CHAPTER 23

894 14 1
                                    

JENNIE


Pagkalabas ko sa unit ni Irene ay agad akong bumaba at sumakay sa sasakyan ko alam ko naman na mali yung pinagsasabi ko sa kanila pero dahil dala na rin ng galit ko, at ang sakit din ng ulo ko at pagod sa biglang biyahe kaya kung anu-ano na rin ang aking nasabi.



Paanong hindi iinit ang ulo ko hindi naman ako ang may kasalanan, Galit na galit si Lisa sa akin na parang kasalanan ko na pumunta sa party si Irene parang mas inaalala pa niya yung image noong kaibigan niya kesa sa kapakanan ko tsk! bahala nga siya.




Ako lang ang nagdidrive ng sasakyan ko ngayon dahil nakaleave ang driver ko kasi nga dapat sa mga oras na ito ay nasa maldives pa ako pero ang baliw na Lisa nang tumawag si Bogum sa kanya tungkol sa nangyari dito sa pilipinas ako pa ang pinagalitan at nagaya ng umuwi.



Flashback

"Hon magswimming na kaya tayo" Aya ko kay Lisa dahil parang tinatawag na ko ng dagat sa labas.


"Wait lang hon" sabi nito dahil tumunog ang phone niya.


"Hello, yes Bogum bakit ka napatawag?" Pagsagot nito sa phone si Bogum pala ang tumatawag siguro ay hinahanap siya dahil anniversary party nito ngayon.


"Ano pare teka teka tatanungin ko si Jennie kung alam niya ito" sabi nito na ikinagulat ko dahil nadawit ang pangalan ko.


"Bakit?" Agad kong tanong.


"Si Irene daw at si Solar ay pumunta sa party nila Bogum at Hye kyo alam mo ba to? invitation mo raw ang ginamit para makapasok?" Tanong niya na lalo kong ikinagulat.



"Hindi alam ni Jennie pare hindi nagsabi sa kanya yung dalawa" Pageexplained  pa ni Lisa kay Bogum.



"Sige sige pare uuwi rin kami ni Jennie ngayon para maayos ang gulo na yan." Sabi niya na ikinainis ko ano uuwi kami para sa gulo na nagyari.



"Hindi tayo uuwi LISA nasa bakasyon tayo oh, baka naman makapaghintay yan paguwi natin" Inis kong sabi sa kanya pagbaba niya ng phone.



"No Jennie we need to go back right now!!! tutal naman ay kasalanan to ng mga kaibigan mo kaya dapat itong ayusin, kaya uuwi tayo madadamay pa ako sa kapabayaan ng mga kaibigan mo ehh hindi mo kasi pinagsasabihan ng maayos" Sermon pa niya na lalo kong kinaasar.



"So its me now! kasalanan ko na naman, okay kalang Lisa? for your info hindi ako nagkulang sa pagsasabi sa kanila at paanong pati ako ay may kasalanan?" depensa ko sa kanya.




"Dahil kung pinagsabihan mo ng maayos hindi sana hahantong sa ganito wala sanang mangyayaring ganito " sabi niya.




"Bahala ka kung anong gusto mong paniwalaan magsamasama kayo" Sambit ko, saka ako  pumunta sa drawer ko at inayos ang mga gamit ko sa maleta dahil knowing Lisa alam kong tototohanin niya yung sinabi niya na uuwi kami ngayon at mas mabuti na ngayon tutal mukhang mas mahalaga pa yung isyu ng kaibigan niya kesa sa akin.



"Loraine can yun book me a flight back to philippines for two" rinig kong sabi niya sa secretary niya diba?? I told you hindi siya magpapapigil sa balak niya kahit na sino pa ang magsuffer.



Buong biyahe pauwi ng pilipinas ay hindi ko siya pinapansin kahit na noong pag tungtong namin ng airport ay hindi ko na siya inintay paglabas ko ay agad akong pumara ng taxi at umuwi bahala siya sa buhay niya alam kong hindi ako susundan noon dahil alam niyang pag may topak ako hindi niya ako pwedeng sabayan.



Nakakaasar kasi na parang mas mahalaga pa yung kaibigan niya kesa sa akin na lover niya kung ako ba magsasabi noon sa kaniya na umuwi siya pagnasa bakasyon siya uuwi siya ?? syempre hindi dahil sasabihin niya kasama niya yung pamilya niya at asawa niya.



"Hay nakakabadtrip" sigaw ko kaya naman tiningnan ako ng driver,  nawiwirduhan siguro saken saka ko lang narealize na nasa taxi nga pala ako.

End of Flashback



Habang nagmumuni muni ako ay tumunog ang phone ko tumatawag si Lisa kaya agad ko itong sinagot pero hindi ako nagsasalita dahil nga galit ako.



"Hello nakausap mo na ba si Irene anong sabi bakit niya raw ginawa yun?" tanong nito pero hindi pa rin ako sumasagot, napansin niya na wala akong planong sumagot at nagsalita ulit siya but this time ay galit na.



"For Pete sake Jennie wag mo akong bigyan ng silent treatment in fact kayo ang may kasalanan kaya dapat hindi ikaw ang magalit!!!" Galit na sermon niya sa akin.



"Bakit ba ako ang sinisisi mo Lisa ha?! my gosh magkasama tayo sa maldives tapos sasabihin mo kasalanan ko what is your basis anyway wala naman diba kaya wag mo akong sisihin!!" Sagot ko naman dahil naiinis na ako sa kanya sa paninisi niya saken.



"Pagsabihin mo yang mga kaibigan mo hindi mo kasi tinuturuan ng maayos kaya iyan palpak" Sabi pa niya.



"So lumabas din ang totoo na kaya mo ako sinisisi dahil feeling mo hindi ko tinuturuan si Irene my god Lisa, in the first place hindi ko tungkulin na turuan yang kabit ng kaibigan mo at parang ang labas ay ako pa ang may utang na loob" galit kong sigaw sa kanya saka ko pinatay ang phone sa inis ko. Nabitawan ko pa ito at nalaglag.




Tumingin muna ako sa harapan ko bago ko pulutin ang phone ko dahil baka may kasalubong ako, ng makita ko na wala ay agad kong kinapa ang phone ko sa baba.



"Fu*k nasaan na ba yun, nakisabay pa  naman ohh" sabi ko sabay silip silip sa daanan.



Mga ilang segundo rin akong naghahanap bago ko ito makita pero pagharap ko ay may kasalubong akong tricycle na may sakay na dalawang bata at ang tanging way na lang para hindi ko siya mabangga ay ang lumiko ngunit mababangga ako pero wala na akong choice para pareho kaming makaligtas kaya naman agad kong iniliko ang kotse ko at ibinangga ito sa pader.




Ang tangi ko na lamang narinig ay ang sigawan ng mga tao at bigla na lamang akong napapikit.






☆☆☆

The LIfe Of Mistress (Jennie, Rosé, Irene And Solar)Onde histórias criam vida. Descubra agora