Chapter 36

93 1 2
                                    

CHAPTER 36 : GWY's POINT OF VIEW ★

"Nasaan na ba kayo? Naririnig ko na si Tita Alpa." Bulong ko sa cellphone ko. It's already six am pero wala pa rin sila Sissy.

"Malapit na, nasiraan kasi kami ng gulong, alam mo naman ang daan dun e."

"Okay okay, bilisan ninyo, she's here na." Agad kong inilagay sa bulsa ang cellphone ko.

"Gwy, ikaw pala 'yan. Nagluluto ka ba?"

"Tita! Good morning, are you hungry na? Nagluluto pa lang po ako ng eggs."

"Itlog para sa agahan? Hindi ka na dapat nagluto, ako na lang. S'ya nga pala, kanina ka pa ba gising? Nakita mo ba ang Tito mo?"

Napasilip ako saglit sa labas, they're so tagal naman. "Yeah Tita, bumibili sila ng pandesal, yeah. Kaya nga po ako nagluluto ng eggs eh, sa province kasi namin e pinapalaman namin 'to sa bread. Pabalik na po sila."

"Sila?" Kunot noong tanong ni Tita bago uminom ng maligamgam na tubig.

"Ah Tita, kasama niya po si Sissy. Susubukan daw po kasi ni Tyra magmaneho ng kotse para hindi pagod si Tito kapag may pupuntahan tayo, yeah."

Napatango-tango si Tita. "Okay. Timplahan mo ako ng kape pagkatapos mo d'yan, pupuntahan ko lang si Clarry at parang gising na rin siya, ipagtimpla mo rin siya ng gatas."

"Noted Tita."

Hindi pa bumababa si Tita Alpa ay dumating na sila Tito Drammy.

"Thank God you're here." Bulong ko at pinaupo na sila.

"Mahal, nandito na pala kayo. Oh, nasaan na 'yong pandesal?"

Napatingin sa akin si Tito. "Ah, pandesal? Naiwan sa kotse, kukunin ko saglit." Sabi ni Tito at lumabas ulit.

"Kumusta naman ang pag-aaral mong magmaneho, Tyra? Akala ko ba'y marunong ka na. Inilabas pala ninyo ang bagong kotse ng Tito mo."

Kunot-noong tumingin si Tyra sa akin. "You try how to drive, right Sissy?"

Sinensyasan ko siya na um-oo, hindi niya ba naalala na sinabihan niya akong gumawa ng alibi? Haysttt!

"Ha? Oo, opo Tita. M-Medyo kinakabahan pa po ako eh, parang mas gusto ko pang sa kabayo sumakay kaysa sa kotse, hehe."

Ibinaba ni Tita si Clarry sa upuan at iniabot ko ang gatas.

"Bakit parang wala kang tulog Tyra, ayos ka lang ba?"

"O-Opo. Hindi lang po ako nakatulog ng maayos kagabi pero ayos lang naman po ako."

Umupo si Tita sa tabi ni Clarry. "Ay nasaan na ba ang Tito ninyo para makapag-agahan na tayo?"

"Nandito na mahal, bumili lang ako ng pansit sa karinderya."

Kinuha ko ang pansit at pandesal kay Tito at inilagay sa isang plato. "Let's eat. Tito, you want some coffee?"

"Tubig na lang muna Gwy, 'yong medyo maligamgam."

Kumuha ako agad at iniabot kay Tito, "Ikaw sissy, coffee?"

"Oo, 'yong medyo matapang para makapagtrabaho ako ng maayos mamaya sa Farm, magche-check kami ng Mangga."

"Si Gwy na lang muna ang isasama ko anak, magpahinga ka. Sinabi ko naman sa iyo na hindi mo kailangang magpagod, may mga trabahador naman tayo." Sabi ni Tito but knowing Tyra, hindi 'yon nakakatiis na nakikitang naghihirap ang iba tapos siya walang ginagawa.

Kakatapos lang namin mag-almusal at si Tita Alpa na lang daw ay maghuhugas ng pinagkainan namin kaya umakyat na kami pareho ni Tyra sa kuwarto.

"Maliligo na ako, baka maiwan ako ni Tito." Sabi ko at kumuha ng towel.

You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3Where stories live. Discover now