CHAPTER 18

939 23 1
                                    

JENNIE


Nandito pa rin kami sa mall at hindi pa umuuwi nagpapalipas lang din ako ng oras dahil hindi na ako uuwi at ididretso na ako sa dinner date namin ni Lisa.


"Mga friend alam niyo ba parang nakita ko si Byul kanina" sabi ko sa dalawa na nanunuod ng kung anu-ano sa phone nila.


"Oh.. ehh bakit hindi mo sinabi kay Solar kanina? pero sabagay ok na rin yun kasi knowing Solar pagnakita niya si Senator magwawala iyon at gagawa ng gulo" sagot naman ni Rosé.


"Bakit ganun ba kawar freak si Solar?" tanong ni Irene.


"Eto one time noong hindi pa si Senator ang partner ni Solar at ang boyfriend niya ay talagang single alam mo ba na sinugod namin yun sa mall dahil lang nakita niya sa social media na may nagpicture na may kasamang ibang babae edi kami naman itong supportive friends sinamahan namin kahit hindi namen alam kung bakit ba namen susugurin yung lalaki, nagpaliwanag siya sa amin noong nakasugod na kami at napahiya ikaw na magdugtong ng kwento Jennie bilis bilis" Pagpasa saken ni Rosé at abala na siya sa ginagawa sa phone niya.



"Edi ayon na nga sinugod namin yung guy sa mall nakita namin siya sa isang cafe talagang walang preno si Solar noon at talagang pumasok kami sa cafe ng walang sabi sabi at sinabunutan niya yung girl at dahil patago lang ang relasyon nila noon kahit single yung lalaki pagkatapos nalaman laman namin na kapatid pala iyon noong guy and then boom nabalitaan na lang namin na hiwalay na sila kinabukasan" dugtong ko sa kwento ni Rosé.




"Inshort hindi siya nagiisip ng mabuti bago siya kumilos masyado siyang affected sa mga bagay bagay sa paligid niya pero kahit ganun naman iyon eh mahal na mahal namin iyon at ayaw namin siya nakikita na nasasaktan kaya in the end kahit na mali siya minsan ehh fully support pa rin kami sakanya" Dugtong pa ni Rosé na nagpatango kay Irene.



Actually totoo naman yung sinabi ni Rosé eh. Na kahit na minsan kontra kami sa mga ginagawa ni Solar ay sa huli nasa likod pa rin niya kami at nakaalalay dahil kami na lamang ang kaibigan ni Solar at mahal na mahal namin yun at iyon naman talaga ang isa sa mga essence ng pagiging magkakaibigan diba yung magsasabi sayo kung kelan ka dapat tumigil kasi mali na pero may katigasan din kasi ang ulo ni Solar at talagang naman hindi ito nakikinig ng madalas.



"Pero kasi parang nakita ko na may kasama itong babae at sigurado akong hindi ito yung asawa niya" Sambit ko sa kanila na nagpababa sa mga phone nila.



"Ano ibig sabihin may bago si Senator?" Tanong ni Irene.


"Shit hindi ito pwedeng malaman ni Solar dahil siguradong
malaking gulo ito" Singit naman ni Rosé.


"Kaya dapat nating ihanda si Solar sa mga possibleng mangyari dahil siguradong masasaktan siya at kikilos nanaman iyon ng hindi nagiisip" advice ko sa kanilang dalawa.



Kaya nagplano kami kung paano sasabihin kay Solar ang lahat at paano siya papayuhan sa mga dapat niyang gawin inabot din siguro kami ng mga dalawang oras bago namin napagdesisyunan na umuwi pero ako ay dumeresto na sa restaurant na tinext ni Lisa sa akin.


******


"Good evening po Mam" bati sa akin ng waiter pagpasok ko sa restaurant.


"Good evening din reservation for Senator Lisa Manoban?"
sagot ko naman dito.


"Ahh Ms. Jennie Kim... Dito po tayo kanina pa po kayo inaantay ni Senator" sabi naman noong waiter sabay guide sa akin actually gwapo yung waiter pwede na hahahha chaar lang.



The LIfe Of Mistress (Jennie, Rosé, Irene And Solar)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon