CHAPTER 34

943 23 1
                                    


JENNIE



Ngayon ang last day ko sa ospital after ng mga check up sabi ng doktor ay pwede na raw akong lumabas matagal ko ng gustong umuwi pero ayaw pumayag ni Lisa dahil daw hindi pa sinasabi ng doktor.




Nandito ngayon si Rosé at Solar si Irene naman ay sa bahay na lamang susunod dahil may hangover pa raw siya tinanong ko nga kung ano ang nangyari kahapon sabi naman niya ay next time na siya magkwekwento pero nakikinitakita ko na ang nangyari sa kanya dahil base sa boses niya at pag inom niya.




"Dumiretso muna tayo sa shop may titingnan lamang ako" sabi ko sa kanila pagsakay namin sa sasakyan.



"No!  hindi pwede ang stress sayo kaya hindi na tayo dadaan doon, don't worry about your shop binilinan ko naman ang mga tauhan mo" sabi ni Lisa sa akin tumungo na lamang ako dahil alam ko naman na hindi ako mananalo rito.




"At tsaka nga pala ngayon ko lamang nalaman na halos lahat ng tauhan mo ay lalaki ikaw ba ang namili noon?" Tanong niya na nakakunot ang noo.




"Mas gusto ko kasi magtrabaho ang mga lalaki kasi mas magaling sila magtrabaho at mas malinis gumawa" sabi ko pero mukhang hindi siya naniniwala.




"Alam ko yang mga tingin mo na iyan Lisa tauhan ko ang mga yon" sabi ko na lamang,  tumango na lamang siya bilang sagot.




Tinignan ko naman yung dalawa sa likod ng sasakyan dahil hindi sila kumikibo at pagtingin ko ay nakangisi silang dalawa alam ko nanaman ang tumatakbo sa mga isipan ng mga to!.




"Solar nagkwento ba sa iyo si Irene kung bakit siya may hangover ibig sabihin uminom iyon kagabi" tanong ko kay Solar.



"Wala naman siya naikwento maybe let us ask her na lang later pagnandoon na siya sa inyo" sabi naman niya.





Habang bumabyahe ay napansin ko na parang hindi ito ang daan pauwi sa condo ko kaya naman agad akong nagtanong kay Lisa.



"Hindi naman ito ang daan pauwi sa condo ko ahh" sabi ko kay Lisa.




"Sino ba ang nagsabi na sa condo ka pa titira" sabi nito pero hindi lumilingon sa akin.




"Ehh saan?" Tanong ko sabay pout.



"Bumili ako ng bahay natin" sabi nito sabay halik sa akin.




"Ehem baka naman mabangga tayo" sabi ni Rosé sabay tawa.




"Anong bahay at bakit hindi ako nainform? Saka hindi ko pa nakukuha yung mga gamit ko sa condo ko" reklamo ko rito.




"Ayos na lahat hon napakuha ko na lahat ng gamit mo sa condo mo at napaayos ko na rin actually titira na lang tayo sa bagong bahay natin" sabi nito na parang siguradong sigurado.




"bahala ka nga" suko ko dahil alam kong hindi naman papayag ito na hindi siya ang masunod.





Pagdating namin doon sa bahay na sinasabi niya ay nagulat ako dahil napakalaki ng bahay na binili niya sabi ko nga dalawa lamang kami bakit ganito kalaki ang bahay niya pero ang sabi niya pupunuin daw namin iyon ng maraming anak kaya hinapas ko ito dahil lagi iyon ang bukang bibig niya simula noong nagising ako gusto talaga niya ako maging losyang.





Nagpaorder na lamang kami ng pagkain para may makain kami wala pa kasi yung mga kasambahay na kinuha ni Lisa para rito sa bahay.




"Jennie umakyat muna kaya tayo sa room ninyo lets talk like the old times" aya ni Rosé habang inaantay daw namin yung delivery.




Medyo nagtataka nga ako kasi hindi naman na namin yun ginagawa simula noong nakaraang taon nagulat na lamang ako at nag aya ito ngayon pero well pumayag na lamang din ako dahil namiss ko na rin sila kausap. Pag akyat namin ay siya ring dating ni Irene agad kong napansin ang paikaika nitong lakad at mugto ang mata.




"Bakit ganyan ka maglakad" tanong ni Solar siguro ay napansin din niya.




"Wala nadulas lamang ako kahapon" sabi nito.




"Nadulas....... siguro umiscore nanaman si Bogum ano??"  biro ni Rosé sa kanya ngumiti lamang ito ng tipid sabay upo sa aking tabi.




"By the way ano nga pala ang nangyari sa pagkikita ninyo ni Bogum kahapon?" tanong ko.




"Ok lang naman" tipid niyang sagot, nagkatinginan naman kaming tatlo at nagkibit balikat na lamang si Solar at Rosé.




Hindi nanamin siniyasat pa si Irene dahil mukhang hindi pa siya handang magkwento sa nangyari kahapon magiinatay na lamang kami kung kelan siya handa.





"Nandito lang kami ha... If handa kana were here to listen" sabi ko at tumango lamang siya bilang sagot niyakap naman namin siya para kahit papaano ay mawala ang lungkot niya.




"Ano ba gurlsss tama na ang drama dapat ay masaya tayo ngayon" sabi ni Irene sabay tingin sa dalawa i smell something fishy.




"Bakit dapat maging masaya tayo?" makahulugan kong tanong.




"Kasi ano kasi nakalabas kana diba kaya dapat masaya tayo" sabi ni Rosé hindi talaga magaling magsinungaling yung isa na ito.




"Hmmm ewan ko sa inyo tara na nga at bumaba na tayo baka dumating na yung delivery" sabi ko pero parang nataranta naman silang tatlo.




"sige na nga tara na bumaba na tayo" sabi ni Rosé pagkatapos niyang tingnan ang phone niya.




Pagbaba namin ay naiiyak na ako dahil ang daming petals sa bawat baitang ng hagdan yung tatlo naman ay nakaalalay sa akin sa likod bumaba ako ng diretso at nakita ko ang isang malaking screen sa baba nagfaflash doon ang mga stolen picture ko.




Noong nasa gitna na ako ay iniwan na ako nung tatlo at lumabas si Lisa sa likod noong screen.





"Alam mo ba iyang picture na iyan ay kinuhanan ko simula noong una tayong nagkakilala lihim kitang kinukuhanan noon dahil alam kong magagalit ang kuya mo pero lahat yan ay nakasave sa camera ko" Pageexplained niya.






"Mahal na mahal kita simula noon hanggang ngayon katulad noong sinabi ko sayo sa sulat, na sayo ko lang gustong bumuo ng pamilya ikaw lang ang gusto kong makasama kaya ngayon ay itatama ko na ang lahat na dapat noon ko pa ginawa" Sambit niya sabay luhod sa harapan ko.





"Ms. Jennie Kim, Honey,  will you marry me?" Tanong niya.





Hindi na ako nagisip pa at sumagot "Yes Ms.  Senator Lisa Manoban, I will marry you" sabi ko pagkatapos niyang isuot ang singsing sa akin ay binuhat niya ako at hinalikan.




"I love you soon to be Mrs. Manoban" sabi niya sabay baba sa akin.




"I love you too" sabi ko sabay yakap sa kanya.




Hindi ko alam na darating ang panahon na ito na magiging legal kami ni Lisa na darating ang araw na papakasalan niya ako sobrang saya ko.




"Congratulations guyssss" sigaw noong tatlo sabay labas sa pinagtataguan nila nilapitan ko naman sila at niyakap.




"Sasabihin mo ba ito sa family mo Jennie?" tanong sa akin ni Rosé.




"Oo I will call them later para malaman nila, siguro hindi ko na lamang sasabihin yung history ng love story namin" sabi ko at ngumiti na lang sila sa akin at nagyakapan muli kami.




Wala na siguro akong mahihiling pa I have Lisa, my friends and my family.






☆☆☆
Masayang Araw ng mga PUSO!!

The LIfe Of Mistress (Jennie, Rosé, Irene And Solar)Where stories live. Discover now