Chapter 54

124 1 0
                                    

CHAPTER 54 : TYRA's POINT OF CHAPTER ★

"Ngiti Tyra, alam kong init na init ka na d'yan sa leather jacket na suot mo pero bagay na bagay kasi sa iyo, para kang action star, angas." Sabi ni Freya sa akin, first outfit pa lang pero pawis na pawis na ako.

"Sige, sandal ka sa kabayo tapos tingin ka sa kaliwa." Sabi naman ni Markus, hindi ako makapag-focus dahil kita ko sa hindi kalayuan sa amin si Tito Drammy at Miss Reina, nag-uusap sila at gusto kong picturan.

"Puwede bang gumamit ng banyo saglit? Hindi ko na kasi mapigilan e." Sabi ko kay Freya

"Sure, sasamahan kita para hindi mabasa ang outfit mo."

"Hindi na." Tanggi ko, "Kaya ko na, babalik din ako agad." Sabi ko, hinagilap ko ang cellphone ko bago nagpunta sa cr.

“Joe, puwede mo bang picturan si Miss Reina at Tito Drammy? Huwag kang pahalata ha, kuwento ko sa iyo mamaya kung bakit.” Text ko kay Joepette bago lumabas ng banyo, hindi naman talaga ako naiihi, gusto ko lang talaga makaipon ng ebidensya.

“Ako na ang bahala Miss Tyra, may utang kang kuwento sa akin ha.” Reply niya bago ko inilapag ang cellphone ko sa maliit na mesa sa gitna ng damuhan kasama ng mga gamit nila Freya.

Mabuti na lang at si Joepette ang kaibigan ko, ideal man siya actually. Sobrang maalaga, sobrang maalalahanin, sasamahan ka sa lahat, dadamayan ka, para ko na nga siyang kapatid e.

"Tyra, hawakan mo 'yong tali ni Pega tapos sumandal ka sa puno." Sabi ni Freya, sinunod ko naman. Mukhang maganda ang resulta dahil nakangiti sila.

"Maganda sana kung may kasama kang lalake, mas maangas tingnan pero isa lang ang kailangan e." Sabi ni Markus, ngumiti lang ako.

"Pahinga muna tayo." Sabi ni Benedict, "Tyra, p'wede ka na magpalit. Yung second outfit mo ay nandoon kay Angela. Sa may ilog tayo later, okay?"

Tumango ako.

Nagpunta ako sa kubo para magpalit ng damit, nakita kong sumusunod sa akin si Eya kaya hinintay ko siya.

"Ang ganda ganda mo po Mami, magbibihis ka na po?"

"Oo, ang init init na nito e."

Pumasok ako sa kubo at nagpalit ng damit. Paglabas ko ng kuwarto ay inabutan ako ni Eya ng tubig.

"Inom ka muna ng tubig, Mami."

"Salamat." Hinalikan ko siya sa ulo, "Wala akong dalang hopia, bukas na lang ha."

"Ayos lang po Mami, okay na po yung nandito ka."

Nagpunta kami ni Eya sa duyan, mas malakas kasi ang hangin doon.

"Mami, magkasama po si Dada at Tita Gwy, nag-uusap po sila. Love ni'yo naman po ni Dada ang isa't isa 'di po ba?"

Niyakap ko si Eya. "M-Mahal ko ang Dada mo pero mas mahal ko ang kakambal ko." Nakangiti kong sambit, napakunot noo si Eya pero hinalikan ko na lang siya sa pisnge, "Basta mas love kita."

"Nakakaabala ba ako sa usapan ninyong mag-ina?"

"Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Eya. "Joe.." Sambit ko

"Hi Kuya Joepette."

"Hi Eya, kumusta ka?"

"Happy po Kuya Joepette."

"Nakunan mo?" Pabulong kong tanong kay Joepette, tumango siya.

"Ipapasa ko sa iyo, ngayon na bago ang sunod na photoshoot mo. Pinapatawag ka na rin pala ni Miss Freya." Sabi ni Joe

"Sige, ipasa mo na. Magbibihis na ako ng next outfit ko." Kinuha ni Joe ang cellphone niya, "Eya, punta ka muna kay T'yang Adela, huwag kang magpapainit ha, work muna ako."

You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3Where stories live. Discover now