CHAPTER 19

914 11 0
                                    

SOLAR



Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa kaiisip sa kawalangyaan na ginawa ni Byul sa akin alam ko naman sa sarili ko na wala akong karapatan magrant dahil yung tunay na asawa nga tahimik lang tapos ako putak ng putak pero fu*k masisi mo ba ako para niyang nilalaro yung isa pang laro ganun yung pakiramdam ko.




Kaya ngayon ko itutuloy yung balak ko na sugudin siya sa bahay nila mahuli na kung mahuhuli ng asawa niya pero wala akong pakialam bahala siya.




Naghintay lang ako ng mga tanghali bago pumunta sa kanila dahil sigurado ako na nandoon yun ng tanghali dahil lunch time at may posibilidad na wala rin ang asawa niya sapagkat alanganing araw ngayon lunes.




Kalahating minuto lamang ang binyahe ko bago ako nakarating sa bahay nila dahil malapit lang naman ito sa condo ko kaya pagkarating ko ay dali dali ako bumaba at kumatok sa gate nila malaki rin kasi ang bahay ng hayop.



"Byul hayop ka lumabas ka diyan" sigaw ko kaya agad akong nilapitan ng guard.



"Madam wala po si Senator Moon dito" Sambit ng guard.



"Hindi ako naniniwala ilabas mo yung hayop mong aamo... Byul lumabas ka diyan" sigaw ko pa rin at kalampag sa gate nila.




"Madam wala nga po si Senator Moon maniwala po kayo" paguulit ng guard.




"Hindi nga ako naniniwala hayop siya lumabas ka diyan" pagwawala ko pa din. Bibitbitin na sana ako ng guard palayo pero pinigil siya ng asawa ni Byul na si Hwasa.




"Bitiwan mo siya Cardo ako ng bahala sa kaniya iwan mo na kami" Utos niya sa guard nila.




"Totoo ang sabi ni Cardo wala rito si Byul nasa Senado pa siya pumasok ka muna" dagdag pa nito pagalis ng guard.




Pagpasok namin ay nakita ko ang malaking painting ng magasawang Moon kasama ang dalawa nilang anak.




"Alam ko na kilala mo naman na ako pero magpapakilala pa rin ako ako nga pala si Hwasa... MRS. HWASA MOON  asawa, legal na asawa ni Senator Byul" Pagyayabang niya at inaya ako sa sala.




"Alam ko rin kung bakit ka nandito dahil nalaman mo na may bagong kabit si Byul hindi ba nakita mo siya sa mall" sabi nito na ikinagulat ko dahil paano niya nalaman ang lahat.




"Wag ka ng magtaka alam ko lahat actually alam ko rin na may nangyari sa inyo sa paborito niyang restaurant noong kumain kami kasabwat mo pa nga yung Irene hindi ba yung food vlogger" dagdag pa niya.




"Hindi na bago ito kay Byul simula nung naging magasawa kami six years ago nambabae na siya girlfriend ko pa nga lang ata siya nambabae na siya at hindi na rin ako nagulat na magiskandalo ka dahil hindi naman ikaw ang una" dagdag pa nito.



"Pero bakit nakakayanan mo?" Hindi ko maiwasang tanong.




"Dahil mahal ko siya, dahil sa pamilya ko, ayaw ko kasi na lumaki ang mga bata na broken family gusto ko na hanggang mag-asawa sila ay buo ang pamilya nila hanggat dito umuuwi si Byul at hanggang ako ang inuuwian niyang asawa kakayanin ko at hindi ako magrereklamo" Sagot niya.




"Hindi kaba nasasaktan?" Tanong ko ulit sa kanya.




"Nasasaktan syempre gabi gabi kong tinatanong sa sarili ko ano bang kulang sa akin para gawin niya ito sa akin pero naiisip ko rin na siguro nature na niya talaga iyon at kailangan kong tanggapin dahil nangako ako sa Panginoon na mamahalin ko siya habang buhay" Sagot ulit niya.


Mararamdaman mo sa bawat sagot niya na napakatibay niyang babae dahil kahit na nasasaktan ay kinakaya niya ang lahat para sa pagmamahal niya at sa pamilya niya.



Pagkatapos namin magusap ay agad akong umalis at umuwi sa bahay noong una ang balak ko sana pagkasugod ko sa bahay ni Byul ay magbabar ako pero kinatamaran ko na nais ko lamang magisa ngayong gabi habang nakahiga ako sa kama ay tumunog ang phone ko ng tingnan ko ito ay nagtext si Byul at nakikipagkita pero hindi ko ito sinagot patuloy lamang ang pagtunog nito hanggang sa tumawag na siya pero hindi ko pa rin sinasagot.




Nagiisip ako binabalikan ko ang lahat ng nangyari sa buhay ko kung bakit nga ba ako humantong sa ganitong buhay siguro kailangan ko lamang ituon ang sarili ko sa ibang bagay sakto at pinapasamahan ni Jennie si Irene sa mga susunod na araw dahil aalis siya kaya naman hindi ko na muna iisipin ang pagiging buhay kabit ko. Iisipin ko muna ang sarili ko maglilibang at mageenjoy na muna ako.






☆☆☆

The LIfe Of Mistress (Jennie, Rosé, Irene And Solar)Kde žijí příběhy. Začni objevovat