Chapter 47

95 1 0
                                    

CHAPTER 47 : TYRA's POINT OF VIEW ★

Napainom ako agad ng tubig. "Nagtangka? Kung tinangka lang ni Tito Drammy na patayin si Papa, sino ang totoong pumatay? At bakit nila gustong patayin si Papa?" Nagtataka kong tanong kay Tito Chordie.

Niyaya niya akong maupo sa kabilang dulo ng restaurant malayo sa mga kaibigan niya.

"Yun din ang tanong namin hanggang ngayon iha, hindi namin alam kung sino ang makakasagot niyan."

Ipinatong ko sa mesa ang flash drive. "Ano po ang laman nito? At bakit sa akin mo po ibinibigay?"

"Hindi ko alam kung ano ang laman n'yan pero sigurado akong 'yan ang sagot sa mga tanong mo. Galing 'yan sa Papa mo, may ibinigay siyang regalo sa akin noong nagpunta siya sa Hong Kong ng mag-isa at kasama 'yan sa regalong ibinigay niya sa akin."

"Eh bakit hindi mo po binuksan e kasama naman pala ito ng regalo niya para sa iyo."

"Nasa paper bag 'yan pero walang pangalan kaya hindi ko binuksan."

"Pero bakit hindi po ninyo ibinalik sa kanya Tito? Bakit kailangan pang umabot ng ilang taon bago ninyo ibigay ito sa akin? I mean, bakit po hindi mo binigay sa pamilya niya noon at kung may alam kayo tungkol sa pagkawala niya, bakit hindi ninyo sinabi kay Tita Rainne o kaya kila Lola Rose?"

Napailing si Tito Chordie. "Sa tingin mo ba ay paniniwalaan nila ako? Mahirap na Tyra, baka ako pa ang pagbintangan nila. Noong araw bago mamatay ang Papa mo, makikipagkita sana ako sa kanya para ibalik 'yan pero bigla siyang nagtext na kinabukasan na lang kami magkita dahil magkikita raw sila ng Tito Drammy mi, tinawagan daw siya, urgent daw. Pero tumuloy pa rin ako sa restaurant kung saan dapat kami magkikita, kaibigan kasi ni Mommy ang mag-ari nun. Nakita ko doon ang Papa mo kasama ang Tito mo at isang babae."

"Babae? Sino po 'yon?"

"Hindi ko nakilala, nakatalikod siya pero alam kong babae dahil mahaba ang buhok, may highlights na blue."

Lalo lang akong napakunot-noo. "Lalapitan ko na sana sila para iabot ang paper bag kay Clefford kaso tinawagan ako ng Tita Melody mo, nagpapasundo kaya hindi na ako tumuloy."

Ang daming tumatakbo sa isip ko. Hindi ko akalaing magagawa ni Tito Drammy 'yon. Sigurado akong marami pa siyang tinatago.

"Maraming salamat po Tito, tatawagan ko na lang po kayo kapag may mga tanong panako."

"Anytime Tyra, I'll willing to help, kami ng mga Tita at Tito mo."

Naalala ko na tumatawag siya Kay Tito Drammy kanina, teka, dapat ko ba siyang pagkatiwalaan?

"Pero Tito, hindi naman po sa pinagdududahan ko kayo. Bakit po kayo tumatawag kay Tito Drammy kanina?"

"Hindi nga siya sumagot. Itatanong ko dapat kung kailan kami pupunta sa Sanctuary, itinext niya kasi ako na pupunta kami doon."

"Pero may sasakyan na siya, bakit niya pa kayo tatawagan?"

"Ako ang magmamaneho at sasakyan ko ang gagamitin. Para daw hindi makahalata si Alpa, sobrang daming tinatago ng Tito Drammy mi, nakakatulog pa ba siya sa gabi?" Naiiling na tanong ni Tito Chordie

Tumayo na si Tito Chordie at iniabot ulit sa akin ang flash drive.

"Itago mo 'yan, panoorin mo kapag mag-isa ka lang. Nga pala, bago ka umuwi ay kumain ka muna ulit, maraming pagkain d'yan. Kung may libre kang oras, p'wede kang pumunta sa Library ng Tita Sharfaye mo, may mga libro doon ang Mama mo, libro na wala pang nakakabasa kahit na sino."

Tumango ako. "Opo, gagawa po ako ng paraan para makapunta doon. Maraming salamat po talaga Tito, pero may isa pa po sana akong request." Sabi ko, naglalakad na kami pabalik sa table nila Tita Melody.

You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3Where stories live. Discover now