~ FINALE ~

1K 18 3
                                    

IRENE



Nandito kami ngayon sa byahe papuntang airport ihahatid kasi namin si Solar kasama rin namin ang mga girlfriends namin malay ko ba sa mga ito bakit ayaw paiwan.




Si Solar ay nakaupo sa tabi ng driver sa likod naman ang mag asawang Jennie at Lisa, katabi sina Rosé at Jisoo Kami naman ni Seulgi ay sa likod van sasakyan nila Jennie ang ginamit namin pag hatid kay Solar.





Ilang oras din ang naging byahe bago kami nakarating sa airport alam nyo naman dito sa pilipinas traffic. Habang papasok sa airport ay biglang nagflashback ang lahat ng pangyayari sa buhay ko rito sa manila dito din kasi nagsimula sa airport na ito noong sinundo ako ni Jennie at Rosé  dito ko sila unang nakilala and the rest is history.





Hindi naging madali para sa akin ang lahat noong una dahil hindi madaling maging isang kabit lalo na't kabit ka ng kilalang tao pero nakayanan ko iyon sa tulong ng aking mga kaibigan at sa huli natagpuan namin ang taong talagang magmamahal sa amin ng buong buo at marami rin akong natutunan hindi lamang sa mga pinagdaan ko sa buhay pati na rin sa mga pinagdaan ng mga kaibigan ko ay marami rin din ako natutunan lalo na kay Jennie na pinatunayan na kailangan mo lamang talaga na maghintay ng tamang panahon at kung para talaga sa iyo ay para sa iyo kahit gaano pa katagal magiging sa iyo rin sa huli basta kailangan mo lamang maghintay.





Kay Rosé na ipinarealize sa atin na minsan akala natin yung pagibig na meron tayo ay iyon na talaga pero hindi naman pala, wala na tayong magagawa kung hindi tanggapin na lamang pero hindi natin alam na may mas makilala tayo na better at hindi tayo sasaktan.




Kay Solar na ipinadama sa atin na minsan talaga ay bubulagin tayo ng pagmamahal na hahamakin natin ang lahat para rito na akala natin na ang pagmamahal ay makikita lamang sa anyo na may partner ka pero ang pagmamahal din pala ay makikita sa mga taong nakapaligid sa atin.





At syempre sa kwento ko na itinuro sa atin na minsan may mga taong dadaan sa buhay mo para turuan ka na maging matatag at malakas pero hindi pa pala sila ang para sa iyo kung baga ginamit lamang sila para ihanda ka sa taong para sa iyo talaga para pag nakita mo na ang nakatadhana sa iyo handa kana at buo kana para rito.





"Magiingat ka roon yung mga bilin namin sa iyo wag mo kakalimutan " iyak na sabi ni Rosé na nagpabalik ng wisyo ko galing sa pagiisip inaalo naman siya ni Jisoo.




"Dadalawin ka na lamang namin doon hindi ko pa alam kung kelan basta magugulat ka na lamang kakatok kami sa iyong pintuan " sabi naman ni Jennie.




"Pero wag kayo magsasama ng mga jowaers ahh para naman malaya tayo" Sagot ni Solar sabay tawa, tiningnan kasi siya ni Lisa ng masama. Tumingin naman siya kay Jennie at hinihintay kung ano ang isasagot ng asawa niya.




"Sure no problem " sagot ni Jennie na nakapagpasimangot kay Lisa.



"Hon naman alam mo naman na di ako nakakatulog pagwala ka sa tabi ko" tampong sabi ni Lisa kay Jennie pero nakatanggap lamang ito ng irap kay Jennie kaya natawa kaming lahat.




"Hay naku aalis na nga ako at baka langgamin pa ako sa kasweetan ninyo! bye see you soon mga kapatid at kayong mga jowaers nila" sabay turo niya kay Lisa, Jisoo at Seulgi. "Pag nalaman kong pinapaiyak niyo sila papasunurin ko sila sa america at mag boboys hunting kami!!" Pananakot niya sa tatlo.




"Walang ganyanan" sabay sabay na sabi ng mga girlfriends namen. Na kinatawa nameng lahat.




"Oh siya guys, pasok na ko magiingat kayo lagi" paalam ni Solar at pumasok na siya sa loob ng airport.





Hindi kami umalis hanggat nakikita namin ang huling hibla ng buhok niya mamimiss namin siya sobra.




Ng makita namin na nakapasok na siya ng tuluyan ay lumakad na rin kami palabas.




"Jennie hindi na kami sasabay sa inyo nandiyan na rin ang sasakyan ni Jisoo pupunta kasi kami ng baguio anniversary ng parents niya doon na kami didiretso" paalam ni Rosé tumango lamang si Jennie bilang sagot kanina ko pa napapansin na parang masama ang pakiramdam ni Jennie siguro ay dinaramdam din niya ang pagalis ni Solar.





"Kami rin ni Irene hindi na kami sasabay ipinadala ko na rin ang sasakyan ko" sabi nitong katabi ko tapos naalala ko na ngayon nga pala ang punta namin sa Cebu dahil may aayusin siya sa isa sa mga negosyo niya roon at gusto niya ay kasama niya ako tumango lang ulit si Jennie bilang tugon.




Mga ilang sandali pa bago kami makalabas ng airport nagulat kami ng biglang nagtatakbo si Jennie papuntang cr kaya agad namin siyang sinundan ni Rosé sumunod rin naman sa amin yung tatlo.




Pagpasok ay nakita namin na nakasubsob si Jennie sa sink at suka ng suka kaya agad namin siyang inalalayan ni Rosé.




"What happen Jennie masama ba ang pakiramdam mo tell us anong nararamdaman mo" alalang tanong ni Rosé.




"I'm pregnant " sabi nito na ikinabigla namin lahat.




"What hon ? " Gulat na tanong ni Lisa so I assume hindi pa niya alam.




"Buntis ako" ulit pa nito.



"Kelan at saka paano" tanong ko.



"Nagpacheck up ako kahapon after natin magbonding kila Rosé dahil mabigat ang pakiramdam ko and the doctor said I'm pregnant! At duuh Irene may matris siguro ako at may sandata si Lisa para mabuntis ako" nagawa pa talaga magtaray ni Jennie.




"Sorry naman" nakangiti kong sambit.




"God magiging dada na ako" sigaw ni Lisa sabay yakap kay Jennie at ang kaninang malamyang mukha ni Jennie ay medyo sumigla na ng kaunti ngayon.




"Congrats sa inyong dalawa" bati namin sa kanila magiging isang buong pamilya na sila.




"My gosh magiging ninang na ako" sabi naman ni Rosé. Inalalayan naman ni Lisa ang asawa niya palabas ng cr at lumakad na kaming muli na nakangiti lahat.





What a blessing!!!




CODE #5: MAG HINTAY KA LANG AT DARATING DIN ANG PARA SAYO!!!






☆☆☆
Hanggang dito na lang guys!! Salamat sa mga nagbasa at nag abang sa story na ito.
Hanggang sa Muli 😘


The LIfe Of Mistress (Jennie, Rosé, Irene And Solar)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin