CHAPTER 6

1.3K 26 1
                                    

JENNIE


It's Sunday at ngayon ng umaga ko naisipang ipakilala si Irene sa mga kaibigan ko kaya dadalhin ko siya sa bahay nila Rosé dahil nakaugalian na namin na tuwing linggo ay bonding naming magkakaibigan. Nasa byahe ako ngayon papunta sa condo ni Irene para daanan siya may sarili naman siyang kotse na bigay ni Bogum pero dahil hindi pa nga siya sanay magdrive sabi ko ay dadaanan ko muna siya.



Actually ako din naman hindi sanay magdrive kaya nga kinuha ako ni Lisa ng personal driver. Tinext ko na lang  Irene na bumaba na lang siya at hindi na masayang ang oras tsaka malapit na ako.




Nang makarating na ako sa building ng condo ni Irene ay nakita ko siyang nakatayo sa may labas at naghihintay sakin sa may waiting area. Habang tinitingnan ko siya hindi ko maiwasan hindi manghinayang napakainosente kasi ng mukha niya no wonder nagustuhan siya ni Bogum at parang hindi din naman nagkakalayo ang edad namin matanda lang siguro ako ng mga isang taon.




"Irene" tawag ko sa kanya sabay kaway para maagaw ang atensyon niya "Kanina ka pa naghihintay?" tanong ko dahil medyo namumula na ang pisngi niya dahil siguro sa pagkakabilad sa araw.



"Hindi naman medyo kadarating ko lang din saan nga pala tayo pupunta" tanong niya.



"Remember Rosé yung kasama ko sumundo sayo pupunta tayo sa bahay niya kasi Sunday ngayon bonding time natin masanay kana na ganito dahil every Sunday ay bonding time tayo " paliwanag ko sakanya.



"Ganun ba sige dapat pala medyo maganda ang sinuot ko" sabi niya sabay tingin sa suot niya na simple floral dress.



Actually ok naman ang suot niya bagay sa kanya pero dahil nga isa siyang mistress kailangan presentable siya tingnan para hindi siya iwan agad.



"Regarding that matter, about sa mga gamit mo tulad ng damit shoes at bags sinabihan ko na si Solar yung isa kong friend na samahan ka na mamili ng mga gamit mo siguro pagusapan na lang natin mamaya kung kelan" sabi ko sa kanya tumango naman siya sa sinabi ko pero kita mo sakanya na nabigla siya sa sinabi ko. "Nakita mo ba yung mga Atm's doon sa drawer malapit sa kama mo sayo iyon ...iyon ang gagamitin mo panggastos araw araw ang alam ko may half million na na deposit yung bank account mo kaya pwede ka naman na bumili na ng mga kailangan mo" dagdag ko pa.




"Hindi ba parang ang laki naman nun?" Tanong niya.




"Hindi malaki yun dear sa buhay na pinasok mo na ganito, Kailangan mo yun to sustain your lifestyle kulang pa nga yon eh" sabi ko sa kanya kasi totoo naman hindi naman madaling maging mistress no.



Mga ilang sandali pa ay nakarating na kami sa bahay ni Rosé at bakas sa mukha ni Irene ang paghanga sa bahay nito hindi ko din naman siya masisi dahil parang palasyo na sa laki ang bahay ni Rosé.



"Helooo..  friends" bati ko kay Rosé at Solar lumapit naman ang dalawa at  bumeso saken.



"Nga pala si Irene mistress ni Bogum" pagpapakilala ko kay Irene kay Solar.



Nang makapasok na kami ay dumerecho na kami sa sala at naupo.


"Kabit kayong lahat?" Inosenteng tanong ni Irene na ikinasamid ni Solar.



"Hahahhahaha" bigla naman kami natawang tatlo.



"Kami dapat yung asawa naunahan lang kami" pangaasar naman ni Rosé. "Im the Mistress of Mark Tuan" pakilala ni Rosé sa lover niya.



"You mean yung may ari ng Tuan's malls at The MT Resorts" gulat na paglilinaw ni Irene.



"Yes siya nga the one and only famous business man" pagyayabang pa ni Rosé.



"Siya ang pinakamayaman sa amin dahil suportado siya ni Mr. Tuan sa kahit anong luho at gusto niya" Sabi ko sa kanya.



"Oops my turn ako naman si Yong Sun Kim just call me Solar the one and only mistress of Senator Byul Yi Moon pakilala naman ni Solar.



"Ibig sabihin lahat kayo kabit ng mga kilalang tao?" tanong pa ni Irene na nagpatawa nanaman sa amin ni Rosé dahil si Solar ay bigla na lamang natulala pagkatapos magpakilala.



"No dear tayong lahat ay kabit ng mga kilalang tao kasama ka doon no?! mistress ka kaya ng future first gentleman ng bansang to" paglilinaw ni Rosé.




"Enough with that talk! Solar.... Solar.." pagtawag ko sa atensyon niya dahil nga tulala pa din siya.



"Yes" sagot niya sa pagbalik niya sa ulirat.



"Tulala ka na naman, nga pala samahan mo si Irene mamili ng mga gamit niya ha kayo na ang bahala magusap kung anong araw kayo aalis basta alam mo na Solar iwasan ang  mga stores na pinupuntahan ni Senator Hye kyo" paalala ko.



"Got it! ako ng bahala hindi naman siguro kuripot si Bogum pagdating sa mistress nya no?! sa laki ng pumapasok na pera sa kanya siguro naman hindi" sagot ni Solar sa akin, tumango na lang ako.



Natapos ang maghapon namin sa pag papamasahe at pagpapalinis ng kuko rito sa bahay ni Rosé kadalasan dito talaga namin ginagawa ang mga ganito dahil iniiwasan nanamin ang pagpunta sa mall upang hindi na namin makasalamuha ang mga legal wife.




"Nga pala Jennie may mga darating daw na bagong alahas si Matilda bukas, papadaanin ko ba siya sa shop mo para makapili ka?" Tanong sa akin ni Rosé actually ito talagang si Rosé ang pinakamaluho sa amin makikita mo iyon sa kanyang pananamit pero gaya nga ng sabi ko dahil suportado siya ni Mark kaya go lang ng go si Rosé.




"No problem padaanin mo sa shop kailangan ko din bumili ng relo malapit na ang anniversary namin ni Lisa" sabi ko, relo na lamang ang naisip kong iregalo sa anniversary namin ni Lisa para di mahalata ng asawa niya sa dami ba naman ng relo niya hindi na mahahalata ng asawa niya na may bagong siyang relo.




"Mga friend wag ninyong kakalimutan yung invitation ni Senator Franz.  Sa susunod na linggo na iyon remember birthday ng asawa niya" Remind ni Solar samen.




"Yah Hindi ko makakalimutan yun dahil sa akin nag pagawa yung asawa noon ng damit for the party" sagot ko naman kay Solar.



Ganito lang ang buhay namin sapagkat Hindi naman pwedeng ihayahay ang sarili namen mahirap na baka may makatunog ang alam lamang ng mga tao sa paligid namin ay successful kami sa mga larangan na pinasok namin kaya kami maraming pera hindi nila alam na ang pera na ito ay galing sa mga taong ginawa lang kaming pangalawa.




CODE 3: AVOID THE SHOP OF THE LEGAL WIFE...






☆☆☆

The LIfe Of Mistress (Jennie, Rosé, Irene And Solar)Onde histórias criam vida. Descubra agora