CHAPTER 21

871 12 1
                                    

ROSÉ



Ngayon ang alis ni Jennie papuntang Maldives kasama si Lisa at ngayon din ang time na dapat ay sa akin sasama si Irene pero tinext ko si Solar na kung pwede ay siya muna ang sumama kay Irene dahil nga puro pasa at sugat ako dahil sa nangyari kagabi pero hindi iyon ang sinabi ko kay Solar dahil siguradong magaalala sila sa akin isa rin yun sa dahilan kung bakit hindi ako nagpapakita sa kanila everytime na sinasaktan ako ni Mark pagagalingin ko muna ang mga sugat ko sa katawan bago ako sumama sa kanila siguro ay paguwi na lang ni Jennie.




"Ayos na ba ang mga sugat mo?" tanong nitong si Jisoo na kasalukuyang kararating lang dahil pinauwi ko muna siya sa kanila kagabi.



"Oo ayos naman na medyo mahapdi lang ang parting leeg ko na may kagat pero hindi naman na ganun kalala" sagot ko sakanya.



"Di ko alam sayo bakit kapa nagtitiis kay Mark lagi ka lang naman niyang sinasaktan" tiim bagang niyang sermon niya sa akin.




"Wala eh mahal ko" sagot ko sa kaniya ng diretso kasi totoo naman mahal ko talaga si Mark kaya ako nagtitiis pero kung papipiliin ako sana hindi na lang siya ang minahal ko kasi ang sakit niya mahalin literal pero wala tayong magagawa sa kaniya tumibok ang puso ko ehh.



"Napakaswerte talaga niya sayo" Pabulong niya na sabi at parang nalungkot. Konti na lang talaga iisipin ko may gusto na talaga itong si Jisoo sa akin.



"Siguro nga swerte siya sa akin kaya ayaw ako hiwalayan ng ulupong ehh" Biro ko sakanyan sumimangot lang ito lalo at iniwan na ako sa sala magluluto raw muna siya ng agahan namin dahil nakapahinga si manang at yung ibang katulong, kaya kami lang dalawa dito sa bahay.





*******



SOLAR



Nandito ako ngayon sa unit ni Irene dito ako matutulog for three days dahil sasamahan ko siya wala kasi si Jennie dahil aalis siya si Rosé naman daw ay hindi uubra dahil may kailangan siyang ayusin sa business nila dito na rin ako natulog para naman makamoveon ako sa nangyari nitong mga nakaraang araw pag nasa condo kasi ako naalala ko lang si Byul ehh.



"Solar itong guest room na lang ang gamitin mo inayos ko na ito kanina" sabi ni Irene sa akin malaki rin kasi ang unit niya kaya may dalawang kwarto.



"Sige, o bakit may problema ka nanaman ba? " Tanong ko sakanya. Panay nanaman ang tingin nito sa kaniyang cellphone.


"Si Bogum kasi hindi nanaman nagpaparamdam" malungkot na sabi niya.


"Ang alam ko kasi malapit na ang anniversary nila ni Senator Hye Kyo kaya baka busy iyon" Sagot ko. Kaya ko naman nalaman na anniversary nila ay ibinilin din kasi ni Jennie yung shop niya, sabi niya may delivery daw ng gown kay Senator Hye kyo bukas dahil wedding anniversary nito.




"Kung gusto mo pumunta tayo tutal naman invited si Jennie at dahil wala siya iniwan lang niya yung invitation doon sa shop niya kaya tayo na lang ang pumunta para makita mo si Bogum" Sambit ko rito na agad niyang ikinangiti.




"Pero hindi kaya magalit si Jennie sa gagawin natin? " Tanong niya, masyado naman itong takot kay Jennie.



"Hindi akong bahala at tsaka hindi naman tayo pupunta doon o hindi ka naman pupunta doon bilang mistress ni Bogum pupunta ka roon bilang bisita" Pangungumbinsi ko pa sa kanya dahil ayaw ko siyang matulad sa akin na miserable ang love life.



"Sige kahit sandali lang ok lang sa akin makita ko lang siya" Pag sang ayon niya.



"Alright matulog na tayo dahil ang alam ko ay maaga ang party bukas" Utos ko sakanya, kaya naman agad itong pumasok sa kaniyang kwarto para matulog at ako naman ay nanatili dito sa sala upang uminom ng konti.



Habang magisa ako rito sa sala ay naisip ko nanaman ang pakikipaghiwalay na ginawa ko kay Byul kagabi pagkatapos ko kasing manggaling sa asawa niya napagisip isip ko noong gabi na iyon na tigilan ang namamagitan sa amin.



Flashback

Walang pa rin lubay ang tunog ng phone ko dahil sa pagtawag ni Byul kaya sinagot ko na ito.


"Hello!!.." Inis kong sabi, iyan pa lamang ang nasasabi ko pero agad na niya akong nirarat ng mga masasakit na salita.


"Hindi kaba nagiisip bakit ka pumunta dito sa bahay, bakit mo kinausap ang asawa ko may utak ka pa ba Solar o sadyang bobo ka? alam mo na hindi alam ng asawa ko na may relasyon tayo tapos gagawa ka ng eskandalo rito hindi ka nagiisip" galit na galit na sabi niya.


Tanging iyak lamang ang nagawa kong isagot sa kaniya dahil sobrang sakit ng pinagsasabi niya sa akin.


"Ngayon iiyak ka na parang ikaw ang may malaking problema alam mo ba na iniwan ako ng asawa ko at mga anak ko, umalis sila ngayon masaya kana na nakasira ka ng pamilya " Dagdag pa niya.



"Hindi ako ang may kasalanan ikaw! akala mo ba hindi ko alam na may bago kang kabit at akala mo rin ba hindi alam ng asawa mo ang lahat ng pinaggagawa mo alam niya lahat!!!" Sagot ko sa kaniya na mukhang ikinagulat niya dahil hindi siya nagsasalita. "Alam niya lahat ng kagaguhan na ginagawa mo nagtitiis lamang siya dahil ayaw niyang masira ang pamilya mo napakaswerte mo sa kaniya!!!" dagdag ko pa habang patuloy ako sa pag iyak.



Hindi pa rin siya nagsasalita pero alam kong nandoon pa siya sa kabilang linya dahil naririnig ko pa ang malalim niyang paghinga.



"Let's end this mess Byul" lakas loob kong sabi sakanya kahit na mahal ko siya ng sobra ay papakawalan ko siya dahil nagkakasakitan na lamang kami at nakakadamay pa kami ng iba.



Hindi ko na inantay pang sumagot siya at ibinaba ko na agad ang tawag.


End of flashback


Noong gabi na iyon hindi ko alam pero parang gumaan kahit papaano yung sama ng loob na dala ko kasi siguro kahit paano ay nakagawa ako ng alam kong tama dahil noong nakita ko kung gaano katatag ang asawa ni Byul nainggit ako na sana pagnakita ko na yung taong totoong mamahalin ko at mamahalin ako kasing tatag din niya ako.



Kasi aaminin ko mahina ako eh, takot ako maiwan magisa at iyon din ang tingin ko sa iba, kaya ang pinang hahawakan ko na takot sila na mawala ako pero habang nagiisip ako noong gabi na iyon naisip ko na baligtad pala hindi pala sila takot na mawala ako... Ako pala ang takot na mawala sila.



Pero wala na akong magagawa siguro hanggang doon na lamang kami ni Byul.



Habang nagmununimuni ay ininom ko na ang huling lagok ng wine na iniinom ko at pumasok na sa kwarto dahil masyado na ding late at kailangan ko na din magpahinga.





☆☆☆

The LIfe Of Mistress (Jennie, Rosé, Irene And Solar)Where stories live. Discover now