Chapter 60

168 4 11
                                    

CHAPTER 60 : AUTHOR's POINT OF VIEW ★

"Hindi ako pinapauwi ni Tatay sa bahay, hindi din daw tayo puwedeng matulog sa inyo dahil nandoon ang anak ko– dito na lang muna tayo sa bahay nila T'yang Adela. Hindi naman sila umuuwi dito dahil sila ang nag-aasikaso ng Farm ng Tito mo." Sabi ni Ely, tahimik lang na nakatingin sa kanya si Gwy.

"Magbihis ka na, masyadong marumihin ang damit na suot mo, mahirap labahan 'yan, hindi ka naman yata marunong maglaba."

Tahimik pa rin si Gwy kaya napakunot noo si Ely. "Ang tahimik mo yata. Gutom ka na ba?"

"Hindi." Mahinang sambit ni Gwy, kaya lalong nanibago si Ely, "I mean, I'm not hungry! I'm just t-tired. I'm not in mood." Sabi pa ni Gwy at pumasok sa isang kuwarto para magpalit ng damit.

Ilang saglit pa'y kumatok si Ely sa pinto. "Huwag kang lalabas, bibili lang ako ng pagkain natin."

"Okay." Sagot ni Gwy sa kabilang pinto.

"Ano'ng gusto mo?"

"A-Anything.."

"Kahit ano? Eh 'di ba maarte ka sa pagkain?"

Hindi umimik si Gwy.

Pagkaalis ni Ely ay kinuha agad ni Gwy ang cellphone niya at idinial ang isang number. "Hello!" Sambit nita

"Kumusta? Are you okay? Calm down." Tanong ng kausap niya sa kabilang linya.

"Kinakabahan ako, mali 'to!" Sabi ni Gwy

"Hindi 'yan mali, tama 'yan. Trust me." Sagot pa ng kausap ni Gwy

"Hindi ba ni–" Napatigil si Gwy sa pagsasalita nang biglang bumukas ang pinto, "Y-You're back agad? M-Miss mo na ba ako?"

"Hindi. Itatanong ko lang kung kumakain ka ba ng pakbet, 'yon lang kasi ang available na ulam doon e at saka okoy na hipon. Kumakain ka ba nun?"

"P-Pakbet na lang, huwag na 'yong o-okoy."

Ilang segundong napatitig si Ely. "Bakit? Ayaw mo din ng hipon? Allergic ka din ba– sige, babalik din ako agad. Mukhang gutom ka na e, kinakausap mo na ang sarili mo e."

Napahawak si Gwy sa dibdib niya, nagpunta siya agad sa kusina para uminom ng tubig.  

Walang nagsasalita sa kanila habang kumakain, umabot na ang gabi pero hindi pa rin sila nag-uusap. Kapansin-pansin ang pananahimik ni Gwy, palagi itong tulala at nakasilip sa bintana.

"Okay ka lang?" Tumango si Gwy pero hindi tumingin kay Ely, "Gabi na, inaantok na ako. Hindi ka pa ba matutulog?"

"Mauna ka na, susunod na lang ako." Sagot ni Gwy

Mag-aalas otso na pero hindi pa rin pumapasok sa kuwarto si Gwy kaya lumabas ulit si Ely.

"Bakit d'yan ka natutulog? Tara na sa loob, malamok d'yan."

Bumangon si Gwy at sumunod kay Ely sa kuwarto.

"Sigurado ka bang ayos ka lang? Hindi ka naman ganyan ah. Hindi ka naman ganyan sa simbahan kanina. Gusto mo bang ibili kita ng energy drink?"

Umiling si Gwy. "‘Di ba naiinis ka kapag maingay at makulet ako so t-tahimik na lang ako." Mahinang sambit ni Gwy

"Halika na dito, matulog na tayo." Sabi ni Ely at umayos ng higa para may space para kay Gwy.

"T-Tabi tayo d'yan?" Tanong ni Gwy

"Oo. Walang ibang higaan dito, ito lang ang may kutson. 'Di ba gusto mo 'to? Eh bakit ngayon parang iwas na iwas ka ha? 'lika na, kanina pa ako inaantok e." Sabi ni Ely at pumikit.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 11, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3Where stories live. Discover now