Chapter 34

89 0 0
                                    

CHAPTER 34 : TYRA's POINT OF VIEW ★

"Pabalik na ba kayo? Saan daw ba kayo pupunta?"

"Hinatid na ako ni Tito sa bahay, sissy. Namumula kasi ang buong katawan ko 'tsaka ang init." Sagot ni Gwy, tinawagan ko siya dahil tanghali na'y hindi pa rin sila bumabalik.

"Drink your medicine at saka nasa kabinet ko 'yong lotion na galing kay Zack, kunin mo."

"Yes sissy." Medyo nagtataka lang ako, parang maayos kausap si Gwy ngayon. Alam kong may nangyari.

"Are you sure okay ka lang?"

"Yes, I'm fine. Tawag ka na lang ulit later, shower lang ako saglit para makapaglagay na ako ng lotion. See you later."

Pagkababa ko ng cellphone ko ay si Kaley naman ang tumawag. "Cous? Hello. Next week kami pupunta kila Lola Rose, pakisabi na lang kay Tita Rainne."

"Actually she's here right now sa house pero she's so busy, sasabihin ko na lang later. So, what's balita nga pala?"

Medyo lumayo ako sa mga trabahador. "Tungkol sa kotse, may bagong kotse si Tito Drammy, kulay pula."

"Bakit pula?" Parang pasigaw niyang tanong, "It means blood!"

Bigla akong kinabahan. "Hindi naman siguro, paborito kasi ni Clarry ang kulay pula." Pilit kong kinukumbinse ang sarili ko na paboritong kulay 'yon ng pinsan ko kahit ang totoo'y kinakabahan talaga ako.

"At tungkol pala sa bulaklak."

"What?"

"Last night kasi naglibot kami sa buong farm tapos pagbalik ko sa duyan na tambayan ko at may nakita akong sunflower, hindi ko alam kung saan galing 'yon, wala namang taniman ng bulaklak dito ngayon dahil puro gulay ang tanim dito, mga bulaklak na ligaw lang ang mayro'n dito. At ang ipinagtataka ko pa, bakit parang alam niya na sunflower ang paborito kong bulaklak?"

"Really?" Parang hindi rin makapaniwalang tanong ni Kaley.

"Gulong-gulo na ako sa mga nangyayari , para nga'ng gusto ko na lang maglaho bigla." Napabuntong hininga na lang ako.

"I'll call you again later cous, tinatawag na ako ni Mommy, pupunta kasi kami ngayon kila Ate Lyra. Take care ga, maging mapagmat'yag ka sa paligid mo, huwag kang nagtitiwala kahit kanino."

Pagkasabi niya nun at napatingin ako kay Joepette.

Hindi niya naman siguro ako tatraydorin.

"Okay ka lang Miss Tyra?"

Tumango ako. "Joe.."

"Po?"

"P'wede mo ba akong tulungan?"

"Oo naman, saan ba?"

"Alamin mo kung ano'ng mayro'n sa kwintas ni Ely at–"

"At ano?"

"Wala. 'yong lang. Magtanghalian na muna tayong lahat, pabalik na raw si Tito ngayon, kinuha lang daw 'yong mga ipapa-suweldo sa inyo."

"Sige po. Text kita agad kapag may nalaman na ako."

Nauna na siyang umuwi sa bahay nila, dederetso naman ako sa isang kubo at balak kong unidlip muna.

"Mami SB!"

Napakunot noo ako.

"Hi Mami SB."

Mami SB?

Ako ba ang tinatawag ni Eya? Lumingon ako sa likuran ko pero wala namang ibang tao.

You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon