buhay dahil buntis ako sa panganay namin. Kahit ako hindi makapaniwala kasi ang alam ko hindi na talaga ako mabubuntis dahil nagkaroon ako ng sakit sa ovary at sabi ng doctor na huwag na akong umasa na magkababy pa ng malaman ko yun kalahati ng buhay ko ang nawala. Pero tingnan niyo naman ngayon at magkakababy ako.




After ko malaman iyon ay si Jennie agad ang aking tinawagan dahil alam kong mas mapapayuhan niya ako sa mga dapat gawin after nun ay umuwi ako sa bahay naalala ko pa ang reaction ni Jisoo ng sinabi ko sa kanya na buntis ako.




Flashback


Pagpasok ko sa bahay galing sa hospital ay nakita ko si Jisoo na nakaupo sa sala at nanunuod ng balita kaya agad akong tumabi sa kaniya sa iisang bahay na kami nakatira iyon yung regalo niya sa akin noong 1 year anniversary namin ibinahay na niya ako.



"Baby saan ka galing " tanong nito sa akin na hindi ako nililingon.



"Sa ospital " tipid kong sagot na agad na nagpalingon sa kanya.



"Bakit anong nangyari may masakit ba sayo what happen tell me?" tarantang taranta na tanong niya.



"I'm pregnant " sabi ko at naiyak na dahil nakita ko ang reaction niya na sobrang saya.



"Shit your pregnant were going to be parents baby I'm so happy "sabi niya sabay yakap sa akin tapos ay itinapat ang ulo niya sa tiyan ko.



"Baby wag mo pahihirapan si mommy mo ahh hindi nahirapan yan noong ginawa ka namin dahil ako lang ang gumalaw kaya hindi yan sanay sa hirap" sabi nito at hinampas ko naman siya kahit kelan talaga itong damuho ito.



End of Flashback




Ngayon nga ay magtatatlong buwan na ang baby ko pero hindi ito masyadong halata kasi sabi ng doctor ay maliit lang daw ako magbuntis.



Habang nagiikot sa mall ay may nakita akong isang bulto ng lalaking pamilyar na pamilyar sa akin halos tatlong taon na rin simula noong huli naming pagkikita.




"Mark" tawag ko rito sapat lang para marinig niya at agad naman siyang lumingon sa akin at noong nakita niya ako ay halong gulat at saya ang reaction niya.




"Rosé kamusta kana?" Tanong niya sa akin sabay yakap medyo na nailang naman ako hindi dahil may pagtingin pa ako sa kanya pero dahil ang daming nakatingin sa amin.




"Ahmm ano ok lang naman" sabi ko sa kanya sabay kalas sa yakap niya mahirap na baka mabalita pa ito.




"Anong ginagawa mo rito bakit nasa baby section ka" tanong niya sa saken.




"Ahmm ano namimili ng gamit ng baby ko" sabi ko sa kaniya at nakita ko naman na yung masayang reaksyon niya kanina ay napalitan ng gulat.




"May anak kana?? " Gulat na tanong niya.



"Magkaka anak palang,  I'm pregnant sa anak namin ni Jisoo" Sagot ko sa kaniya sinabi ko rin na anak namin ni Jisoo kasi feeling ko kailangan.




"Hmm maybe we can have a coffee to catch up at  mukhang kanina kapa naglalakad baka pagod kana bawal sa buntis ang mapagod " alok niya pumayag naman ako maaga pa naman para sa birthday ng anak ni Jennie at isa pa para na rin siguro magkaroon kami ng closure ni Mark.



Dinala lang ako ni Mark sa paborito niyang coffee shop dito sa mall actually sa kaniya itong mall na ito eto.




"I don't know na kayo pala ni Jisoo noong naghiwalay tayo "paguumpisa niya.



"Ahh oo hindi niya ako iniwan noon at umamin na mahal niya ako pero hindi rin naman kami naging magkarelasyon after natin naghiwalay nagintay din siya na maghilom itong puso ko" paliwanag ko sa kanya at nakita ko naman na parang nasasaktan siya pero pinagsawalang bahala ko na lang iyon baka mali lang ako ng nakikita.




"Mahal pa rin kita Rosé narealize ko kung gaano kita kamahal noong nawala ka sa akin " pagamin niya.



"Pero Mark magkakapamilya na ako at mahal ko ang asawa ko" sabi ko sa kaniya at huminga naman siya ng malalim.



"Pwede naman nating gawin yung dati itago na lang natin please Rosé mahal na mahal kita bumalik kana sa akin" pagmamakaawa niya pero hindi na pwede ayokong lokohin ang asawa ko dahil mahal na mahal ko si Jisoo.




"Ayoko Mark ayokong lokohin ang asawa ko mahal na mahal ko si Jisoo maybe I should go may pupuntahan pa ako at isa pa nakipagusap lang naman ako to have a closure to you" sabi ko sabay tayo at dampot ng mga pinamili ko.




Paglabas ko ng shop ay tumunog ang aking phone pagbasa ko ay nakita ko na nagtext si Jisoo na nasa labas na raw siya kaya nagmadali na akong lumabas.




"Baby bakit ang bilis mo maglakad dapat tinext mo ako kung saang shop ka naroroon para napuntahan kita ang dami mong dala oh baka kung mapaano kayo ni baby" Alalang sabi niya at inalalayan ako.



"Nagkita kami ni Mark" pag amin ko sa kanya ayaw ko kasi magsinungaling at magtago ng sekreto sa kanya.



"Anong ginawa niya sa iyo?" Tiimbagang na sabi niya at hinawakan ko naman ang braso niya para pakalmahin siya.



"Nag usap lang kami siguro for closure na rin kasi hindi rin naman kami nagkaroon noon nung naghiwalay kami iyon lang at wala ng iba" paliwanag ko sa kanya.



"Talaga iyon lang?" tanong naman niya.



"Opo Ms. Jisoo Kim, iyon lang wala ng iba pa itanong mo pa kay baby" sabi ko rito na nagcpangiti sa kanya.



"I trust you kaya hindi na kailangan " sabi niya na nagpakilig sakin kaya agad ko siyang niyakap.




"Teka hindi ko nga pala naitanong sa iyo ilan daw ang pwede mong anak sabi ni doc?" Tanong niya. Kasi alam niya na baka hindi na ulit ako mag kaanak dahil nga sa nagkasakit ako sa ovary.



"Sabi ng doctor ay isa lang ang kaya kong ianak sorry isa lang ang kaya kong ibigay sa iyo, dahil miracle na talaga na nabuntis ako" sabi ko na medyo naiiyak na.




"Baby wag kang umiyak ano kaba ok lang iyon yung mabigyan mo nga ako ng isa sobrang saya ko na ehh atsaka mas ok yun na hindi kana mabubuntis para kahit na araw arawin kita wala ng sasabit" nakatawa niyang sabi.



"Ikaw talaga napakalibog mo tara na nga at magaalas tres na baka inaatay na tayo nila Jennie " aya ko rito at pinaandar na niya ang sasakyan.




Wala na ata akong mahihiling pa may mabait akong asawa at magkakaanak pa kami at sobrang pasasalamat ko talaga kay lord.




☆☆☆

The LIfe Of Mistress (Jennie, Rosé, Irene And Solar)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ