Chapter 49

106 1 0
                                    

CHAPTER 49 : ELY's POINT OF VIEW ★

"Kahit tumitig ka maghapon d'yan sa gate, hindi dadating 'yong hinihintay mo, bukas pa 'yon papasok." 

"May iniisip lang."

"S'yempre siya. Ano ka ba 'tol, ako lang naman 'to, hindi mo kailangang magkunwari. Ang Nanay lang naman ng anak mo ang iniisip mo, walang iba."

Umiwas si Joepette nang subukan ko siyang batukan. "Ang ingay mo, hindi ko alam kung tama bang sinabi ko pa sa 'yo."

"Ano ka ba 'tol, hindi naman ako magsasalita kung may kasama tayo e, kaibigan ninyo ako, safe sa akin 'yang mga tinatago ninyo."

Tumayo ako at naglakad palabas ng gate ng Farm. "Hindi namin tinatago si Eya 'tol, kailangan lang namin protektahan. Alam  mo naman 'yong totoong kuwento, mahirap 'yon para kay Tyra kaya pati siya kailangan kong protektahan. Alam mong ang pinakamahirap sa lahat ay balikan ang nakaraan, nakaraan na pilit na kinakalimutan."

"Wala ka bang balak sabihin kay Eya na anak mo siya? Anak ninyo. Kahit 'yong siya lang ang nakakaalam para naman hindi siya magtanim ng galit paglaki niya, alam mo na ang mga kabataan ngayon."

"Baka hindi pa niya maintindihan pero hahanap ako ng t'yempo." Sagot ko

"Balik na tayo, magdidilim na at mukhang uulan pa." Yaya na sa akin ni Joepette

"Teka lang, sino 'yon?" May nakit akong lalake na nakasandal sa isang puno malapit sa isang kubo.

"Ha? Wala naman ah," Pagtingin ko sa may puno ay wala na 'yong lalake. "Kung anu-ano na lang ang nakikita mo 'tol, gutom ka na ba?"

"Hindi, may nakita talaga ako."

"Sus. Baka si Tyra lang ang iniisip mo kaya kung anu-ano ang nakikita mo, malala ka na."

"Baka nga." Napangiti ako, "Dati akala ko imposible ko na siyang makita ulit pero kapag Tadhana na talaga ang nagtakda, hindi mababago."

Napakunot-noo ako dahil bigla humalakhak si Joepette.

"May nakakatawa?"

"Ganyan ang linyahan ng in love."

"Gusto ko na nga siyang pakasalan e."

Lalo lang tumawa si Joepette. "Seryoso 'tol? Kasal? Eh hindi mo pa nga girlfriend 'yong tao. Baka nakakalimutan mong ang kakambal niya ang girlfriend mo."

"Pekeng girlfriend." Inis kong sabi

"Eh ikaw naman kasi, hindi mo muna sinigurado kung si Tyra ba o si Gwy, magkaiba naman sila ng ugali."

"Eh nagpanggap nga siyang siya si Tyra, ano'ng magagawa ko?"

"Problema mo na 'yon. At tungkol kay Tyra, nand'yan siya."

Inayos ko agad ang buhok ko at ang suot ko.

"Joke lang." Tumatawa niyang sabi, nakahawak pa sa tiyan niya. Napailing na lang ako.

Nand'yan na talaga siya."

"Tumigil ka Joepette, ano'ng gagawin nun dito? Kahit namimiss ko siya, hanggang miss lang naman ako."

Napakamot si Joepette sa ulo niya at tumalikod. 

"Bakit? Totoo naman 'tol, kahit nga gusto ko siyang yakapin e–"

"Gusto mo akong yakapin?"

Napalunok ako, hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na nand'yan siya?" Bulong ko kay Joepette

"Sinabi ko sa 'yo, hindi mo lang narinig." Sagot ni Joepette, pati yung motor hindi ko manlang narinig.

"H-Hi. K-Kanina ka pa? Ah–"

You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon