Chapter 53

107 2 0
                                    

CHAPTER 53 : ELY's POINT OF VIEW ★

"Tulog na po si Eya, T'yang."

Umuwi muna kami sa dati naming bahay, kailangan kong mag-isip at magpahinga saglit. Kapag nandoon kasi sa Farm, kahit gabi na ay may ginagawa pa rin kahit hindi na namin trabaho 'yon.

Ngayon alam ko na kung bakit ayaw ni T'yong na tumira kami sa Farm ng mga Musico kahit na libre, dito kasi sa bahay ay makakapagpahinga kami ng maayos.

"Maupo ka muna d'yan, hintayin natin ang T'yong mo, pinabibili ko lang ng uulamin natin bukas na umaga."

Nilapitan ko si T'yang Adela at niyakap. "Maraming salamat po T'yang."

"Saan?"

"Sa lahat po. Kayo na ni T'yong ang naging magulang ko simula nung iniligtas ninyo ako. Hindi ko po alam kung paano makakabawi sa inyo."

"Hindi mo kailangang bumawi anak, ginagawa namin ito ng bukal sa loob namin. Masaya kami na dumating kayo ni Dahlia sa buhay namin." Umiiyak na si T'yang, niyakap din ako.

"Walang ibang ulam, itong de lata– oh? Ano'ng nangyayari? Bakit kayo nag-iiyakan d'yan?"

Nilapitan ko si T'yong at niyakap din. "Salamat po T'yong."

"Anak, simula noong dumating ka sa amin, lalong tumibat ang pagsasama namin ng T'yang mo, noong nagka-apo kami, lalo na. Anak, blessing kayong dalawa sa amin."

Nanatili akong nakayakap sa mag-asawa.

"Anak, mag-uusap tayo tungkol sa kambal. Ayaw kong mapahamak ka. Alam ko namang hindi ka mapahamak kay Miss Tyra, pero sa kakambal niya, mukhang, hayy.. malabo."

Tumango ako. "Iinom lang po ako saglit." Sabi ko at nagpunta sa kusina.

Ilang beses akong napabuntong hininga. Kung ano man ang maging desisyon ko ngayon, final na, para kay Eya. 

"T'yong, T'yang.."

"Kumusta naman ang naging pag-uusap ninyo ni Gwy kanina?"

Napabuntong hininga ako. "Nagkasagutan po kami, T'yang. Ang gulo niya po kausap, lalo na kapag tungkol kay Tyra."

"Bakit daw? Hindi ba niya pagbibigyan si Tyra kahit ito lang? Ano'ng klaseng kapatid naman siya?"

Napailing ako. "Iyon din po ang tanong ko, ang hirap niya po pagsabihan. Ang sabi niya ay may sakit daw siya sa puso, at pakasalan ko raw siya."

"Ano?" Tanong ni T'yong at tila nabinge sa sinabi ko, "Siya na nga itong nagpanggap na si Tyra para lang maging boyfriend ka tapos siya pa ang nag-alok sa iyo ng kasal? Aba'y iba din talaga si Miss Gwy ano? Kung 'yong kabataan namin 'yan ay naku! Masasampal talaga ng magulang, baka nga hindi lang sampal ang abutin e. Ganyan na ba talaga ang mga kabataan ngayon? Babae na ang lumalapit sa lalake?" Napailing na lang si T'yong.

"Hindi naman po lahat T'yong." Sabi ko, "At hindi lang po 'yon ang sinabi ni Gwy."

Napatingin sa akin ang mag-asawa. "At ano pa'ng sabi niya?" Tanong ni T'yang

"Sinabi niya rin po na kapag hindi ako nagpakasal sa kanya ay magpapakam*tay siya."

"Panginoon ko! Bakit ganyan mag-isip ang batang 'yan? Naku anak, pag-isipan mong mabuti ang desisyon mo." Sabi ni T'yang

"Ano po ba ang dapat kong gawin?" Tanong ko, gulong-gulo na rin kasi talaga ako.

"Paano kung tutuhanin ni Gwy ang sinabi niya? Anak, kapag si Tyra ang pinili mo, baka nga gawin ni Gwy iyon." Sabi ni T'yang at napahawak na lang sa ulo niya, "At kapag ginawa 'yon ni Gwy, magagalit din sa iyo si Tyra dahil ikaw ang magiging dahilan ng pagkawala ng kakambal niya. Ang hirap naman anak." Sabi pa ni T'yang Adela at tumingin kay T'yong Jerry.

You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3Where stories live. Discover now