Chapter 29

838 20 1
                                    

SOMI



Matagal ko ng alam ang namamagitan kay Lisa at Jennie nalaman ko itong nong isang taon pa pero dahil gusto kong masalba ang marriage namin ng asawa ko ay hindi ko pinaalam sa kaniya na alam ko na at patuloy ko pa rin siyang minahal.


Flashback

One year ago......


"Cindy can you book me a flight papuntang Hawaii" utos ko rito at kahit na alam kong gustong gusto na niya akong tanungin kung bakit ako pupunta ng Hawaii ay sinunod na lamang niya ang inuutos ko.



"Ok na po maam your flight po ay 7 in the morning tomorrow" sabi nito.  Pupunta ako sa Hawaii para sundan ang asawa ko at alamin kung totoo ang hinala ko tungkol sa mistress niya.



Kinabukasan ay maaga akong umalis para sa aking flight papuntang Hawaii hawak ko ang kapirasong papel na naglalaman ng hotel na tinuluyan ni Lisa ayon sa imbestigador na na hire ko.



Nang makarating ako sa Hawaii ay nilulukuban ako ng kaba at sakit dahil paano kung totoo ang hinala ko pero kailangan kong magpakatatag kung totoo man ito.



Nasa labas pa lamang ako ng hotel ay nakita ko na agad si Lisa na naliligo sa dagat ngunit laking gulat ko ng makita ang isang pamilyar na pangangatawan bigla naman humarap ang kasama niya at hindi ako makapaniwala sa nakita ko si Jennie.




Sa loob pala ng maraming taon ay hindi ko pa rin napalitan si Jennie sa puso niya hanggang ngayon pala ay siya pa rin ang mahal niya, habang tinitingnan silang masayang naghaharutan ay tuloy tuloy na tumulo ang aking mga luha hudyat na sobra akong nasasaktan.



Gustong gusto ko silang lapitan upang sabihin na mga walanghiya sila pero hindi ko magalaw ang aking mga paa, sa sobrang sakit ng aking nararamdam feeling ko anytime ay babagsak na lamang ako sa kinatatayuan ko.


Akala ko noong una ay handa na akong harapin ang mistress ni Lisa kung sino man siya akala ko masasabunutan ko siya at mumurahin pag nakita ko sila pero tingnan mo nga naman halos hindi ako makagalaw ngayon dahil nilulukob ako ng sakit na nararamdaman ko hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi ng pilipinas nang araw din yon.



Pero isa lang ang alam ko kailangan kong gumanti at hinding hindi ako papayag na maagaw siya sakin.


End of Flashback



Alam kong ang tanga ng ginawa ko dahil maari ko na sanang sabihin ito sa kaniya upang hiwalayan na niya si Jennie pero kilala ko ang asawa ko mas lalo lang akong iiwan nito pag nagmatigas ako at inaway siya.




War freak ako totoo iyon inaway ko nga yung secretary niya dahil akala ko siya ang kabit ng asawa ko naging ganito lang naman ako dahil ayoko ng niloloko at sa sobrang pagmamahal ko sa kanya.



Tinignan ko ang nakahigang katawan ni Jennie sa hospital bed napakaamo ng mukha niya pero may bahid pa din ang  pagkapalaban niya,  no wonder kaya sobrang baliw sakanya ang asawa ko. Matagal ko nang kilala si Jennie college pa lang dahil kaklase ko ang kuya niya at sino ba naman ang hindi makakakilala sa paboritong apo ng Don Yang Suk Kim at lalo pa siyang naging kilala noong pumasok siya sa fashion industry.



"Hi Jennie, kamusta kana?" Tanong ko sakanya kahit alam kong hindi siya sasagot.



"Dapat ngayon sinasampal kita sinasabunutan, minumura at inaaway pero wala naman akong magagawa dahil hindi mo naman mararamdaman at maririnig, actually pwede naman na kitang patayin ngayon para makaganti pero hindi ko dudumihan ang pagkatao ko para sa iyo" hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko habang sinasabi sa kaniya ang mga salitang iyon.




"Alam ko naman na sa simula pa lang ng laban na ito na kahit hindi ka lumaban ikaw na ang panalo mas mahal ka niya eh, college pa lang ikaw na ang bukang bibig niya sa kuya mo pero pinilit ko pa ring lumaban nagbakasakali pa rin ako na baka mahalin niya ako dahil kaya ko naman ibigay sa kanya ang lahat pero hindi pa din pala. Dahil tingnan mo nakagawa pa rin siya ng paraan para mapasakanya ka. Mahal ko siya Jennie mahal na mahal kaya hindi ko siya isusuko kung kailangan kong lumaban hanggang sa huli gagawin ko isasalba ko ang kahit paanong pagmamahal niya sa akin" dagdag ko pa habang patuloy pa rin sa pag iyak.




"Hindi ko alam kung kelan at paano pero babawiin ko siya Jennie, kahit na alam kung wala akong laban at malaki ang pagasa na matalo ako sa huli kasi tingnan mo naman nakahiga ka lang diyan at hindi lumalaban pero ikaw pa rin ang mukhang mananalo ang unfair noh?!..." Sabi ko pero biglang natigil ang pagsasalita ko ng may nakita akong papel sa ilalim ng unan niya kaya agad ko itong kinuha. Isa itong sulat na galing kay Lisa dahil may initial niya ang labas ng sobre kaya agad ko itong binukasan at binasa habang binabasa ko ito ay naramdaman ko ang panghihina at pagkatalo ko.



Pagkatapos kong basahin ang sulat ay ibinalik ko ito sa ilalim ng unan niya, sabi ko kanina ay lalaban ako at hindi ako susuko pero habang binabasa ko ang sulat ay naramdaman ko na wala na akong magagawa pa at talong talo na ako.



Masakit man sa loob kong tanggapin ang lahat pero siguro nga wala na akong magagawa pa ang pinakamagandang gawin ko na lamang ay ang magpaubaya para hindi na masaktan pa ng sobra, siguro nga dapat matagal ko ng ginawa iyon dahil una pa lang naman alam kong ako lang ang nagmamahal sa aming dalawa.



Inayos ko ang sarili ko at pinunasan ang mukha ko. Agad akong lumabas at tumungo sa fire exit para puntahan ang mga tauhan ko at pakawalan sila Rosé.



"Walanghiya ka Somi anong ginawa mo kay Jennie?" Galit niyang sabi saken, pero hindi ko ito pinansin at agad na lumabas at umalis.



Habang naglalakad ay iniisip ko kung tama ba itong aking gagawin dahil alam kong wala ng bawian ito alam kong kung gagawin ko ito ay isusuko ko na ang lahat.



"Cindy nagawa mo ba iyong inuutos ko kanina?" Tanong ko sa secretary ko.


"Yes Madame nasabi ko na po sa ospital na walang lalabas na news about sa nangyaring gulo kanina at sa oras na lumabos iyon ay ipapasara ninyo ang buong ospital at mababan lahat ng trabahador sa kahit ano mang trabaho" Sagot niya.


"Good" tangi ko lamang sagot sabay tingin sa bintana ng aking sasakyan, feeling ko naubos na lahat ng lakas ko.


"Sa bahay na po ba tayo madame" tanong sa akin ng driver ko.


"Hindi dumeretso tayo kay Attorney Guettierez may aayusin lang ako" sabi ko sa kanya, habang may luhang pumatak sa aking mga mata.


Gagawin ko ito Lisa, dahil Mahal na Mahal kita.





☆☆☆

The LIfe Of Mistress (Jennie, Rosé, Irene And Solar)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon