CHAPTER 16

909 13 0
                                    

SOLAR



Umaga na ngayon at medyo tanghali na ako nagising dahil sa hangover ko hapon uminom kasi kami Irene dahil nagcelebrate kami and speaking of celebration ngayon ang anniversary namin ni Byul kaya kailangan ko magprepare.



Tinext ko si Byul kagabi about sa anniversary namin ngayon at pinapupunta ko siya rito sa unit ko dahil maghahanda nga ako pero hindi pa niya sinasagot ito marahil ay kasama niya ang asawa niya kaya hindi siya makasagot oh well alam ko naman na pupunta siya kaya ok na iyon.




Agad agad akong bumangon ng maalala ko ang lahat ng aking mga gagawin kailangan ko nga palang mamili ng mga ingredients para sa mga ipapaluto ko mamaya naghire na lamang ako ng chef dahil hindi ako sanay magluto.



Pagkaligo ko at pagkaayos ay umalis na agad ako papunta sa grocery store nakita ko nga rin si Irene pero mukhang hindi niya ako napansin kaya naman hindi ko na rin siya tinawag dahil mukhang busy siya dahil makikipagkita si Bogum sa kaniya ngayon.



Paguwi ko ay nandoon na ang chef na tinawagan ko napansin ko naman na gwapo ito at mukhang maganda ang pangangatawan. Pero hindi na ako naakit sa mga ganyan dahil sobrang mahal ko si Byul.




"Mga tatlong food lang naman yung ipapaluto ko na email ko naman na yung mga yun sayo hindi ba? kaya ikaw ng bahala rito ipreprepare ko lang yung mga gagamitin ko sa labas" sabi ko sa chef dahil nirent ko yung pool sa itaas ng condo para sa celebration namin mamaya.



"Yes po Mam ako na pong bahala sa mga pagkain na ito" sabi niya na malagkit ang pagkakatingin sa akin pero ipinagsawalang bahala ko nalamang ito dahil masaya ako para abalahin pa ang sarili ko sa ibang bagay.



Mga tatlong oras din ang ginugol ko para sa lahat ng kailangan ko sa surprise ko kay Byul at lahat ay ayos na siya na lamang ang kulang. Nang dumating ang ala syete ng gabi ay umakyat na ako sa taas dahil paparating na rin si Byul dahil sabi niya sa text niya kanina ay 7pm daw siya makakarating aantayin lamang daw niya ang asawa niya na makatulog.



Pagakyat ko sa taas ay naupo muna ako pero medyo nainip din ako dahil halos isang oras na ako nagiintay kaya naman tinawagan ko na si Byul pero hindi nanaman siya sumasagot.



"Mam  ipapaakyat na po ba? Andiyan po ata ang inaantay ninyo" sabi ng crew ng building ng condo binilinan ko kasi sila na pag may papaakyat na rito ay sabihan nila ako nakangiti akong inaantay si Byul na makarating sa itaas pero laking gulat ko na hindi si Byul ang lalaking umakyat dito sa itaas kung hindi isa sa mga tauhan niya.



"Mam, ipinaabot po ni Senator" sabi niya sabay abot na puno ng pera.



"Aahin ko ito nasaan ang boss mo?" Tanong ko sa kaniya na medyo tumataas ang boses dahil naiinis at nagagalit talaga ako.



"Hindi raw po siya makakapunta Mam, iyan lamang po ang bilin niya na ibigay daw po sa inyo" sabi niya na lalong ikinagalit ko hayop siya pinaasa niya ako sa mismong anniversary namin.



"Hindi ko kailangan to sabihin mo sa boss mo hindi ko ito kailangan hayop siya" sigaw ko sabay punit ng pera na laman ng envelope wala akong pakialam kung sayang ang lahat ng iyon dahil galit ako sa kaniya hayop siya.



"Lumayas kayo lumayas kayong lahat hindi ko kayo kailangan" sabi ko sa mga tao rito sa taas dahil alam kong paguusapan lamang nila ako pagkatapos nito.



"hayop ka Byul hayop ka" sabi ko sa sarili ko.



Hindi ko alam ang gagawin ko naiintindihan ko na kabit lang ako at limitado lang ang karapatan ko pero nangako siya at pinanghawakan ko iyon pero hayop siya pinaasa lang niya ako wala siyang isang salita.



Agad kong pinaligpit lahat ng kalat na nagawa ko pagkatapos kong magwala at dumeretso agad ako sa unit ko para maglinis at magayos dahil hindi ko deserve na ganitong sitwasyon.



Habang naglilinis ay tumunog ang phone ko at agad ko itong kinuha dahil umaasa akong baka si Byul ang nagtext para magsorry at magpaliwanag pero noong nakita ko ito ay si Jennie pala ang nagtext sinasabing may bonding kami bukas dahil sunday siguro nga iyon ang kailangan ko para kahit papaano ay makamove-on sa nangyari ngayon hayop ka talaga Byul!!!!






☆☆☆
Sorry sa mga words

The LIfe Of Mistress (Jennie, Rosé, Irene And Solar)Where stories live. Discover now