CHAPTER 36

937 15 1
                                    


IRENE



One week to go at kasal na ni Jennie at Lisa kaya nandito kami ni Solar sa mall para bumili ng heels namin kasi abay kami yung damit naman ay si Jennie na ang may sagot.




Halos isang oras na nga kaming nandito at nagiikot ikot wala pa rin kaming mapiling brand at style ng heels actually sa akin naman kahit ano at hindi rin naman ako maselan specially ngayon na hiwalay na kami ni Bogum kailangan ko na magtipid sinabi ko nga kay Solar na sa department store ng SM na lang kami bumili para mura mura pero sabi nito na wag na raw ako mag alala pa at siya na ang gagastos.





Nabanggit ko na kasi sa kanila na hiwalay na kami ni Bogum, nakailang buntong hininga at lakas ng loob ang inipon ko bago ako nagkwento sa kanila todo iyak pa nga ako noong nagkwento ako sa kanila sabi rin ni Rosé kukunin daw niya ako sa company niya para raw may trabaho ako at perang ipapadala sa pamilya ko sa probinsiya.




Habang umiikot ikot kami ay may nakita ako isang bulto ng lalaki at isang babae na parang pamilyar maganda ang pangangatawan nito at matangkad at pagharap nito ay naalala ko na kung sino siya remember yung babae sa bar na nakaone night stan ko sa sasakyan.




Lumingalinga ito kaya naman dapat ay hihilahin ko na si Solar palayo pero huli na dahil nakita na niya ako unti unti itong ngumiti at mukhang lalapit pa sa amin.




"Solar doon kaya tayo sa side nayun parang may nagustuhan na ako sa shop doon" aya ko kay Solar para makalayo na.




"Teka lang Irene parang gusto ko na yung heels na yun ehh" turo niya sa heels sa tapat namin.




"Hindi Solar mukhang mas magugustuhan mo yung style diin, tara na please" pilit ko rito.



"Teka bakit ba parang madaling madali ka" takang tanong niya saken.



Magsasalita pa sana ako pero huli na ang lahat at nandito na ang ulupong na ito sa harap namin.



"Hi how are you? " tanong nito sa akin.



"Teka magkakilala kayo" tanong ni Solar



"Ahh oo kasi manan-- " Pero pinigilan ko siya at tinakpan ang bibig niya dahil mukhang balak niyang sabihin Kay Solar na may nangyari sa amin.




"Ahh oo nagmeet kami noong naghahanap ako ng trabaho" sabi ko kay Solar at sana ay kagatin ni Solar ang rason ko.



"Ok hindi ko alam na interesado ka pala sa wine business" sabi ni Solar so wine pala ang business ng ulupong na ito.




Sa totoo lang magandang gwapo siya at maganda ang pangangatawan, mukhang mayaman pero hindi pwede heart broken pa ako.




Noong naramdaman ko naman na parang nahihirapan na siyang huminga ay binitawan ko na ang bibig niya.



"Yong Sun Kim right from Holland Design?"  sabi niya sabay tingin kay Solar.




"Yes Ms. Kang ako nga" sabi naman ni Solar na mukhang nagpapacute pa di niya alam manyakis tong kaharap niya.




"Di nga pala ako nakapagpakilala sayo the last time na nagkita tayo My name is Suelgi Kang the owner of Kang Firm" pakilala nito sa akin.




"Nice to meet you Irene Bae" sabi ko naman kasi ayoko naman maging bastos.



Nakita ko naman na parang nagtataka si Solar base sa mukha niya ipapaliwanag ko na lang siguro mamaya sa kanya.



Lumapit ito saken at bumulong "I Miss You"




"Ahm, Ms. Kang we have to go marami pa kasi kaming gagawin" sabi ko sabay tulak ng mahina rito.




"Call me if your free" Pahabol pang sabi niya sabay abot ng calling card niya ayoko pa sanang abutin kaso nakakahiya naman baka sabihin nito bastos ako kaya kinuha ko na lang itatapon ko na lang ito mamaya dahil wala naman akong balak tawagan siya. Kahit alam kung ang dami ng gustong tanungin ni Solar sa akin tahimik pa rin siya hindi kasi sila yung klase ng kaibigan na nagtatanong inaantay nila na ikaw ang magkwento.




"Magtanong kana" sabi ko sa kanya habang naglalakad kami pabalik doon sa store ng nagustuhan kong heels.



"Paano kaya nagkakilala" tanong niya, sabi na nga ba't hindi to naniwala sa sinabi ko kanina.



"Ah - An-Ano kasi diba noong gabi na nakipaghiwalay si Bogum sa akin nagbar ako tapos ayun doon ko siya nakilala" sabi ko sa kanya.



"Iyon lang?" Tanong nito sabay tingin sa akin ng mapangasar.



"Oo" tipid kong sagot kahit na hindi.


"Totoo?" sabi niya na hindi naniniwala.


"Ok ok oo na may nangyari sa amin" pagamin ko.



"Ok" sabi nito sabay ngiti sa akin natawa na lang ako sa reaksyon niya.



Pagkatapos namin mabili yung mga kailangan namin ay kumain kami sa paborito naming restaurant tapos ay nagpasalon lang din kami pagkatapos. Si Rosé kasi hindi nakasama at busy daw sa negosyo malamang magpapa service na lang iyon.



"Irene hindi na kita maihahatid pauwi kasi may dadaanan pa ako malalayo kasi ako pag hinatid pa kita" sabi ni Solar noong papalabas na kami sa mall.



"Ok lang Solar no worries kaya ko naman na ang sarili ko" sabi ko sa kanya bumeso lang ito sa akin at umalis na.



Ilang oras na akong nagiintay ay wala pa ring taxi hindi ko alam kung malas ba ako pero biglang may humintong puting kotse sa harapan ko.



"Tara na ihahatid na kita" sabi nito pagbaba ng bintana niya pagkasilip ko ay si Seulgi pala.




"Hindi na maghihintay na lang ako ng taxi baka mapalayo kapa" sabi ko sakanya sabay linga linga ko, lintek naman kasing taxi ngayon pa mga nawala.




"Alam ko kanina kapa naghihintay at mukhang walang dadaan na taxi kaya tara na" pangungulit pa nito pero hindi ko siya pinapansin.



Mga ilang sandali ay may taxi na dumaan pero ang ulupong bigla ba naman sinabi na hindi ako sasakay kaya umalis tuloy yung taxi "Ano kaba umalis tuloy yung taxi eh di dapat nakasakay na ako ngayon" sigaw ko sa kanya pero hindi naman ganun kalakas.



"Ako na nga ang maghahatid sayo pauwi bakit ba ayaw mo" sigaw din niya.



"Wag mo kaya akong sigawan" sabi ko naman.



"Ahh ayaw mong sumabay sige ako ang magsasakay sayo" sabi niya tatakbo na sana ako pero bigla niya akong nahabol at binuhat papasok sa loob kaya wala na rin akong nagawa kung hindi magpahatid.




"Bago kita ihatid may dadaanan lang ako sa bahay " sabi nito habang nagdidrive tumango lang ako bilang tugon.




Mukhang mahaba habang byahe pa ito dahil traffic kaya naman napagdesisyunan ko na matulog muna.




☆☆☆

The LIfe Of Mistress (Jennie, Rosé, Irene And Solar)Where stories live. Discover now