CHAPTER 10

1.1K 15 1
                                    

SOLAR

Noong sinabi sa akin ni Irene na nalulungkot siya at gusto na niya makita si Bogum, kaya naman bigla akong naawa para sa kanya dahil minsan na rin akong nasa ganoong kalagayan yung kahit tingin na hanggang malayo ay hindi ko magawa kitang kita ko sa dalawang mata niya ang pagkasabik na makita si Bogum kaya naman inalok ko siya na pumunta sa charity event nito.



Mga isang oras din ang binayahe namin para lamang marating ang lugar kung nasan si Bogum ngayon at ang kaninang malungkot na mata ni Irene ay napalitan ng saya at excitement halatang hindi na siya mapipigilan pa.



Ang bilin ko lamang sa kanya ay wag niya na lamang itong babanggitin kay Jennie dahil siguradong magagalit ito sa kanya.



Pagpasok namin ay nagsisimula ng ang event pero wala pa si Bogum at ang asawa nito marahil ay nasa backstage pa eto at inaantay na tawagan ang pangalan nila.



Kasabay ng pagtawag sa pangalan ni Senator Hye Kyo ay ang pagtunog ng phone ni Irene at agad niya itong sinagot at pagkatapos ay nakita ko ang pangamba sa kaniyang mata at dahil doon alam ko na kung sino ang tumawag.


*******


IRENE


Nandito ni kami ni Solar kung saan ginanap ang charity event ni Senator Hye Kyo magkahalong kaba at excitement ang nararamdam ko pero mas nagingibabaw  pa rin ang pagkasabik na makita ko si Bogum dahil miss na miss ko na siya.



Ng dumating kami ay nagsisimula na ang programa ngunit wala pa sila Bogum sa entablado marahil ay wala pa sila o kaya ay hindi pa sila tinatawag.



Mga ilang minuto pa ang lumipas ay tinawag na si Bogum  at ng tatawagin na si Senator Hye Kyo ay tumunog ang phone ko agad ko itong sinagot ng hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag dahil nakatuon lamang ang mga mata ko kay Bogum.



"Hello" sambit ko.


"Nasaan ka ngayon" tanong ng nasa kabilang linya na base sa boses ay si Jennie at bago ko pa marealize ang lahat ay narinig na ni Jennie ang pagtawag sa pangalan ni Senator Hye kyo.




"Ating pong bigyang pugay ang pagdating ni Senator Hye kyo Park" Sambit ng MC.



"Anong ginagawa mo diyan nasisiraan kana ba?" sigaw sa akin ni Jennie sa kabilang linya ngunit hindi ko ininda iyon dahil hanggang ngayon ay kay Bogum lang nakatuon ang pansin ko dahil sabik na sabik na ako sa kanya.




Agad kong binaba ang tawag ni Jennie dahil pumila ako sa kadagsaan ng tao na nais makakuha ng regalo mula sa magasawang Park.



Malapit na ako sa lamesa kung saan nandoon ang mag asawa na namamahagi ng regalo. Para naman nagdadalawang isip ako dahil kinakabahan ako pero naisip ko na nandito na naman ako kaya hindi na ako aatras pa.



Si Senator Hye Kyo ang nagabot sa akin ng regalo wala siyang kamalay malay na ang inaabutan na pala niya ng regalo ay ang kabit ng asawa niya, si Bogum naman ay busy sa pagaayos ng mga regalo katabi ng asawa niya.



Ng tumapat na ako kay Bogum ay bigla siyang tumingala kaya nakita niya ako nagkatinginan kami sa mata at halata mo ang gulat sa kanyang mga mata ngunit binati pa din niya ako na parang isa lamang ako sa mga taong tinutulungan nila titig na titig ako hanggang makalayo sa kanya ang nagpabalik lamang ng ulirat ko ay ng kalabitin ako ni Solar.


"Tara na Solar nakita mo na si Bogum hindi ba? " Aya niya sa akin.


"Hindi ko ba siya pwedeng kausapin Solar kahit saglit lang" tanong ko sa kaniya.


"Ano kaba hindi pwede kasama niya ang asawa niya at tsaka nakita mo naman marami siyang ginagawa pero wag ka magalala makikipagkita rin sayo yan" paliwanag niya saken.



Sabagay tama siya hindi kami pwedeng makita ng asawa niyang naguusap dahil siguradong magtatanong ito pero sigurado naman akong hindi naman siguro maghihinala ang asawa niya pwera na lamang kung may kutob na ito na may kalaguyo si Seulgi.



Kahit sandali lamang ang pagkikita namin ay napakasaya ko dahil kahit papaano ay nakita ko na siya ulit.



Mga ilang oras din ang binyahe namin ni Solar bago kami nakarating si building ng condo unit ko.



"Hindi na ako baba Irene gabi na rin kasi at tsaka pagod na rin ako" sabi sa akin ni Solar.


"Ok lang sige salamat ng marami sa pagsama sa akin" sabi ko sa kanya sabay kaway inantay ko lamang makalayo ang sasakyan ni Solar at saka ako umakyat sa unit ko.



Pagakyat ko sa floor kung asan ang unit ko ay nagulat ako ng maabutang bukas ito, maari kayang may magnanakaw sa unit ko kaya dali dali akong pumasok upang mahuli ang magnanakaw pero laking gulat ko ng makita si Jennie na nakaupo sa sala at mukhang kanina pa ako nito hinhintay.



"Are you out of your mind" sigaw niya sa akin ng makita niya ako.



"Bakit ka pumunta sa event alam mong delakado at baka mahuli kayo ng asawa niya hindi ba sinabi ko naman sayo magintay ka lamang at makikipagkita rin siya sayo" sermon sa akin ni Jennie pero hindi ko siya pinansin at dumiretso lamang ako sa kusina.



"Anong gusto mong patunayan at pumunta ka doon maipagtatanggol mo ba siya kung sakaling mahuli kayo ng asawa niya inilalagay mo sa kapahamakan si Bogum sa mga ginagawa mong yan hindi ka nagiisip" dagdag pa ni Jennie na siyang nagpabigat ng damdamin ko at nagpatulo ng luha ko.




"Hindi ko kinalimutan ang buhay ko sa probinsya para lamang ikulong niya ako dito bat dinidiktahan mo ako sa mga dapat kong gawin" sigaw ko sa kanya habang umiiyak pagkatapos ay iniwan ko siya at pumasok ako sa kwarto at doon umiyak.




Totoo naman ehh hindi ko iniwan ang pamilya ko sa Mindoro para lamang ikulong nila ako dito sa condo na to akala ko na pag sumama ako kay Bogum dito sa manila ay magiging maganda at masaya ang buhay ko dito, nandoon na tayo na naging maayos ang buhay ko  hindi na ako nagtatrabaho sa bar katulad ng ginagawa ko dati kung saan niya ako nakilala pero hindi naman ako masaya kasi pakiramdam ko ay nakakulong ako at walang layang gawin ang mga gusto ko.



Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako siguro ay bukas ko na lamang kakausapin si Jennie at parehong mainit ang ulo namin baka kung ano lang ang magawa namin sa isat isa.






☆☆☆

The LIfe Of Mistress (Jennie, Rosé, Irene And Solar)Where stories live. Discover now