Chapter 52

93 0 0
                                    

CHAPTER 52 : ELY's POINT OF VIEW ★

"Sasamahan kita sa Doctor, ihahatid kita."

Nilapitan niya ako at niyakap ng mahigpit. "Hindi na, kaya ko na. Si Eya na lang ang bantayan mo. Babalik ako Ely, at huwag kang magtataka kung iiwasan kita. Sinasabi ko na sa 'yo ngayon, iiwas ako. My twin sister, he love you, si much.."

"Pero mahal mo rin ako 'di ba?"

"Oo. Pero Ely, mahirap.. Ayaw kong kaawaan mo kami. Okay lang ako, si Eya ha." Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin, "Aalis na ako, ayokong maabutan nila ako dito."

"Makakasalubong mo sila."

"Magpapahatid ako kay Joe, may alam siyang ibang daan."

Tumayo ako at mabilis siyang hinalikan sa noo. "I love you." Sambit ko pero ngumiti lang siya.

"Si Eya ha." Tumalikod na siya at nagpunta na sa may ilog.

"'Tol, ihatid mo siya ha." Tumango si Joepette at sumunod na kay Tyra sa ilog, may daan nga doon papunta sa bayan.

"T'yang, si Eya po?" Tanong ko kay T'yang Adela, naglalaba siya sa likod-bahay pero wala si Eya.

"Baka nasa duyan, doon lang daw siya tatambay sabi sa akin. Doon niya daw hihintayin si Miss Tyra."

"Pupuntahan ko lang po." Hinanap ko na kung saan-saan si Eya pero wala siya. Wala naman siya sa duyan, wala din sa Rancho.

Bumalik ako sa kubo para uminom muna ng tubig.

"Eya!" Tawag ko nang makita ko siya sa kubo, nakahiga at yakap-yakap ang jacket ni Tyra. "Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala."

Agad ko siyang niyakap. "Dada, babalik naman po si Mami SB 'di ba? Malulungkot po ako ng sobra kung hindi." Nag-umpisa na siyang humikbi.

"B-Babalik siya, babalik ang Mami Tyra mo. Ang mabuti pa ay matulog ka muna ha, inaantok ka ba?"

"Hindi po pero gusto ko pong matulog, baka paggising ko nandito na ang Mami ko."

Ayaw ko sanang magtanong pero hindi na naman ako titigil kakaisip nito. "Ano ba talagang sinabi niya sa 'yo? Ano'ng sinabi sa iyo ng Mami SB mo?" Curious na curious na talaga ako.

"Basta ang sabi po niya ay siya ang totoong Mami ko at mahal na mahal niya raw po ako. Huwag na rin daw po akong matakot at mainis sa kakambal niya kasi Tita ko raw po 'yon, Tita ko raw po si Tita Gwy, siya raw po ang nag-alaga sa akin noong baby pa ako bago ako napunta sa iyo Dada. Dada, kayo po ang totoong Dada ko 'di ba? Sabi ko ni Mami. Medyo nalilito pa po ako pero sabi ni Mami ay maiintindihan ko rin lahat 'to kapag malaki na ako. At huwag ko raw pong sasabihin kahit kanino, secret daw po ng pamilya natin 'yon." Kuwento ni Eya habang nakayakap sa akin. Umiiyak na pala ako.

"I love you, anak." Bulong ko at hinalikan siya sa ulo.

"I love you Dada."

Hinintay kong makatulog si Eya bago ko siya iniwan kay T'yang Adela.

Pumunta ako sa manggahan, naglilinis na silang lahat, nagtatabas sila ng matataas na damo.

"Ely iho, bago lumubog ang araw mamaya ay ipasyal mo si Pega."

"Opo Sir Drammy." Sagot ko

"Nasaan nga pala si Joepette?"

Napatingin ako kay T'yong Jerry. "Ah Sir, may iniutos po ako saglit, babalik na rin po agad 'yon, siya muna ang inutusan ko at hindi pa makapag-puwersa itong si Ely." Sabi ni T'yong, nakahinga ako ng maluwag.

"Eleazar.."

"S-Sir, bakit po?" Ngayon lang ulit may tumawag sa buong pangalan ko.

"Kakausapin ka raw ng pamangkin ko."

You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3Kde žijí příběhy. Začni objevovat