Chapter 13

120 3 0
                                    

CHAPTER 13 : TYRA's POINT OF VIEW ★

Pinagtitinginan ako ng mga taong nakakasalubong ko.

"Ang astig oh, babaeng nangangabayo." Sabi ng isang lalakeng nakasalubong ko at kinuhanan pa ako ng video kaya wala akong choice kun'di mas pabilisin pa ang pagtakbo ng kabayo, baka makunan ng video ang mukha ko, mahirap na.

"Tita Alpa, Tita!," Tawag ko, nakasakay pa rin ako sa kabayo.

"Tyra? Oh, akala ko ba mamaya ka pa, nasaan ang motor ng Tito mo? Bakit si Liwanag ang sinakyan mo?"

Liwanag pala ang pangalan ng kabayo na 'to.

"Ahmm, si Gwy po?"

"Nasa loob siya, kakaligo lang. Bakit?"

"Tinawagan ko po kasi pero pinatayan ako, nag-alala lang po ako kaya napasugod ako dito." Sabi ko at itinali muna si  Liwanag sa madamong lugar sa likod bahay.

"Hindi ka na nasundo kagabi kasi umulan, kumusta naman ang tulog mo sa farm?"

"Ayos lang po Tita, mahimbing naman."

"Mabuti kung gano'n, mababait naman ang mga tao na nakatira doon sa paligid ng farm natin, sila rin yung nagtatrabaho sa Manggahan at sa Rancho."

"Mababait nga po, binigyan nila ako ng pagkain kagabi at kaninang umaga. Tita, puntahan ko lang po saglit si Gwy, maliligo na rin po ako para makabalik na ako sa farm, ibabalik ko po yung kabayo at baka magutom pa dito."

Pagpasok ko ng kwarto ay naabutan ko si Gwy ma nagsusuklay. "Tyra!"

"Gulat na gulat? Bakit mo ako pinatayan? Sa sobrang pag-aalala ko sa 'yo e napasugod ako dito."

"Ikaw ba 'yon? Choppy e hindi ko maintindihan at saka ibang  number."

"Nakitawag lang ako, baka kasi nakalimutan monh uminom nh gamot tapos hindi mo makilala si Clarry, baby sitter."

"Salamat na lang sa pag-aalala, farmer! I'm fine at uminom na ako ng gamot." Mataray niyang sagot sa akin.

"Pahinge nga ako ng lotion mo, ang itim itim ko na."

"Kumuha ka na lang d'yan, shower lang ako saglit." Sabi ko at kumuha ng tuwalya bago dumeretso sa banyo.

"Tyra, ano'ng sinakyan mo papunta dito? Bakit hindi mo narinig yung motor ni Tito."

"Kabayo! Ang bilis ko kayang nakarating dito, kulang na lang ay lumipad yung kabayo sa sobrang bilis. Ikaw kasi e, pinag-alala mo 'ko."

"Sorry na sis, gusto ko rin namang gumaling ako 'no, palagi naman akong may dala da bulsa ko para hindi ko makalimutang uminom."

"Buti naman." Sagot ko, bukod sa Alzheimer's niya ay mahina rin ang puso niya, parang lahat yata ng sakit ni Mama ay nakuha niya. Alzheimer, puso pati na rin 'yong bawal maligo sa tubig ulan dahil sa allergies, itong balàt ko lang sa likod ang nakuha ko kay Mama.

"Suotin mo 'to." Iniabot niya sa akin ang isang jacket na kulay pula.

"Ayoko n'yan, alam mo namang dalawang kulay lang ang sinusuot ko."

"Weirdo!" Sabi niya at binato ako ng unan.

"Tara, sama ka sa 'kin sa farm, sasakay tayo kay Liwanag."

"Ayoko, ang itim ko na nga e at saka may pupuntahan kami ni Tita Alpa, kasama kami ni Clarry, pupunta kami sa Mall."  

"E 'di ingat. Baka naman kung saan saan ka tumingin tapos maiwan ka nila Tita Alpa, baka mawala ka."

"Matanda na ako sis, ano'ng akala mo sa akin batang walang muang?"

"Pinapaalalahanan lang naman kita Gwy, baka kasi sa poging lalake ka nakatingin tapos wala na pala sila Tita sa tabi mo."

You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3Where stories live. Discover now