Chapter 39

91 3 1
                                    

CHAPTER 39 : TYRA's POINT OF VIEW ★

Nagmamadali akong pumasok ng bahay para uminom ng tubig.

"Tyra, hindi ko maintindihan, may batang kasama si Ely?"

"Opo. At ang sabi niya'y kapatid niya 'yon, iyon daw po ang bunso. Mang Jun, may anak po ba si Ely?"

"Wala, sigurado akong wala."

"Kakausapin ko po siya bukas, sasama po ba kayo? P'wede ko pong isama si Ely sa burol kung siya lang ang gusto mong makausap." Umiling si Mang Jun, kumuha din siya ng tubig ang uminom.

"Gustuhin ko man pero hindi p'wede, ayokong mapahamak ang anak ko. Alam kong mayro'n pa ring nagmamasid sa paligid
Kaya Tyra, mag-iingat ka palagi."

Nabawasan nga 'yong kailangan kong lutasin ngayong napatunayan kong si Mang Jun nga ang Tatay ni Ely pero dumagdag naman ang tungkol kay Eya.

Anak kaya siya ni Ely?

Kanino?

Imposible namang dun sa Olivia kasi Ate ang tawag ni Eya din at patay na siya.

"We're home!"

Napalingon kami pareho ni Mang Jun sa may pinto.

"What are you doing here sa loob ng house?"

"Good evening po, may–"

"Tinawag ko si Mang Jun, Gwy. Nagpatulong ako sa kanyang ilagay itong tubig sa water despenser, kaya ko namang buhatin pero hindi ko kaya ngayon kasi masakit ang katawan ko kaya tinawag ko siya. At gumalang ka naman."

"Whatever." Sabay taas-kilay.

"Sila Tito?"

"Nasa labas pa. Natulog kasi si Clarry sa byahe kaya binubuhat pa ni Tito." Sagot ni Gwy at dere-deresto na sa kuwarto namin. Napansin kong marami siyang bitbit na paper bag, ano na naman kayang binili ng babaeng 'yon?

"Pasensya na po kayo Mang Jun."

"Ikaw ang gusto ko para sa anak ko." Sabi ni Mang Jun at nagmamadaling lumabas ng bahay para tulungan si Tita Alpa na ipasok sa ang mga pinamili nila.

Gusto ko rin naman si Ely.. Pero hindi p'wede dahil gusto siya ng kakambal ko.

Pagkatapos naming maghapunan ay tinawag kami ni Tito at pinapunta sa sala, may pag-uusapan daw kami. Tinawag niya rin si Mang Jun.

"Ano po ba'ng pag-uusapan natin Tito? Mag-aayos pa po ako ng mga gamit ko e." Sabi ni Gwy at pabagsak na umupo sa tabi ko.

"Saglit lang 'to." Sabi ni Tito at naupo sa tabi ni Tita Alpa, "Bukas, hindi tayo pupunta sa Farm, rest day nating lahat. At may lakad kami ng Tita Alpa ninyo."

"Kasama po ba si Clarry?" Tanong ko

"Oo. Madaling araw ay aalis na kami at hapon na siguro ang balik namin."

"Saan po kayo pupunta Tito?" Tanong ni Gwy

"Family day. Ipapasyal namin si Clarry sa Baguio."

"Wow! Next time naman po isama ninyo kami ha, nasa bucket list ko rin talaga 'yang Baguio e." Pa-simple kong siniko si Gwy.

"Sige sige, sa susunod ay pupunta tayong lahat, isasama natin ang mga pinsan ninyo at ang mga kapatid ko. Pero sa lunes, mag-aani muna tayo ng mga mangga. Si Tyra lang ang isasama ko sa Farm."

"How about me Tito?" Tanong ni Gwy, tatayo pa sana pero hinila ko siya pabalik sa sofa.

"Dito ka sa Tita Alpa mo, marami siyang gagawin next week kaya ikaw muna ang bahala kay Clarry, turuan mo siyang magsulat at magkulay."

You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3Where stories live. Discover now