CHAPTER 32

942 16 2
                                    

JENNIE



Tumawag ako kay Lisa at tawang tawa ako sa reaction niya dahil alam ko na habang sinasabi niya ang mga katagang iyon ay madaling madali ito sa pagpunta rito alam ko na kasalanan itong ginagawa ko pero patawarin sana ako ng panginoon pero mahal na mahal ko talaga si Lisa Ilang sandali pa ay dumating na siya at agad niya akong niyakap at panay halik sa aking noo.




"Lalabas na nga muna kami at baka pati kami ay langgamin dito tara na nga guyss" biro ni Rosé at lumabas na sila.




"Ilolock na rin namin ito at baka namiss ninyo ang isa't isa by the way Lisa pwede naman na raw sabi ng doktor pero
hinay hinay lang" dagdag pa ni Solar.




Totoo iyon kasi kanina tumawag sila ng doktor dahil nga nagising na ako sabi naman ng ng doktor na ok na ako at any time ay pwede ng lumabas pagkatapos ng check up at bago umalis ang doktor ang Solar ay tinanong kung pwede na raw ba ako makipagsex dahil daw parating ang girlfriend ko tumango lamang si doc at tumawa nalang ako sa kalokohan ng kaibigan ko napayuko at hiyang hiya sa mga pinagagawa ng mga to!.





"I miss you and I'm sorry dahil sa akin naaksidente ka" sabi ni Lisa sabay halik sa aking labi ko.





"Namiss din kita at hindi mo naman kasalanan to, hindi mo naman ginusto ang nangyari kaya wag mo sisihin ang sarili mo" sabi ko rito sabay angkla ng mga braso ko sa leeg niya. "Nabasa ko na yung sulat mo" sabi ko sa kaniya at ngumiti ito.




"Nabasa mo na pala ngayon alam mo na kung gaano kita kamahal" sabi nito sabay halik sa aking ilong "Pero alam mong hindi pwede dahil may asawa ka nandiyan si Somi at siguradong magagalit siya pagnalaman nanaman niya ito" sabi ko naikwento na rin kasi sa akin nila Rosé ang nangyaring pagsugod ni Somi rito sa ospital.





Hindi sumagot si Lisa at may inabot lamang siyang envelope agad ko naman binuksan eto at noong nakita ko ay tumulo ang aking mga luha "Ngayon pwede na kitang ilegal" sabi niya sabay punas sa aking mga luha.




Hindi ako nakasagot dahil sa pagiyak ko kaya hinalikan at niyakap ko lamang siya hindi kasi ako makapagsalita dahil sa kasiyahan.




"Ngayon pwede na kitang buntisin at gusto ko pangbasketball team." biro nito habang nakayakap pa
rin ako sa kaniya.




Itunulak ko lamang siya bilang sagot at ang bugok tawa lang ng tawa sinabi ko naman sa kaniya na naiihi ako kaya naman agad akong inalalayan nito papasok sa cr dapat nga ay sasamahan niya ako hanggang loob pero sabi ko ay wag na at sinarado agad ang pinto dahil alam ko ang balak nito.




"Hindi nga hon ilan ang kaya mo?" sabi nito habang nasa loob ako ng cr hindi ko na lamang ito kinibo dahil alam kong hindi ito lulubay.




"Hon, baka naman sobrang losyang na ako pag isang dosena ang anak natin" Sambit ko.



"Maging losyang ka man ikaw pa din ang mahal ko at hinding hindi kita iiwan" sabay wink niya saken. Kinilig na lang ako, ang demeng kese elem neng Manoban nato!!!




"Kumain ka na nga lang, alam kong hindi ka pa nagdidinner" Sabayan ko raw siya at para may inspiration siya kada subo, baliw talaga to! Kaso wala din ako nagawa kahit kumain na ako ay sinabayan ko na din siya.





******



IRENE




Nandito kami ngayon sa garden ng ospital dahil hinayaan na muna namin sina Jennie at Lisa sapagkat siguradong namiss nila ang isa't isa.




"Buti pa si Jennie natagpuan na niya ang tunay na pag-ibig noh?!" sabi ni Rosé.



"Yah tunay na tunay na true love nila ang isa't isa tunay na
pagmamahal dahil naintay nila ang isa't isa" sabi naman ni Solar.




Napansin ko na tumahimik sila kaya tumingin ako sa kanila nagulat naman ako ng sa akin pala sila nakatingin



"Anong problema" tanong ni Rosé.


"Wala ok lang ako" tipid kong sagot.


"Wag nga kami Irene alam kong tungkol ito yan kay Bogum" sabat naman ni Solar.



" Kasi hindi pa rin kami nakakapagusap simula noong nangyari yung pagpunta namin ni Solar siguro hanggang ngayon ay galit pa rin siya" sabi ko sabay yuko dahil naiiyak na ako.



"Sinubukan mo na bang tawagan malay mo naman inaantay lang niya na ikaw ang mag approach sa kaniya" sabi sa akin ni Rosé sabay hagod sa aking likod.



Mga ilang sandali pa ay napagdesisyunan noong dalawa ng umakyat na pero sabi ko ay nag paiwan muna ako dito at hinayaan naman nila ako.



Habang nakatulala ay tinititigan ko ang phone ko bagong bili ito bigay ni Jennie dahil nalaman niya na binasag ni Somi ang phone ko, noong una ay ayaw kong tanggapin pero sabi niya ay hindi raw siya papayag kaya kinuha ko na rin pero yung sim nito ay yung sim pa rin ng dati kong phone dahil itinabi ko iyon noong binasag ang phone ko.



Lakas loob kong tinext si Bogum kahit alam kong baka galit pa rin ito sa akin hindi na ako umaasa na sasagot ito pero kasalanan ko naman kaya dapat ay hindi ako masaktan pero laking gulat ko ng umilaw ang phone ko hudyat na may nagtext at pagkita ko na si Bogum ito kaya agad kong binuksan ang message.



[Love]
"Magkita tayo bukas"


basa ko sa text niya.


Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot pero bahala na. Bumalik sa wisyo ang aking isipan ng tumunog ulit ang aking phone this time si Rosé ang nagtext at pinapaakyat na ako.



Bahala na kung anong mangyayari sa pagkikita namin ni Bogum.





☆☆☆

The LIfe Of Mistress (Jennie, Rosé, Irene And Solar)Where stories live. Discover now