Chapter 29

118 0 0
                                    

CHAPTER 29 : TYRA's POINT OF VIEW ★

"Bumalik ka ba muna doon sa pinapagawa ni Tito sa iyo, mamaya na tayo mag-usap. Sasabihin ko sa 'yo kung nasaan si Mang Jun."

"Alam mo kung nasaan si Mang Jun? Nasaan?"

"Mamaya na nga 'di ba? At saka ang ingay mo, alam mo naman na kahit bata 'to e marami 'tong alam." Sabi ko at tumingin kay Eya.

"Eh tulog 'yan e."

"Eh kung nagtutulog-tulugan lang?"

"Okay po Miss Tyra." Tumayo si Joepette at pinagpagan ang short niya, "Mamaya na lang po."

Nakatingin lang ako kay Joepette habang naglalakad siya papunta sa Rancho.

Paano nga ba ako?

Bakit kasi ang hirap piliin ng sarili?

At kung pipiliin ko ang sarili ko, may masasaktan.

Ayoko namang masaktan si Gwy dahil sa amin pero tama si Mang Jun, hindi sa lahat ng oras ay nandito ako para sa kanya.

"AAAAHHHHH!"

"Sleeping beauty?" Nakakunot-noong sambit ni Eya sabay hikab.

Napatakip ako ng bibig. "Sorry sorry."

"May gumugulo po ba sa isip ninyo?"

"Ha? Wala, wala. May kumagat lang na langgam sa paa ko kaya napasigaw ako, sorry." Pagsisinungaling ko, alam kong mali pero–

"P'wede po ba nating puntahan si Dada?"

"Masyadong malayo ang hospital dito Eya. Huwag ka na mag-alala, okay na raw ang Kuya mo, uuwi na siya dito mamayang hapon, hintayin na lang natin siya, okay?"

Tumango naman ang bata. "May ibibigay nga po pala ako sa 'yo Ate, nasa bag ko po e, p'wede po ba nating kunin?"

"Sige." Inalalayan ko siyang bumaba ng duyan.

"Para po sa inyo Ate."  Inilagay niya sa kamay ko ang isang bracelet. "Ako po ang gumawa n'yan, parehas po tayo oh." Ipinakita niya sa akin ang suot niyang polseras.

"Salamat Eya."

"Salamat din po."

Nang kumalma na si Eya at okay na raw ang pakiramdam niya ay inihabilin ko muna siya kay Aleng Letty, ayaw pa niyang pumayag pero sabi ko at babalik din ako agad. Kailangan kong i-check lahat ng ginawa nila Mang Nato, pinuntahan ko ang Rancho, ang Mango Farm at tumulong din ako sa pagtatanim ng gulay sa likod ng Manggahan. Nagtanim kami ng sitaw, okra at kalabasa, hindi na namin natapos itanong ang mga talong dahil sobrang init na.

"Tubig ka muna."

"Salamat Joe."

"Wow! Joe na rin ang tawag mo sa akin?" Natatawang tanong ni Joepette

"Narinig ko 'yon sa Nanay mo, ginaya ko lang."

Napatango-tango siya. "Magpalit ka muna ng damit, matutuyuan ka ng pawis. Ako na lang ang magtatapos magtanim nitong beans."

"Magpahinga kaya tayong lahat, mamayang hapon na lang 'tong natitira. Masyadong mainit ang panahon, baka ma-heat stroke tayo." Sabi ko, sumang-ayon naman si Mang Nato kaya bumalik na kami sa mga kubo.

"Ate Tyra, tubig po?"

"Salamat Eya, ilagay mo na lang muna d'yan at nagbibihis pa ako." Nagbihis lang ako ng manipis na t-shirt, hindi ko na pinalitan ang pang-ibaba kong suot dahil magtatanim pa kami mamaya.

"Nagpasaway ka ba kay Aleng Letty?"

"Hindi po, tinulungan ko nga po siyang magluto ng meryenda e. Ano'ng oras na po ba Ate?"

You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3Where stories live. Discover now