Chapter 09

155 2 0
                                    

CHAPTER 09 : TYRA's POINT OF VIEW ★

"Babalik din po ako agad Tito, dadaan din po ako saglit doon sa hospital, ipagtatanong ko rin po doon at baka nakita nila."

"Mag-iingat ka sa pagmamaneho. Nasaan nga pala si Gwy?"

"Natutulog pa po Tito pero sasamahan niya raw po kayo ngayon sa Manggahan, katukin niyo na lang po sa kwarto."

Kailangan kong mahanap ang kwintas ko, hindi ako titigil hangga't hindi ko 'yon nakikita. "Hi ‘Pa, sorry po naiwala ko 'yong kwintas, hindi naman po ako titigil hangga't hindi ko 'yon nakikita e, sana lang po tulungan niyo ako Mama, Papa."

Pagkasindi ko ng kandila ay nag-umpisa na akong maghanap. "Kuya, Kuya! Kayo po 'yong nandito noong isang araw 'di ba?" Tumango ang lalake, may hawak siyang walis at mukhang magsisimula ng maglinis ng mga puntod.

"Ako po si Tyra, may itatanong lang po sana ako, okay lang po ba?" 

"Okay lang po Ma'am, ano po ba 'yon?"

"Ako po 'yong naghatid dun sa lalakeng nabangga, itatanong ko lang po sana kung may nakita ba kayong kwintas dito?"

"Kwintas?"

"Opo, silver po siya na may pendant na g-cleft."

"Wala akong nakikitang kwintas dito iha, kahit noong kinuha dito ang motor e wala namang napansin na kwintas, dito ba nawala?"

"Opo e pero magtatanong din po ako sa hospital baka sakaling nakita nila. Salamat po ha."

"Kapag may nakita akong kwintas na katulad ng tinutukoy mo e itatago ko na lang, ibibigay ko na lang sa 'yo kapag nagkita tayo ulit dito."

"Maraming salamat po. Sige po, pupunta pa po ako sa hospital."

Lord, sana po mahanap ko na.

"Miss, may hinahanap po kayo?" Tanong sa akin ng guard, paikot-ikot kasi ako sa lugar kung saan ko ipinark ang motor noong isang gabi.

"May hinahanap po kasi akong kwintas Kuya, wala po ba kayong napansin dito? Silver po 'yon at may pendant na g-cleft." Sabi ko, nilapitan din ako ng isang nurse.

"Ikaw 'yong babaeng tumulong dun sa lalakeng nabangga 'di ba?"

"A-Ako nga po."

"Bibisitahin mo ba? Wala na siya."

"Patay na po?!" Gulat kong tanong pero natawa ang nurse.

"Buhay pa, wala na siya dito sa hospital, 'yon ang ibig kong sabihin. Na-discharge na kagabi, gusto ka nga'ng makilala nang Mama niya e, 'yong Kuya niya nga hinahanap ka rin, kinuha niya nga 'yong CCTV footage eh."

"Pakisabi pong okay na 'yon, ang mahalaga po'y nakatulong ako at okay na siya."

"Kapag bumalik dito ay sasabihin ko na lang. Ano'ng pangalan mo?"

"Tyra, Tyra Musico Galvez po. May napansin po ba kayong kwintas dito?"

"Wala eh, sa dami ba namang dumadaan dito e, baka may nakapulot na. Sige, papasok na ako sa loob at baka hinahanap na ako ng pasyente ko."

Hindi ako mawawalan ng pag-asa, mahahanap ko rin ang kwintas na 'yon, ang tanong lang e, saan?

"Nakita mo na ba Tyra?" Umiling ako pabagsak na umupo sa sofa kasabay ng malalim na buntong hininga.

"Ano'ng ginagawa mo dito Gwy? Hindi ba dapat nasa Mango Farm ka kasama ni Tito Drammy."

"Galing na ako doon, umuwi lang ako kasi sobrang init na, may nakilala nga akong pogi e."

You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3Où les histoires vivent. Découvrez maintenant