~ SPECIAL CHAPTER (IRENE)

1K 16 4
                                    



Kakatapos lang ng birthday ni Luca at kakauwi lang din namin ni Seulgi sa bahay niya kakalipat ko lamang dito ng nakaraang taon dahil gusto ni Seulgi na magkasama na kami sa iisang bahay.




Paguwi sa bahay ay dumiretso agad ito sa office niya kanina ko pa napapansin na kanina pa niya katext ang secretary niya nakita ko ito noong nasa kotse kami actually magdadalawang araw na na lagi niyang katext ang secretary niya pero pinagsasawalang bahala ko lang ito dahil baka tungkol ito sa negosyo.




Kaya ang ginawa ko ay umakyat na muna ako sa kwarto upang maligo at magpalit ng damit dahil pakiramdam ko ay naglalagkit na rin ako pagbaba ko ay nagtimpla lamang ako ng kape ni Seulgi at tumungo sa office niya.





Dahan dahan akong pumasok dito at kumatok pero walang sumasagot kaya naman pumasok na ako at wala siya sa lamesa niya kaya ibinaba ko muna ang kape sa table at tiningnan siya sa banyo nito.





"Hindi niya dapat ito malaman kaya sekreto lang natin ito Grace" sabi niya sa kausap niya sa phone.




"Oo sige hindi ko rin naman kaya na wala sa tabi ko" sabi pa niya na nagpahina ng tuhod ko kaya naman nakita ko na binaba na niya ang tawag at lalabas na siya kaya kahit na hinanghina ay tumakbo ako palabas at umakyat sa kwarto.





Pagpasok sa kwarto ay hindi ko na napigilan pa ang umiyak sobrang sakit akala ko ay hindi ako kayang lokohin ni Seulgi pero akala ko lang pala pareho lang sila ni Bogum lahat ng minahal ko ay niloloko ako.





Kaya bago pa man siya umakyat dito ay inempake ko na ang lahat ng damit ko napagdesisyunan ko na aalis na lamang ako pupunta na lamang muna ako kina Rosé o kay Jennie hindi ko kayang magtagal sa isang bahay kasama ang manloloko na katulad niya.





Habang nag aayos ng mga damit ko ay narinig ko ang mga mabilis na yabag kaya mas binilisan ko pa ang nagaayos ng gamit ko.




Binuksan ni Seulgi ang pinto ng kwarto ngunit hindi ko siya nilingon at pinagpatuloy ang aking ginagawa.





"Anong ginagawa mo?" tanong niya sa akin nilingon ko lamang siya na may blangkong mukha at nakita ko na galit na galit ang kaniyang mga mata.





"Iiwan moko?" tanong nito sa akin sabay lapit at hawak sa mga braso ko. Pilit ko inalis ang pagkahawak niya kaso mas malakas siya kaya hindi ko maialis ang pagkahawak niya.




"Bitawan mo ako Seulgi" galit na utos ko sakanya.




"Bakit ba nagkakaganyan ka babe wala naman akong ginagawa?"! 'sigaw nito pero hindi ko siya pinansin at ng matapos ako sa mageempake ay binitbit ko ito at lumabas ng kwarto naramdaman ko naman na nakasunod siya sa akin.





"Anong bang problema mo Irene aalis ka ng hindi man lamang ako kinakausap fuck!!!" sabi niya sabay bato niya ng base sa may hagdanan.




"Walang ginawang masama alam ko ng lahat Seulgi narinig kita sa opisina mo sinabi mo pa sa magaling mong sekretarya na hindi mo siya kayang mawala so tutal naman pala hindi mo kaya, ako na ang mag aadjust,  papalayain na kita para makapagsama na kayo" sabi ko at bumuhos nanaman ang aking luha. Nakita ko naman ang gulat sa kaniyang mga mukha pero di ko na pinansin iyon ganyan naman talaga ang mga manloloko maangmaangan.





"Ano sabi mo??" tanong niya.




"Wag ka ng magsinungaling Seulgi narinig ko na lang lahat kaya pala nitong mga nakaraang araw halos lagi kayong magkausap at busy ka hindi mo na nga ata namalayan na anniversary natin kahapon pero now I understand kung bakit" sabi ko sa kanya at lalabas na sana ng bahay ng biglang niya akong niyakap sa aking likod.




"Sorry sorry sorry "paulit ulit na sabi niya "Sorry kung iyon yung naramdaman mo sabi ko hindi kita papaiyakin at sasaktan pero tingnan mo itong ginawa ko sorry babe shit fuck kasalanan ko ito ehh" sabi niya at hinarap ko siya.





"Ok lang Seulgi pinapalaya na kita naiintindihan ko nakita mo sa kanya yung mga bagay na hinahanap mo kaya papalayain na kita" sabi ko, masakit man sa loob ko na palayain siya wala na akong magagawa matagal na niyang binabangit na gusto niyang magkaanak pero hanggang ngayon hindi ko pa siya mabigyan kaya siguro naghanap na siya ng iba.





"No babe shit! you don't understand eh " sabi niya na tarantang taranta.




"No Seulgi, I really understand alam ko na matagal mo ng gustong mag kapamilya at magkaroon ng sariling anak at hindi ko iyon maibibigay sa iyo dahil hindi pa ako ready  kaya naiintindihan ko" sagot ko sa kanya.




"Mukhang wala na akong magagawa " sabi niya sabay luhod kaya naguluhan naman ako.




"Ito ang lagi mong tatandaan Irene sayo ko lang gustong magkapamilya at wala ng iba pa oo matagal ko ng gusto magkakaanak pero gusto ko sa iyo lang, kung ang inaalala mo na naiinip na ako at wala pa tayong baby nagkakamali ka babe, kaya kong maghintay hanggang sa maging ready ka babe, yung narinig mong usapan namin ni Grace shit nahihiya ako paano ba ito may plano kasi akong nagpropose sa iyo at siya ang kasabwat ko pero mukhang hindi na makakapaghintay dahil sa namisunderstood mo,  kaya gagawin ko na dito baka iwan mo pa ako" Mahaba niyang explanation sabay labas ng isang maliit na kahon at binuksan ito tumambad saken ako isang diamond ring.




"Irene, I want to spend my life with you sa tabi ko kaya sana ay wag mo akong iwan.... Will you marry me?" tanong niya na mas lalong nag paiyak sa akin dahil hindi ko inaasahan ito.




"Yes, Seulgi! Yes Babe .. I will marry you" sabi ko sabay abot  niya sa kamay ko at isinuot saken ang singsing tumayo naman siya at niyakap akong mahigpit.




"Fuck babe tinakot mo ako doon, hindi ka kasi magtanong muna bago magdesisyon" sabi niya pero teka may naalala ako.




"Eh ano yung sinasabi mo na hindi mo kayang wala si Grace sa tabi mo" tanong ko sa kanya.



"Kasi balak na niyang umalis sa kompanya dahil magaasawa na siya pero nagbago ang isip niya dahil kailangan daw niya ng malaking kita" paliwanag niya kaya nalinawan na ako. Ang hirap mahing TH.



"Pasensya kana Babe nadala lamang ako ng damdamin ko " paghingi ko ng tawad sa kanya.



"Ok lang babe alam ko na ngayon kung paano ka magalit " biro niya sabay halik sa aking mga labi.



"Sige na ibabalik ko na itong mga gamit ko sa kwarto" sabi ko sa kanya.



"Sige tara na at tutulungan na kita at unahin na natin ang honeymoon  asawa ko" sabi nito sabay taas baba ng kilay niya. Bigla naman namula ang pisngi ko.



Pero bago pa ako makatalikod papuntang kwarto namin ay hinila niya ako pabalik sakanya.




"I love you IRENE BAE" Sabay halik niya sa noo ko.



Kinilig naman ako sa gesture niya. "I love you more SEULGI KANG" at hinila ko ang ulo niya para mahalikan siya sa labi niya. And we kissed passionately.





☆☆☆
HAHAHA Jusko ka Irene 😁

The LIfe Of Mistress (Jennie, Rosé, Irene And Solar)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum