Chapter 35

96 0 0
                                    

CHAPTER 35 : SOMEONE's POINT OF VIEW ★

"Ulitin nga 'tol, mula umpisa, hindi ko maintindihan e." Sabi ni Joepette, nakatambay sila ni Ely sa ilalim ng punong mangga na palaging tinatambayan ni Tyra.

"Sinasakop na ng gabi ang liwanag pero pinagpapawisan pa rin ako. Totoo nga 'tol, umamin ka kay Miss Tyra?" Hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Joepette sa kaibigan.

"Sabi mo wala namang masama dun. Sinabi ko lang naman na gusto ko siya at hindi ko nasabi na mahal ko na."

"Ayun lang. Eh ano'ng sabi niya?"

Napabuntong hininga si Ely. "Kapatid niya pa rin ang iniisip niya. Gusto daw ako ni Gwy, 'yon lang."

"Naku naku, mahirap 'yan. Kung naging kasing pogi mo lang sana ako e 'di sana ako na ang bahala d'yan kay Miss Gwy." Natatawang sabi ni Joepette, "Pero seryoso 'tol, kung mahal mo si Miss Tyra, huwag mong sukuan." 

"Hindi ko naman talaga siya susukuan. Hinihintay ko lang talaga na maging handa siyang makinig."

"Ano ba'ng sasabihin mo sa kanya? Mahal mo siya, 'yon lang?"

Tiningnan siya ni Ely. "‘Tol, ikaw lang ang kaibigan ko dito kaya ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko, aasahan kita, sa ating dalawa lang ang usapang ito ngayon."

"Oo." Mabilis na sagot ni Joepette kahit halatang naguguluhan siya.

"‘Tol, ang hirap talaga ng may tinatago."

"May tinatago ka?" Tanong ni Joepette at nagpalinga-linga, tinitingnan kung may ibang tao ba sa paligid maliban sa kanila.

"Oo 'tol, marami. At ang hirap na kimkimin, gusto ko na palayain ang sarili ko sa lahat ng ito, pakiramdam ki kasi pati sarili ko niloloko ko na."

"Ano ba 'yan 'tol? Sabihin mo na, alam kong gagaan ang pakiramdam mo kapag nailabas mo 'yan."

Napatingala si Ely sa langit, bilog na bilog ang buwan. "Si Eya 'tol, si Eya."

"Ano'ng mayro'n sa kapatid mo?" Hindi na makapaghintay si Joepette.

"Hindi ko siya kapatid."

"ANO?!" Sigaw ni Joepette at napatayo pa.

"Bakit ka sumisigaw Joepette, ano'ng mayro'n? Gabi na, bakit?"

Napatingin ang dalawa kay Aleng Adela.

"T'yang! K-Kanina pa po kayo?"

"Ngayon lang, hinahanap kita. Kailangan mo na uminom ng gamot at lilinisin na rin natin 'yang sugat mo. At bakit ka naman sumisigaw ha Joepette?" Tanong ni Aleng Adela, nagkatinginan ang magkaibigan.

"Wala lang po Aleng Adela. Sabi ko po kasi kay Ely ay mag-aartista ako, pinapakita ko lang po kung paano ako umarte, may audition po next week e." Sunod-sunod ang naging paglunok ni Joepette

"Ay bakit dito kayo sa dilim nag-uusap?"

"M-May buwan naman po."

"Bukas na ninyo ipagpatuloy 'yan at kailangan na linisin ang sugat ni Eleazar."

Tumango si Joepette. "Bukas na lang ulit 'tol." Sabi ni Ely at nag-fist bump sila ni Joepette.

TYRA's POINT OF VIEW ★

Mag-aala una na pero gising na gising pa rin ako. Para ng lantang gulay ang katawan ko, gustong-gusto na ring bumagsak ng talukap ng mata ko pero ang isip at diwa ko ay gising na gising pa rin dahil sa sinabi ni Gwy.

Hindi ko ginusto na mangyari 'yon sa buhay ko.

Nangako ako sa sarili ko na hinding-hindi ako magkakaroon ng anak para matapos na ang tila sumpang bumabalot sa pamilya Musico, paulit-ulit, parang salin-lahi mula sa mga sakit, allergies at kung anu-ano pa at ayokong maranasan ng magiging anak ko ang hirap na naranasan nila Mama Arah, nila Lyra at ang naranasan din namin ni Gwy, ayoko, ayaw na ayaw ko hanggang sa isang araw..

You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3Where stories live. Discover now