CHAPTER 26

846 13 1
                                    

SOLAR


Ako ang nakatoka ngayon kay Jennie na magbantay sa ospital kaya maaga akong gumising at umalis dahil baka kailangan na ring umuwi ni Lisa marahil ay hinahanap na ito ng asawa niya.



Hanggang ngayon ay sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa nangyari hindi pa kami nagkaayos bago nangyari ang aksidente na ito kaya lalong mabigat ang loob ko pero naisip ko na tama si Rosé hindi na dapat kami magsisihan dapat ang gawin namin ay magpakatatag para kay Jennie.



Pagdating ko sa kwarto ni Jennie nakita ko na kagigising lamang ni Lisa, doon siya sa sofa natulog naeextend naman kasi ito at nagagawang malaking kama, nang makita ko ang pag aaalaga ni Lisa ay nainggit ako kay Jennie, don't get me wrong hindi ito yung inggit na gusto ko mapunta yung sa kaniya sa akin, naiiggit ako na sana katulad niya ako sa lahat ng bagay, kasi nakikita ko na mahal talaga siya ni Lisa dahil hindi ito magtitiis ng ganito kung hindi niya ito mahal pero sa maling panahon at oras nga lamang sila nagmahalan dahil nakatali na si Lisa kaya sayang ang pagmamahalana nila.




"Lisa, magpahinga kana ako ng bahala dito mamaya naman ay nandito na rin sila Rosé at mukhang hindi ka naman nakatulog ng maayos" Sambit ko sakanya.



"Okay, uuwi na muna ako pero bago iyon ay lilinisan ko muna si Jennie nagpabili ako sa driver ko kagabi ng damit na maaari niyang isuot ngayon" sabi nito tumango na lamang ako bilang sagot.



"Ang alam ko ay dadaan muna sila Rosé sa condo ni Jennie upang kumuha ng ibang damit niya" sabi kong muli sakanya at baka kumuha rin siya ng damit sa condo niya magkadoble doble pa.



Hindi na siya sumagot pa at nilinisan na niya si Jennie nakaupo lamang ako rito sa sofa at pinapanuod sila wala naman kasing akong magawa ayoko naman manuod ng tv at baka mabadtrip lang ako sa mapanuod ko.



"Alam mo ba matagal ko ng sinasabi sa kaniya na bumili na siya ng sarili niyang bahay kahit doon sa tabi ng bahay ni Rosé pero ayaw niya sabi niya ay magisa lang naman daw siya kaya ok na raw siya doon" biglang kwento ni Lisa sa akin siguro ay para mabasag ang katahimikan.




"Alam mo naman yang si Jennie kuripot and besides ayaw niya ng masyadong magastos" Pagbibiro ko. "Sinasabi na nga namin na umuwi na lamang siya sa kanila dahil magisa nga lang siya sa condo pero ayaw daw niya dahil daw.---." Dagdag ko pa pero agad na pinutol ni Lisa.




"Dahil sa akin, Sigurado kasi pag umuwi siya ay hindi na kami makakapagkita dahil nandoon ang kuya niya at magagalit ito sa aming pareho sa pinaggagawa namin" Pagtutuloy niya sa sasabihin ko, hindi na lang ako kumibo dahil hindi ko naman alam ang isasagot ko.




Pagkatapos na linisan ni Lisa si Jennie ay nagpaalam na itong uuwi dahil kanina pa raw nagtetext ang asawa niya nagiwan naman siya ng pera pambili raw kung may kailangan dito sa ospital pagbukas ko ng sobre ay nagulat ako dahil 100,000 sinabi ko nga sa kaniya na wag na at parang napakalaki naman ng pera na ito, pera raw nila ni Jennie iyon dahil nagiipon daw siya para kay Jennie, kaya wala ng akong nagawa kung hindi kunin ito mukhang hindi rin naman papayag si Lisa na hindi ko ito kunin.




Mga ilang oras din akong nanood ng tv at ibinalita na rin ang aksidenteng nangyari kay Jennie at isang oras pa lamang ang nakakalipas noong ibinalita ito ay daang daang fruit basket na ang kanina pa dumadating dito.




"Jennie, gurl, sis, bes"  tawag ko sa kaniya sabay upo sa tabi niya.




"Sorry ahh kung lagi akong pasaway at lagi na lamang tayong nagaaway" pag kausap ko sa kanya kahit alam kong hindi siya sasagot.



"Alam kung minsan gusto mo na akong sukuan at nakakapagsabi ka ng masasakit na salita, inaaamin ko nasasaktan ako madalas sa mga sinasabi mo dahil pakiramdam ko ay lagi na lamang akong mali at ikaw na inaasahan kong kakampi ko ay hindi ako kinakampihan pero alam ko namang kaya mo iyon ginagawa ay dahil gusto mong iparealize sa akin ang mga mali ko " pagpapatuloy ko, alam kong kung gising siya ay binatukan na ako ni Jennie dahil sa mga pinagsasabi ko. Sasabihin nito na "matagal ko naman na sinasabi sa iyo lahat ng iyan pero hindi ka nakikinig tingnan mo kung ano nangyari sa iyo bula lang ba ang sinabi ko" natawa ako ng bahagya ng maimagine ang boses ni Jennie habang sinasabi ang mga salitang iyon para na akong tanga.




Habang patuloy sa pagkausap at pagiyak sa tabi niya ay may kumatok sa pinto baka isa nanaman ito sa mga delivery ng prutas pero pagbukas ko ay si Rosé at Irene pala kaya agad akong tumalikod para hindi nila mahalata ang mga mata kong mugto dahil sa kakaiyak.



"Umiiyak ka na naman Solar? " tanong sa akin ni Rosé pagpasok.



"Hindi napuwing lang ako, nga pala anong gagawi  natin sa mga prutas na ito ang dami na" pagiiba ko sa usapan sabay turo sa mga basket ng prutas.



"Yung iba siguro ay itabi natin para paggising ni Jennie ay may kakain siyang prutas yung iba ay ipadala natin sa ampunan na sinusuportahan ni Jennie" Advice ni Rosé.



"Sige ipapakuha ko na lamang ito sa driver niya at ipapaayos ko samahan mo nga ako Irene sa baba para matawagan ko ito wala kasing signal dito" Aya ko kay Irene.



Pagbaba namin a dumiretso kami sa garden doon kasi malakas ang signal at maganda din ang view dito.



"Grabe pala no ang dami palang nakakakilala kay Jennie" Biglang sabi ni Irene pagkaupo namin.




"Kilala talaga pamilya ni Jennie, hindi pa man siya designer ay marami ng nakakakilala sa kanya kilala siyang bilang paboritong apo ng yumaong Don Yang Suk Kim kahit alam nila na si Jennie ay baliko, ay mahal na mahal pa din nila ito kaya siguradong kung buhay si Don Yangsuk at nangyari ito siguradong nasa ibang bansa na si Jennie ngayon dahil doon ipapagamot ito" kwento ko.



"Paano nga pala kayo nagkakilala ni Jennie?" Tanong niya sa akin.


"Magkaibigan na sila ni Rosé noong nagkakilala kami sa isang party para sa mga Senator, bagong mistress pa lamang ako ni Byul noon at sila naman ni Lisa ay magiisang taon palang si Rosé naman ay hindi pa sila ni Jisoo noon" sagot ko sa tanong niya.



Sa tanong niya na iyon ay napakadaming bumalik na ala-ala sa akin lalo na yung kung paano kami nagkatagpong tatlo natulala na lamang ako at isinalaysay kay Irene ang detalyadong kwento kung paano kami nagkakilakilala.





☆☆☆



The LIfe Of Mistress (Jennie, Rosé, Irene And Solar)Where stories live. Discover now