Chapter 37

85 0 0
                                    

CHAPTER 37 : SOMEONE's POINT OF VIEW ★

"Okay lang ba siya? Humihinga pa ba? Hindi ba natin siya dadalhin sa doctor, sa hospital? What? Tutunganga na lang ba tayo dito at hihintayin na magising siya? What if-" Sabi ni Gwy at hindi mapakali.

"Kumalma ka nga Miss Gwy, ang dami mong tanong. Okay na po si Miss Tyra, nagpapahinga lang, magigising lalo 'yan dahil sa boses mong mala-megaphone." Sabi ni Joepette kaya sinamaan siya ng tingin ni Gwy.

"Tama si Joepette anak, kailangan lang ng pahinga ng kapatid mo. Sinabi ko naman kasi na sa bahay na lang siya pero nagpumilit pa ring sumama." Sabi ni Drammy

"Yeah. It's her fault rin naman kasi." Sabi ni Gwy kaya napailing na lang si Ely.

"Huwag ka na umiyak Eya, okay lang ang Ate Tyra mo." Sabi ni Aleng Adela pero humihikbi pa rin ang bata.

"Dada, okay lang ba talaga ang Mami SB ko? Bakit hindi pa rin po siya gumigising?"

"Okay na siya, kailangan lang niya magpahinga." Sagot ni Ely sa bata.

"She's still sleeping, kaya nga siya si sleeping beauty mo eh. Siguro pinaghahabol mo si Tyra kaya siya napagod."

"Psst Gwy! Pati ba naman ang bata e papatulan mo?" Saway ni Alpa

"Ang mabuti pa ay bumalik na kayo sa ginagawa ninyo," Sabi ni Drammy at tumingin may Alpa. "Mahal, ipasyal mo muna si Clarry, dalhin mo siya doon sa may fish pond at hindi pa naman gaanong mainit."

"Tito, p'wede ba akong magpunta sa ilog ninyo dito? I heard masarap daw maligo doon, please." Sabi ni Gwy

"Mag-isa? Hindi mo alam ang pasikot-sikot doon."

"Eh wala naman akong makakasama e, hindi naman p'wede si Sissy kasi natutulog pa."

"Joepette."

"Bakit po Sir?"

"Samahan mo muna itong pamangkin ko sa ilog."

"Opo Sir."

"Gwy, maniwala kay Joepette. Huwag pupunta sa malalim ha? Mag-iingat ka."

"Opo Tito 'tsaka may alalay naman po akong kasama e." Sabi ni Gwy at umakbay kay Joepette, "Dalhin mo 'tong mga gamit ko."

"Eya, halika na, balik na tayo sa kubo natin at maghahanda pa ako ng lulutuin sa pananghalian." Sabi ni Aleng Adela

"Dito lang po ako, wala pong kasama ang Mami SB ko, babantayan ko po siya." Sabi ni Eya at umupo sa tabi ni Tyra.

"Dito ka lang at huwag kang maingay. Huwag ka ring maglalaro sa arawan at baka magkasakit ka, dadalhan na lang kita ng meryenda dito."

"Opo T'yang."

"T'yang, dito na lang din po muna ako." Sabi ni Ely, "Maayos na po naman ang pakiramdam ko, medyo mabigat lang po itong balikat ko."

"Sige sige, magpahinga ka rin at magpalakas dahil malapit na ulit mag-ani ng mangga."

Alas dies na ng umaga nang magising si Tyra, pilit siyang bumangon kahit na sumasakit ang ulo niya.

"Mami!"

"Eya? Ano'ng ginagawa mo dito? Ano'ng nangyari?" Tanong ni Tyra pero agad na yumakap sa kanya ang bata.

"Binabantayan ko po kayo, nawalan po kayo ng malay kanina kaya nandito kayo sa kubo ngayon, ang tagal po ninyong natulog."

Napatingin si Tyra sa orasang nakasabit sa dingding. "Paano ako napunta dito? Ang naaalala ko'y nasa may kotse pa ako kanina."

You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3Where stories live. Discover now