CHAPTER 14

947 17 1
                                    

SOLAR


Friday ngayon at tanghali na ngunit nasa higaan pa rin ako napakasakit kasi ng aking ulo marami rin kasi ang nainom namin ni Irene.


Ngayong araw ko rim napagdesisyonang sundan si Byul dahil ang tagal na nitong hindi nagpaparamdam nasabi ko na kay Irene na samahan niya ako bago kami maghiwalay kahapon.



Pagpatak ng alas dos ng tanghali ay nag ayos na ako dahil ayon sa aking source ay magkakaroon ng early dinner ang mag asawa sa restaurant na paborito ni Byul, pag labas ko ng building ng condo ko ay naabutan ko na si Irene sa ibaba.



"Bakit hindi ka nagtext na nandito ka na pala" sabi ko sa kanya dahil mukhang kanina pa siya nagiintay.



"Hindi kadarating ko lang din mainit lang talaga kaya pawis na pawis ako" paliwanag niya.



"Ok sige tara na at baka Hindi natin sila abutan " sabi ko sakanya dahil kotse niya ang gagamitin namin dahil baka pagnakita ni Byul ang kotse ko sa may parking ay hindi na siya tinuloy sa restaurant.



Pagdating namin sa restaurant ay konti pa lamang ang tao at tulad ng inaasahan ay wala pa ang magasawang Moon  nagpaaga talaga kami ng isang oras bago ang reservation nila para makakita kami ng magandang pwesto ng hindi nila kami nakikita.



Mga ilang oras lang ang lumipas at dumating na ang kanina pa namin hinihintay mukhang ang saya saya pa nila. Nang makaorder na sila ay ayun na ang hudyat para isa katuparan ko ang aking plano.




"lihi lang ako Irene dito ka lang ha" sabi ko sakanya at naglakad na ako papuntang cr ngunit doon ako dumaan sa likod ng asawa ni Byul para makita niya ako.



Mga ilang minuto rin ang inantay ko bago siya sumunod at pagkapasok niya ng cr ay agad niyang sinunggaban ang aking mga labi at doon na namin inabot ang langit.




******


IRENE


Nandito ako ngayon sa upuan malapit sa asawa ni Senator Byul at tinitingnan ito dahil noong nagcr si Solar mga ilang sandali pa ay sumunod din si Senator Byul at alam ko na kung anong ginagawa nila sa cr.



Nang medyo napansin ng asawa niya na matagal na si Senator Byul sa cr ay tumayo ito at mukhang susundan na si Senator kaya dali dali akong lumapit dito at gumawa ng paraan dahil siguradong pagnahuli sila isa itong malaking gulo.



"Hi po maam " sabi ko sa kanya na medyo nahihiya.


"Yes what can I do for you dear" sabi niya.


"Ahhhh ako po si Irene... Irene Bae ahmm ano food vlogger po kasi ako at nagtatanong tanong po ako kung ano ang masarap dito ehh mukha pong madalas kayo rito kaya kayo po ang nilapitan ko" sabi ko sa kanya na nakacross finger dahil hinihiling ko na kagatin niya ang palusot ko.



"Oh hi Irene ako naman si Mrs. Hwasa Moon Wife of Senator Byul Yi Moon, oo tama ka madalas nga kami rito kasi ito ang paboritong restaurant ng asawa ko at the same time gusto ko din ang mga Spanish food"sabi niya ng nakangiti muka naman palang mabait itong asawa ni Senator.



"Kung ako ang tatangunin sa tingin ko ang pinakamasarap dito na madalas namin inoorder ay ang kanilang pisto at paella at para naman sa dessert ay panellets" paliwanag niya at ng makita ko na pabalik na si Senator Byul ay tumayo na ako at nagpaalam.



"Ganun po ba sige po ma'am thank you po" sabi ko sabay umalis ng mabilis narinig ko pa na tinanong ni Senator kung sino ako.



Nakita ko naman si Solar na iniintay ako sa pintuan ng restaurant. "Napakaharot mo nagmomol kayo noh?!" Sabi ko sakanya.



"Anong momol?" tanong niya.



"Make out make out lang" sabi ko rito na ikinangiti niya.


"Kung ganun I have a great quick momol sabi ko sayo ako pa rin talaga! tara na nga" sabi nito ng may pagmamayabang.



Sumunod na lamang ako sa kanya at hindi na rin pinakialaman ang ginawa niya dahil mukha namang masaya siya at alam naman siguro niya ang ginagawa niya.




"Inom tayo Irene dapat magcelebrate ako dahil nakaiscore nanaman ako kay Byul at na patunayan kong ako pa rin talaga at tsaka magshopping na din muna pala tayo dahil kailangan kong bumili ng bagong damit dahil anniversary namin ni Byul bukas" sabi niya at tumango na lang ako dahil mukhang wala naman akong magagawa kung hindi samahan siya.



******


Mga tatlong oras din siguro kami sa mall bago kami pumunta sa bar na laging pinupuntahan ni Solar, according to her exclusive ang bar na ito hindi lahat ay makakapasok dito at kahit anong gawin mo raw rito ay hindi ito mababalita sa kahit na anong media sabi pa niya rito rin daw niya nakilala si Byul.



Pagkapasok namin ay makikita mo talagang high class ang bar na ito dahil konti lang ang tao at napakaganda pa sa ng loob agad kaming pumunta ni Solar sa isang lamesa at agad na umoorder.



Habang inaantay namin ang aming order ay inilibot ko ang aking mata at marami akong nakitang mga kilalang personalidad at mukhang hindi mga asawa ang kasama nila.


"Nagulat ka ba dahil halos lahat ng kasama nila ay mga kabit nila" tawag ni Solar sa atensyon ko.



"Actually hindi naman na ako nagulat na may mga kabit sila ang ikinagulat ko lang ay para silang hindi natatakot pero sabi mo nga secured ang bar na ito kaya siguro panatag sila" paliwanag ko sa kaniya at tumango lang siya bilang sagot.



Nang medyo nagkakasarapan ng ang inom namin ni Solar  ay may lumapit sa aming dalawang lalaki kung hindi ako nagkakamali ay anak ni Senator Song ang isa rito.



"Hi may kasama ba kayo" tanong nito sa amin na halata mong nakainom na.



"Wala pero we don't need naman na" sabi ni Solar na hindi man lamang ito nililingon.



"Hmmmp so maaari pala kaming tumabi sa inyo by the way ako nga pala si Mino Song anak no Senator Song"  sabi nito ng buong pagmamayabang.



"Alam ko kilala ko ang nanay mo kaya kung ayaw mong sabihin ko yang mga pinaggagawa mo ay iwan mo na kami" sagot ni Solar dito. Hanga rin ako dito kay Solar ehh matapang at palaban.



"Ang sungit naman nito tara na nga pare" sabi nito sa kasama at bumalik na sila sa table nila kanina.



"Hahahah napakatapang mo naman gurl mukha namang mabait yun ahhh"sabi ko sa kanya.



"Anong mabait fu*k boy yun no walang sinasanto yun" sabi niya pero habang nagsasalita siya ay tumunog ang cellphone ko hudyat na may nagtext kaya agad ko itong tiningnan at nagulat ako ng pangalan ni Bogum ang nakita ko kaya agad ko nitong binasa at sobra ang saya ko dahil pupunta siya sa condo bukas.



"Oh ang saya mo ata gurl sino ba yung nagtext" tanong sa akin ni Solar.


"Si Bogum makikipagkita sa akin bukas" sabi ko sa kanya ng nakangiti.



"Naku double celebration pala tayo bukas kaya dapat magcelebrate tayo" sabi ni Solar at itinaas ang inumin niya.



"Cheers" sabay naming sambit.



Napakasaya ko sisiguraduhin kong maghahanda ako bukas para kay Bogum dahil ito ang first time na makikipagkita siya simula ng dumating ako rito sa manila.






☆☆☆

The LIfe Of Mistress (Jennie, Rosé, Irene And Solar)Where stories live. Discover now