Chapter 17

124 2 0
                                    

CHAPTER 17 : TYRA's POINT OF VIEW ★

Mukhang natutulog na silang lahat, mag aalas dose na, medyo malayo-layo ang lalakarin ko. Dumaan muna ako sa isang kubo para tingnan kung may natira pang pagkain, mabuti na lang at may nakita akong cup noodles, dali-dali kong nilagyan ng mainit na tubig at nagmamadaling umalis sa farm.

"Sana nandoon pa siya."  Bulong ko habang naglalakad. Medyo malayo na ang nilakad ko ng maramdaman kong may sumusunod sa akin, may flashlight siya at nakatutok sa akin para siguro makita niya kung sino ako, mabuti na lang at naka-hoodie ako,  mas binilisan ko pa ang paglalakad pero naramdaman kong katabi ko na siya.

"Miss Tyra?"

Napahinto ako, boses 'yon ni Joepette, humarap ako sa kanya, "Joepette? Joepette! Ano'ng ginagawa mo dito?"

"Pupuntahan ko sana siya para dalhan ng makakain, biscuit at tubig lang 'to, hinintay ko pang makatulog sila Nanay."

Nakahinga ako ng maluwag. "Pareho tayo, cup noodles lang 'tong nakuha ko, nakalimutan ko lang kumuha ng kutsara." 

"Gawan na lang natin ng paraan pagkarating natin doon, kung hindi lang sana nila maririnig ang andar ng motor e 'di sana ginamit ko yung motor ni Kuya para hindi na tayo mahirapan sa paglalakad."

Si Joepette na ang nagdala ng dala kong cup noodles, dahil kasi sa pagmamadali namin e natatapon ang sabaw at napapaso ako, baka pagdating namin sa pinagdalhan namin nung tao e puro noodles na lang.

"Malapit na tayo, ano'ng oras na?"

"Mag aala-una na, bilisan natin para makabalik tayo agad." Sabi ko, napaisip tuloy ako, sino'ng magbibigay ng pagkain sa taong 'yon kapag wala ako dito sa farm? Hindi naman p'wedeng gabi-gabing tatakas si Joepette.

"Dito ka muna, ako muna ang sisilip sa loob." Sabi ni Joepette, hinawakan ko muna ang mga pagkain naming dala, dahan dahan siyang sumilip sa butas ng kubo.

"Nandito pa siya." Bulong ni Joepette, dahan-dahan kaming naglakad papalapit sa bahay.

"Tao po, tao po?"  Tawag ko, walang lumalabas, bigla tuloy akong kinabahan, buhay pa kaya siya?

"Ako na muna ang mauuna Miss Tyra, gigisingin ko siya."

Sinundan ko pa rin si Joepette, hinawakan niya sa balikat ang lalake at tinapik-tapik. "Kuya, gising ho." Yugyog ni Joepette sa balikat, nagulat ako ng biglang bumangon ang lalake at hinawakan ng mahigpit sa braso si Joepette.

"Kami po ito!" Sigaw ko, pagtingin niya sa akin ay binitawan niya si Joepette.

"Pasensya na, pasensya na! Akala ko'y kayo yung mga lalakeng humahabol sa akin, pasensya ka na iho." Sabi ng lalake

"Ayos lang ho 'yon, kanina pa po kasi kami nagtatawag e, nag-aalala po kami na baka kung napa'no na kayo."

"May dala po kaming pagkain, pasensya na po kayo at ito lang ang nakayanan namin."

"Maraming salamat, napakabuti ng inyong puso, kapag magaling na ako ay aalis na ako para wala na kayong iisipin." 

"Saan po kayo pupunta?" Tanong ko, "Baka po makita kayo ng mga taong humahabol sa inyo, sabihan niyo lang po ako, tutulungan ko kayo." Hindi pa siya p'wedeng umalis, kailangan ko siya, kailangan ko ang mga impormasyong nalalaman niya.

"Kumain na po muna kayo." Sabi ni Joepette, "Labas muna ako Miss Tyra, baka may nakasunod sa atin e magtitingin-tingin muna ako."

"Sige, uuwi na rin tayo maya-maya at baka makahalata na sila sa farm." 

Pagkakataon ko na 'to para magpakilala sa taong 'to pero kailangan ko pa ring mag-ingat.

"P'wede ko po bang malaman kung ano ang pangalan ninyo?"

You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3Where stories live. Discover now