CHAPTER 30

944 15 3
                                    

ROSÉ


Pagalis ni Somi ay agad akong tumakbo upang puntahan si Jennie samantalang si Irene naman ay tumawag ng doktor dahil baka kung ano ang ginawa ng babaeng yun kay Jennie sinabihan ko na rin si Solar at papunta na raw siya.




Pagpasok ko sa kwarto ni Jennie ay agad akong tumingin sa paligid kung may nagbago ba at nung nasigurado ko na wala ay lumapit naman ako kay Jennie tinignan ko kung may nagalaw ba sa kaniya.



"Rosé eto na ang doktor" sabi ni Irene pagpasok kasama niya ang doktor ni Jennie at pati na rin si Solar.




Tiningnan lamang ng doktor si Jennie sandali at sabi naman nito na wala naman daw nagalaw o nangyari kay Jennie, thanks God pero nakakapagtaka anong ginawa ni Somi rito at pinalabas pa niya kami.




"Ano bang nangyari?" Tanong ni Solar na nakapagpatigil sa aking pagiisip.



"Sumugod dito si Somi matagal na pala niyang alam na may namamagitan kay Jennie at Lisa kaya siya pumunta rito. Tapos ay ipinakaladkad niya kami palabas at naiwan siya magisa rito sa loob ng kwarto ang pinagtataka ko lang ay kung bakit nagpaiwan pa ito gayung wala naman siyang ginawa kay Jennie" Kwento ko dahil lubos talaga akong nagtataka.




"Baka naman di siya ganung kasama hindi siya pumapatol sa coma patient" sabi ni Irene.




"Knowing that girl war freak yun kaya malabong walang masamang balak yun lalo na at alam na pala niya na si Jennie ang kabit ng asawa niya siguradong may pinaplano iyon kaya kailangang nating mag ingat ng mabuti" Sambit ko.



"Nasabi nyo na ba ito kay Lisa?" Tanong naman ni Solar.



"Hindi pa I tried to call her, nang nakapasok na ako rito pero hindi niya sinasagot ang tawag siguro ay busy pa siya" Pero ilang sandali pa ay tumunog ang phone ko at nakita kong si Lisa ang tumatawag.



"Sorry hindi ko nasagot ang mga tawag ninyo may problema ba?" Tanong nito pagkasagot ko ng tawag niloud speaker ko naman para marinig din noong dalawa.



"Yung asawa mo kasi Lisa, si Somi sumugod dito sa ospital kanina" sabi ko rito ng dahan-dahan kasi baka mabigla ito.



"What anung ginagawa niya dyan at saka paano--  never mind, may ginawa ba siya kay Jennie?" Tanong ulit niya.



"Wala naman sabi naman ng doktor ay stable naman si Jennie pero natatakot kami na mas wala siyang ginawa dahil baka may balak siya kay Jennie" sabi ko rito na kinakabahan.



"Don't worry ako ng bahala kay Somi, basta wag nyo na lamang munang iiwan si Jennie mag isa sa ospital, sabi rin ng doktor niya any time baka magising na siya mabuting may madatnan siya sa tabi niya" Bilin niya na agad ko namang sinang ayunan.




Pagkatapos ng tawag ay nagpaalam na rin muna si Solar dahil marami pa raw siyang kailangan asikasuhin sa office kaya naman hinayaan nanamin siya.




Kumain na rin muna kami ni Irene dahil sa dami naming pinagdaan ngayong araw ay talagang napagod kami habang sarap na sarap kami sa aming pag nguya ay biglang may kumatok napabalikwas naman si Irene natrauma na siguro sa nangyari kanina.



"Ako na.. bantayan mo lamang si Jennie" sabi ko rito kasi baka mamaya ay mga tauhan ito ni Somi.





Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sinilip kung sino ang kumakatok nakahinga naman ako ng maluwag ng nakita kong nurse yung kumatok.





The LIfe Of Mistress (Jennie, Rosé, Irene And Solar)Where stories live. Discover now