Prologue

565 6 0
                                    

PROLOGUE :

"Halina kayo, sigurado akong kanina pa tayo hinihintay ni Bunso."

"Kuya Vash, ikaw na lang kaya ang hinihintay." Sambit ni Kerby

"Oo nga Kuya, nandoon na silang lahat sa Van, ikaw na lang ang wala." Sabi ni Pian

"Kinuha ko pa itong lighter, wala tayong ipansisindi sa kandila." Sagot ni Vash

Sumakay silang lahat sa Van at nagtungo sa sementeryo.

"Ilang taon na bang patay si Tita Arah?" Tanong ni Pia

"Hindi ko rin alam, para sa atin kasi e nananatiling buhay si Tita Arah." Sagot ni Kaye

"H'wag niyo na kasing bilangin kung ilang taon ng wala si Arah, buhay na buhay si Arah, sa mga alaala, sa mga libro niya, buhay siya dito sa puso natin."

"Tama si Kuya Drammy." Sabi ni Vash at lahat sila'y napalingon ng ituro ni Kaley ang puntod ni Arah at Clefford, may nakatayong babae sa tapat nito, nakatalikod at sobrang haba ng buhok.

"Si Tita Arah ba 'yon? Luh! Ayoko bumaba, dito lang ako." Sabi ni Kaley ay sinuot ang bonnet niya.

"At ngayon ka pa talaga natakot anak? Hindi ba't nananaginip ka dati ng mga mangyayari."

"Dad naman e, ayoko na pong balikan 'yon, mahimbing na akong matulog ngayon."

Tumigil ang Van sa tapat ng puntod pero ni isa ay walang gustong bumaba, nagpapakiramdaman ang lahat.

"Tara na, hindi tayo makakauwi ng maaga kung hihintayin pa nating umalis 'yong babae, baka nagkamali lang siya ng dinalaw na puntod." Sabi ni Drammy at nauna na siyang bumaba, sumunod na rin ang magkakapatid pati na rin ang mga anak nila.

"Tito Kerby, baka si sadako 'yan."

"Tumigil la Lyra, naninindig na nga ang balahibo ko dito e."

"E-Excuse me." Utal na sambit ni Pian at lumingon ang babae, lahat sila'y napakunot noo, gulat, napanganga at nanlalaki ang mga mata.

"Kamukha ni Bunso." Bulong ni Vash

Ngumiti ang babae at kumaway.

"Hi mga Tito, hi mga insan."

Nagkatinginan silang lahat, tila nagtataka sa sinambit ng babae.

"S-Sino ka?" Tanong ni Lyra

“Ako si GEE TYRA, anak ako ni Mama Gyte at Papa Gee.”

A/N : Heyieee Chubbabies 💜 enjoy reading! Mahal ko kayo mga dyosa!!! Keep rockin'!

  >🎸

You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon