CHAPTER 27

817 14 1
                                    


SOLAR



Flashback


Narito ako ngayon sa party ng mga senator na bagong halal upang makita si Byul, actually hindi naman ako invited pero pumunta lamang ako para masulyapan siya gumawa na lamang ako ng paraan na makapasok.


Habang papasok ay marami akong nakitang mga taong talagang kilala sa bansa ang balita ko pa ay pupunta mamaya ang presidente rito pero hindi rin naman ako magtatagal dahil baka may makakilala sa akin at baka makita rin ako ni Byul.



Nang makahanap ako ng mauupuan sa sulok ay agad akong nagpwesto rito at nag masidmasid iniisip ko kung sino rin ba ang mga kagaya ko rito na kabit rin ng senator tama kayo ng narinig kabit ako ni Senator Byul nagkakilala kami noong kampanyahan niya.



"May nakaupo na ba rito" tanong ng isang medyo mahinhing babae pero mukha namang edukado may kasama siyang isa pang Babae mahahalata mo na sa pananamit nila ay talagang galing sila sa mayamang pamilya siguro ay kamag-anak sila ng isa sa mga senator



"Wala pa" tipid ko lamang sagot.



"Kamag-anak kaba ng isa sa mga Senator para kasing hindi kita kilala" sabi niya pagkaupo sa aking tabi.



"Oo nga parang bago ang iyong mukha hindi ka palaging dumadalo sa mga ganitong pagtitipon?" Tanong naman ng kasama niya na nagpakaba sa akin dahil baka malaman nilang kabit ako ni Byul at kung magkataon yari ako nito.



"Pero sa bagay sa dami ba naman ng tao lagi sa mga party baka hindi lang tayo nagkakasalubong ano nga pa lang pangalan mo?" tanong pa niya saken.


"Solar... Solar Kim" pakilala ko sa kanila.



"Magka apelyido kayo Jennie, baka kamag anak mo?" Tanong niya sa kasama niya.


Tiningnan naman ako nung isang babae "I think magkalastname lang kami, kasi kilala ko mga relatives ko" Tumango naman yung isa.



"Sabagay, by the way Im Rosseane Park, Rosé for short at eto siya naman si Jennie Kim" Pag pakilala naman niya sa kaniya at sa kanyang kaibigan.


"Jennie Kim parang pamilyar yung pangalan mo" sabi ko sakanya, hindi ko lamang malaman kung saan ko narinig ito.



"Im ---"



"Oo pamilyar talaga dahil siya ang may ari ng Jennie's Blossom Botique yung pagawaan ng damit" Singit ni Rosé. Ikinagulat ko dahil hindi ko alam na malaking tao pala itong kaharap ko.



"Sabi na nga ba at parang pamilyar ang pangalan mo" nakangiti kong sabi, natigil ang paguusap namin noong may nagsalita na sa harap at isa isang ipinakilala ang mga Senator na nanalo kasama ang asawa nila.



Nang ipinakilala si Byul ay talagang napatulala ako sa kanya dahil napakagandang gwapo niya sa suot niya hindi mo mapagkakaila pati ang kagandahan ng katawan niya.



"Alam mo itong si Senator Byul kung hindi ko lang alam na babaero yan baka pinatulan ko na iyan" biglang sabi ni Jennie sabay tawa.




"Ano kaba Jennie baka mamaya ay may makarinig sa iyo at pag iyan nalaman ni Lisa tingnan ko kung saan ka pupulutin" sagot naman ni Rosé.



"Bakit asawa kaba ni Lisa?" sabi ko sa isip ko, nagulat ako na napalakas pala ang pagkasabi ko.



Nang marinig nila ang aking tanong sa isip ko ay tumawa sila ng sabay kasabay ng paghampas sa akin ni Rosé dahil pinagigitnaan nila ako.



"Ano kaba ayun yung asawa ni Lisa, oh iyang katabi mo kabit lang yan hahahah" bulong ni Rosé sa akin na lubhang nagpanganga sa akin dahil hindi ako makapaniwala sa aking nalaman.




"Ano kaba Rosé, ang daldal mo talaga, gusto mo ata ibroadcast ayun ang stage" Sabay turo niya sa maya harapan namin."Baka mamaya ay lumabas yan" saway sa kanya ni Jennie pero nakatingin naman saken.



"Ano kaba mukha namang mapagkakatiwalaan tong si Solar at tsaka alam kung katulad mo din siya hindi ba?"Sabi nito sabay akbay sa akin.



"Katulad na ano?" tanong ko rito.



"Mistress, kabit, pangalawa" sabi ni Rosé ng walang patumpik tumpik.



"Halata naman sa kilos at galaw mo pamasid masid ka lang at hindi kilala ang mga taong nakapaligid sa iyo kaya sigurado kong hindi ka talaga parati sa mga ganitong occassion" dagdag pa niya.



"Tell us kanino kang mistress?" Tanong ni Jennie sa akin na ngayon ay nakatuon na ang atensyon sa akin at hindi sa mga taong nagsasalita sa harap.



"Kay Byul" bulong kong sabi sabay yuko.



"Oh sh*t totoo nga na napakababaero ni Byul" Nakangiting sabi ni Rosé sabay tingin kay Byul na ngayon ay nagsasalita sa stage.



"Bakit si Lisa kung titingnan mo parang napakabait sa asawa niya, wala sa itsura na mambabae pero tingnan mo naman" sagot naman ni Jennie.



"Sabagay oy Solar wag ka mailang sa amin ah hindi naman kami mapanghusga at tsaka kayo na lang ang mag  kakaclub magkakailangan paba kayo" samabit ulit ni Rosé na ikinatawa ko dahil sa sinabi niya.



"Friends?" Alok ni Jennie sabay abot saken ng kamay niya for shake hands.


"Friends" Sagot ko naman sabay abot ng kamay niya.


Niyakap naman ako agad ni Rosé nalaman ko rin na pinagiisipan pa ni Rosé kung kakabit siya kay Jisoo yung may ari ng maraming mall kaya mukhang sobrang yaman nito pero sabagay mayaman naman talaga ang dalawa nato sa tingin ko ha.


End of Flashback




"Simula noon ay para na kaming magkakapatid talagang hindi mo na kami mapaghihiwalay na tatlo" Kwento ko kay Irene na hanggang ngayon ay tututok na tututok sa pakikinig sa akin.



"Ibig sabihin ang tagal nyo na palang magkakaibigan kasi bago bago pa lang kayo ni Senator Byul noong nakilala mo sila eh hindi bat dalawang taon na kayo ni senator" Tanong naman niya.



"Correction wala ng kami at tsaka ngayon ko naisip na dapat pala nakinig ako noon kay Jennie dahil noong bago bago pa lamang kaming magkakaibigan siguro may mga apat na buwan na rin sinasabi niya sa akin na makipaghiwalay na ako kay Byul wala naman raw itong maidudulot na maganda dahil babaera ito pero dahil matigas ang ulo ko hindi ako nakinig kay Jennie at ipinagpatuloy ang gusto ko tingnan mo ngayon nasaktan ako ng sobra" Pag eexplained  ko pa sa kanya.



"Ano kaba Solar siguro ay may dahilan kung bakit dumaan sa buhay mo si Byul para siguro matuto ka na hindi lahat ng tao ay nakadepende sa iyo at siguro para rin marealize mo na ang pagmamahal ay hindi kasing dali ng inaakala mo" sabi sa akin ni Irene.




"Alam mo ganyan na ganyan yung sinabi sa akin ni Jennie noon nang pinagalitan niya ako nagiging si Jennie ka na sa pagsasalita lagi kasi kayong mgakasama" biro ko rito.




Tumawa lang kami ng tumawa hanggang sa dumating na yung driver ni Jennie, kaya agad na naming inayos yung mga prutas na iuuwi nito at dadalin sa ampunan pagkaalis niya ay umakyat na rin kami ni Irene at baka naiinip na si Rosé.






☆☆☆

The LIfe Of Mistress (Jennie, Rosé, Irene And Solar)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon